QUEENIE APHRODITE POV
Basketball ang sinalihan ko sa PE namin. Kakaiba ang PE nila dito. To really enhance your physical strength dadaan ka sa mga sports club at kung anu-ano pa. Para itong katulad sa Japan na may mga club. Nabasa ko lang din sa manga.
Kaya basketball ang pinili ko dahil nandito din si Raven. I need to keep an eye on him. Naririnig ko rin ang ilan sa mga nakakarinding papuri sa kanya ng mga kababaihan dito.
“Hi, Queenie, right?” Tanong ng babaeng kaibigan ni Raven. “I’m Darah, dito ka na sa team ko sumali?” Alok nya sa’kin. At dahil close sila ni Raven kaya kailangan ko din makitungo sa kanya.
Walang emosyon akong tumango at sumunod sa kanya. Nilista nya ang pangalan ko sa team nya at naupo ako sa may bench sa gilid para pagmasdan ang laro nila Raven.
Di ko maipagkakailang magaling sya. Kaya pala MVP ang nakalagay sa profile nya.
Nawala lang ang paningin ko nung marinig ko ang boses ni Sakura. Sya ang half-japanese and half-filipino na information broker ko.
“Queen, need ng Team Eagle ang tulong mo.. nasa school ka parin ba?” Boses nya sa suot kong hikaw.
Masyado kasing halata kung earpiece ang gagamitin ko. Kaya gumawa ng paraan si Sakura para may contact parin ako sa kanya. Nasa wrist watch ko naman ang speaker. Dun ako magsasalita para marinig nya ang sasabihin ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko. It’s 2:49. Meron akong 11 minutes bago matapos ang klase. Nilapit ko ang watch sa may bibig ko para magsalita.
“Where’s the location? And tell them to buy me some time.” Sabi ko. Napatingin naman sa’kin si Darah.
“Huh? Saying something?” Nagtatakang tanong nya. Umiling lang ako at sumenyas na kausap ko lang ang sarili ko. Naintindihan nya naman iyon.
“Greenland village. Your 12 o’clock from the gate.”
“And the situation?” Bulong ko dahil baka marinig na naman ako ni Darah.
“Ambush. Napapalibutan sila ng maraming tauhan ng target. Buti at may natataguan silang semento kaya medyo buhay pa. We need you to clear things up. Wag kang mag-alala dahil lahat ng tauhan nya involved na rin sa kasamaan nya in multiple cases.” Paliwanag nya. To make sure na wala akong regret kung sakali mang patayin ko sila.
“Tell them to hang on. Just give me 20 minutes.” Bulong na sagot ko.
“Roger!” Huling sabi nya bago pinatay ang tawag.
Nakakailang beses na akong napapasulyap sa orasan at naghihintay matapos ang PE namin nung tumunog na yung pito.
Pagtingin ko ulit sa orasan ay saktong alas-tres na. Tumakbo ako papunta sa Instructor, kung saan sya ang nagchecheck for attendance.
“Excuse me, an emergency came up, pwede na ba akong mauna?” Walang emosyong paalam ko. Napatingin sya sa’kin na para bang sinusuri ang mukha ko.
“You are Ms. Clemente, right?” Tanong nya. Tumango naman ako. Malamang ay sinabihan din sila ng may-ari na sundin ang gusto ko. “Alright, go on.” Sabi nya. Tatakbo na sana ako palabas ng gym nung magsalita ulit si Sakura.
“One comrade was shot, nasaan ka na?” She asked.
“I’m on my way.” Sagot ko.
======
RAVEN POV
“At saan ka pupunta?” Hinawakan ko ang braso ni Queenie at hinigit papunta sa’kin nung makitang tumatakbo sya palabas ng gym. “Baka nakakalimutan mo ang usapan natin? Kapag na-kick-out ka, mag-sosorry ka pa sa’kin. Pero hindi iyon ang gusto ko, gagawin din kitang alalay ko kapag ako ang nanalo sa pustahan natin. O baka naman tumatakas ka dahil alam mong ako ang mananalo sayo?” Pang-aasar ko. Masama ang tingin nya nung humarap sa’kin. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya. Hindi na ulit tatalab sa’kin ang ganyang awra mo.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...