6: New job

77 6 6
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Boddy Horror, Blood, Death

RHEIGN'S POV

Tulad nga ng sinabi ni Kate ay inaral ko na agad ang ibang timpla. Mabilis ko lang naman natandaan dahil 'di naman ganoon kahirap..

Ang mahirap lang tandaan ay ang pangalan ng inumin na 'yun pero ang proseso naman kung pa'no 'yun gawin ay 'di naman mahirap.

Napadaan lang dito si Sam kanina. First time ko s'yang nakita dito sa mansyon nila. Nasabi n'ya na alas otso ang bukas nitong bar na 'to.

Since anong oras na rin naman ay naghanda na ako. Isinuot ko na ang uniporme na ibinigay ni Kate at tulad nga ng inakala ko, fitted nga sa akin.

Kitang kita ang hulma ng katawan ko. Pang ilang beses ko pa lamang ata nakapagsuot ng ganito kasikip na damit. 'Di ko madalas pinapakita ang hubog ng katawan ko sa ibang tao.

Nang wala naman na 'kong magawa at anong oras na rin naman, mga alas s'yete pasado na ng gabi, ay naghintay na lamang ako.

Umupo ako sa may front bar saka tumunganga sa bar na 'to. Napansin ko lang ang maitim na aura ng bar na 'to. Well, kung titingnan naman kasi ang mga namamahala ay natural na maitim din ang aurang ibinibigay ng bar na 'to.

Kasi... maayos naman. Maganda nga ang interior design. Malaki ang space na nakalaan para sa mga customer. Ang counter naman... mataas sa standard kitchen counter which is good. Mayroon pang magandang back bar coolers, mayroon pa ngang underbar glass washer.

Pero yung atmosphere e.

Iba ang dating e. Para bang... malalaman mong iba talaga ang bar na 'to kumpara mo sa ibang normal na bar.

"Rheign," tawag ng kung sino.

Napalingon naman ako sa pinto ng bar. Nakita kong naroon si Mark habang nakasuot ng uniporme.

"Bakit?" napatayo naman ako.

"Hindi ka ba kakain?" tanong n'ya saka itinuro ang pinanggalingan n'ya.

Pumasok s'yang tuluyan sa bar saka isinara ang pinto. Umupo s'ya roon sa isang table saka ako hinarap.

"Kumain na ba kayo?"

"Ako hindi pa. Kung gusto mo naman kumain bago magsimula ang trabaho, p'wede naman," tango n'ya sa 'kin.

"Hindi na muna. Baka tumaob sikmura ko mamaya kung may mangyari man," biro ko sa kan'ya.

Napatawa naman ito bahagya saka hiniga ang ulo sa table habang nakaharap sa akin.

"Mabuti na rin 'yan. No'ng nakaraan lang ay may halos lumuwa ang mata rito," k'wento pa ni Mark na akala mo'y normal lamang ang nangyayari na 'yon.

"Para namang sanay na sanay ka," komento ko.

"Mm-mm," tango n'ya sa akin. "Sinanay naman na ako ni Tristan para na rin makaya ko, 'no?"

"Gaano ka na ba katagal dito?" tanong ko sa kan'ya.

Naningkit naman ang mata n'ya na ani mo'y inaalala ang mga nangyari.

"Simula ata mag-college ako," sagot ni Mark sa akin. "Simula din ata nang sumama ako sa kanila ay sinusundan ka na nila."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya pero hindi naman ako nagulat. Namangha lang na ganoon na pala ako katagal na kilala nitong mga 'to.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon