Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
Nakasakay naman na ako sa taxi. Dapat talaga lalakarin ko na lang hanggang sa sakayan ng jeep, hindi ko naman inakala na may tinawag na palang taxi si Sam dahil nautusan ni Tristan. Nasa trabaho na daw kasi si Tristan kaya sinaglitan lang na mautusan si Sam.
Ito namang isa, masunurin. Tumawag pa nga ng taxi. E ang sabi ko'y wala akong pambayad, ayon, binayaran pa nga ni Tristan. Grabe lang.
Maayos na maayos naman na ang damit ko. Nagsuot na lang ako ng dark green casual ruffle dress. Hindi naman 'to kamahalan, madami naman sa online shops. Pero maganda. Magugustuhan ni mama.
May katagalan ang b'yahe dahil medyo malayo ang sementeryo na pinaglibingan kay mama. Hindi naman kasi kami dito sa bayan talaga nakatira, nalayo lang ako dahil na rin sa kailangan magtrabaho saka sa unibersidad na rin kasi na pinag-aaralan ko. Kailangan mag-adjust para na rin sa kinabukasan.
Naihatid naman ako ng taxi na iyon sa pupuntahan ko. Alam naman na siguro sa mansyon na nakarating na ako sa lokasyon na pupuntahan ko, walang k'wenta ng tracker kapag hindi nila nalaman ang lokasyon ko.
Agad naman akong nagtungo sa sementeryo. Nakita ko pa lang ang dalawang g'wardya ng papa ko ay kinawayan ko na agad sila. Hindi naman ako masungit doon, mabait kasi sila sa 'kin saka sino ba naman ako para magsungit sa kanila?
Napangiti na lang naman ako habang naglalakad nang makita si papa. Hindi ako makalakad nang maayos dahil na rin sa sandals na suot ko. Hindi ako medyo sanay sa gan'to.
"Pa.." nagmano ako sa kan'ya.
Niyakap naman n'ya ako. Amoy ko ang bango n'ya at ang lamig ng damit. Marahil ay kakalabas lang sa kotse n'ya.
"Ang ganda ng anak ko, ah?" komento n'ya nang tingnan ang ayos ko. Napangiti naman ako sa kan'ya saka tumango. "siguro may nobyo ka na, 'no?"
"Ito si papa, nobyo agad. Hindi ba p'wedeng nag-ayos lang ako dahil kay mama?" sabi ko naman.
Napatawa naman ang kan'yang mga g'wardya saka naman tumango sa akin. Kahit papaano naman ay hindi masama ang pagitan ko sa mga g'wardya n'ya.
"Sigurado ka d'yan, ha?" saad naman ni papa.
"Sigurado nga po," sagot ko naman.
"O s'ya, tara na," saad ni papa saka ako inakbayan papapunta sa puntod ng mama.
Naiwan naman sa kanilang kinatatayuan sina luya Leo, g'wardya ni papa. Sanay naman silang kami lamang ang pinaaalis dahil na rin sa binibigyan halaga nila ang pribadong buhay ng papa. Hindi naman porket may katungkulan ang papa ko ay wala na itong sariling buhay.
Nakangiti naman ang papa ko habang papunta sa puntod ng mama ko. Dala n'ya ang bulaklak na sinabi n'yang bibilhin n'ya kanina.
"Ang tagal na rin, 'no?" saad ni papa saka ako sinulyapan panandalian.
"Mm-mm.."
"Limang taon na pala nang mawala s'ya sa atin," dugtong pa ni papa. "masyado ka pang bata para mawalan ng karamay sa buhay."
"Nakaya ko naman, pa.." mahinang saad ko saka tiningnan ang malawak na sementeryo.
"Pasensya na, ha?" saad naman ni papa saka napayuko ngunit nakangiti pa rin, pilit. "hindi ko nagawang ipaglaban mama mo e..."
"Nangyari na 'yun, pa, saka ilang taon ka na ring humihingi ng tawad sa bagay na kahit 'di ka naman humingi ng tawad ay napagbigyan ko na," tango tango ko naman saka dinama ang hangin na kinasasalubong namin. "ikaw na lang siguro ang hindi pa nakakapagpatawad sa sarili mo..."
![](https://img.wattpad.com/cover/277640887-288-k392830.jpg)
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...