7: First Morning

71 5 3
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Maaga akong nagising kumpara sa natural kong gising. Namamahay pa rin ako at hindi makatulog nang maayos. Dumagdag pa ang nangyari noong gabi kaya mas lalo akong hindi makatulog.

Mga alas kwatro ako nang magising. Inayos ko agad ang sarili ko. Naghanap ng damit pampalit at ng uniporme ko.

Namangha lang ako nang makita ang aparador. Nakaayos doon ang mga gamit ko. Hindi ko naman 'to pinakialaman pero ang ayos ayos na.

Nakaayos ang mga damit sa tamang lugar nito. Nang silipin ko ang isang drawer ay doon ko nakita ang ilan kong undies. May 'di pa pamilyar sa akin na naroon. Wala naman akong undies na ganoon.

'Di ko na lang pinansin saka ako lumabas ng kwarto nang maayos na ang sarili ko. Ngayon ko pa napagmasdan ang buong bahay na 'to.

Hindi sila nagkakamali kung sasabihin nilang mansyon ito. As in, ang laki. Kaya lang ang kwarto nasa baba... e ano kayang mayroon sa taas?

Inilinga ko na lang ang aking mata. Masyado pang madilim kaya hinanap ko ang switch ng ilaw saka iyon binuksan.

Halos bumagsak ang aking kaluluwa at mahulog ang aking puso sa gulat nang may sumulpot na lalaking naka-upo sa mahabang lamesa rito pag labas ng kwarto. Take note... topless pa ha.

Napahawak ako sa aking dibdib kasabay ng aking pagpikit nang lumingon sa akin si Tristan. D'yos ko po..

"Why are you so pale?" he asked like nothing.

Ikaw kaya makakita ng lalaking walang damit pang itaas. Napaiwas agad ako ng tingin saka naglakad sa ibang direksyon.

"Wala naman."

"Hmm," I bet he nodded.

Napalinga naman agad ang mata ko. Naghanap agad ng mainit na tubig. Kape... magkakape na lang ako.

"What do you need?" Tristan asked.

Napalingon naman ako kaagad sa kan'ya. Kaharap n'ya ang laptop n'ya habang diretso ang pagkakaupo sa dulong bahagi ng long table na ito.

"Mainit na tubig sana," taas ko ng kilay kahit na 'di naman ito nakatingin.

"Sa kusina, sa likod, mayroon do'n," seryosong tugon nito.

Napatango naman ako sa kan'ya. Nilisan ko naman agad ang lugar na 'yon nang pumunta ako sa kusina.

Madilim pa roon kaya binuhay ko ang ilaw saka ko hinanap ang mainit na tubig. May termos naman na naroon kaya iyon na ang kinuha ko. May laman naman iyon.

Doon na lang din ako nagtimpla ng kape tutal mayroon din namang kailangan doon para makagawa ng kape.

Pagkabalik ko naman sa may dining ay nadatnan ko na roon si Mark na nakatulala.

"Good morning," bati ni Mark nang makita ako.

"Good morning. Gusto mo ng kape?" tanong ko saka ipinakita ang hawak kong mug.

Naramdaman ko naman ang tingin ni Tristan nang tumigil ito sa pagtype sa kan'yang laptop. Ang aga ng gan'yang tinginan ha.

Umiling naman si Mark kaya umupo ako sa may tabi n'ya. Ayaw ko doon sa tapat ni masungit na Tristan.

"Ang aga mo ata," mahinang saad ko saka tiningnan si Mark.

Ang gulo pa ng buhok n'ya habang ang gulo din ng shirt n'ya. Amoy kama pa, pero hindi naman amoy panis na laway. Amoy johnsons ata.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon