QUEENIE POV
Dito na din muna ako matutulog sa apartment ni Raven. Kahit nakainom ay nakokontrol parin naman nya ang sarili.
Nawala na rin ang pasa nya sa labi.
“So, ano ang naalala mo kanina?” Tanong nya nung makaupo kaming pareho sa couch.
“Medyo blurred yung mukha ng babae. Pero may pinainom sya sa’kin. Ewan ko kung anong usapan namin pero pumayag akong inumin yun. Dun din sa bar na pinuntahan natin.”
“Sinabi ko sa barkada na pina-imbestigahan ko ang profile mo. I just told them that I can’t get an access to your profile. I never told them sa nalaman ko. It says you’re dead. But the name, the picture. It’s hundred percent the same. It’s you.”
“Wala akong maalala. Worry not dahil malalaman ko rin ang lahat.” Walang emosyong sabi ko.
“I’ll help you, Babe. Alam mo naman kung gano ka ka-importante sa’kin. Sabihin mo lang lahat sa’kin kapag may maalala ka ulit.” He said and I nodded.
“I’ll take a shower.” Paalam ko.
“Ah! Take your time.” Tugon nya.
Pumasok na ako sa loob ng banyo. Nilublob ko ang sarili sa loob ng bath tub pagkatapos kong mag-shower.
“Queen?”
“Yes?”
“May bago kang extra mission.”
“Spill it.”
“We’ve sent a decoy to capture the rapists. 4 consecutive nights na hindi pa nahuhuli ang mga suspects pero nakapam-biktima na ng 15 na babae. Hindi mahuli lalo’t iba-iba ang gumagawa. Batid kong grupo ang mga ito. Iba-ibang lugar.”
“Right. Send me the location.” Sabi ko.
“8 kilometers from your whereabouts. North East. Sa may private alley malapit sa likod ng ONDA UNIVERSITY.”
“Buy me sometime. Just 15 minutes will do.”
“Roger!”
Mabilis akong umahon sa tub at agad binalot ang sarili ng Roba. Lumabas ako at nakita si Raven na nakaupo sa kama.
“Raven. I need to borrow your shirt.”
“May binili akong mga damit para sayo. You can use it. It’s inside my walk-in closet.” Sabi nya. Binuksan ko ang pinto ng walk-in closet nya. Nakita ko ngang may mga damit pambabae sa loob. Maging sa shoes at underwears. Pati mga palamuti sa babae ay nasa loob din.
“Raven, galing ba ‘to sa mga babae mo?”
“Of course not! I bought it all for you. Wala pa akong dinalang babae dito sa apartment maliban sayo.” Sabi nya. Nasa may pintuan na pala sya. Nakasandal sa gilid at nakapamulsa.
“And what about Darah?”
“Pare namin yun.”
“At saan mo naman dinadala ang mga babae mo noon?” Tanong ko.
“Sa dating condo unit ko.”
“I see. Anyway, lumabas ka na magbibihis lang ako.” Sabi ko.
“That’s good! Conscious ka na sa katawan mo.” Huling sabi nito saka sinarado ang pinto. Di naman nakatakas sa’kin ang smirk nya.
“Tss!” Singhal ko kahit alam kong hindi nya na narinig.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...