CHAPTER 14

4.9K 152 6
                                    

ALEXA CATHERINE ALBANIA POV

“Lex’ diba si Queenie yun?” Tanong ni Bianca na isa sa mga kaklase namin noon ni Queenie nung Senior High School at ka-block ko naman ngayon.

“Yeah.” Simpleng sagot ko.

“Nagkita kayo kanina pero parang wala lang sa kanya.” Kumento nya.

“Di yun nakapagtataka lalo’t wala syang memorya.”

“What do you mean? Amnesia?” Tanong nya.

“Sort of.”

“Ayaw mo bang lapitan?”

“Not yet. I need to inform her parents na nakita ko na ang nawawalang anak nila. For sure, matutuwa ang mga iyon. Batid ko kasing lahat ng nakaraan nya pati ang existence ng parents nya ay hindi nya maalala. Baka sakaling bumalik ang alaala nya kapag nakita nya ang mga ito.”

“I see. Pero bakit kaya hindi sya nahanap noon nung pinaghahanap sya? Pareho parin naman ang pangalan nya?” Tanong ni Bianca.

Yun din ang ipinagtataka ko. Bakit walang niisa ang nagsasabi sa lokasyon nya? Gayong Queenie parin naman ang pangalan nya? For sure naman na kilalang-kilala sya sa campus namin noon. Baka lang may nakakita sa kanya na kakilala sya.

Umiling lang ako kay Bianca bilang tugon sa tanong nya.

=============

DARAH POV

“She’s acting like a normal infatuated woman.” Bulong ko kay Raven. Sumilay ang ngisi nya na para bang sinasabing... ‘I know that. And I’ll make her fall in love with me even more.’

Nakita ko na mas lalong bumilis ang takbo at palagi nyang naso-shoot ang bola. May binulong sya kanina kila Kristoff at Kenji bago magsimula ang second game. Ngayon naman ay laging pinapasa kay Raven ang bola. Hinahayaan ng mga ito na si Raven ang palaging pumuntos.

Ano kaya ang binulong nya sa dalawa?

==============

Narinig ko ang tunog ng intercom hudyat na tapos na ang game. Natapos ang game na panalo parin sila Raven.

Kapag usapang basketball ay hindi na ako magtataka kung manalo sila. Magagaling kasi ang mga ito hindi lamang sa strategy kundi pati sa pag-shoot ng bola.

As usual ay MVP parin si Raven.

“Lika, Queenie, baba tayo! Salubungin natin sila!” Pagyaya ko sa kanya. Walang emosyon naman syang tumango.

Bumaba kami para salubungin ang tuwang-tuwang mga player.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Queenie nung agad syang niyakap ni Raven. May binulong ulit si Raven kay Queenie dahilan para mamula ang mukha nito at itulak sya ng bahagya. Tumingin sa ibang direksyon si Queenie kahit halata ang pagkamula ng mukha nya maging ang tenga nya.

“Darah! Yung hug ko?” Tukso ni Kristoff sa’kin nung makalapit ito kasama si Kenji.

“Gago! Baka gusto mong tirahin ko yang ulo mo ng bola!” Banta ko saka kinuha ang bolang gumulong sa may banda namin.

“Pagbigyan mo na kasi sya...” Tukso naman ni Kenji.

“Ewan ko sayo! Kaya ka single e! Mahilig kang manulak! HAHAHA.” Tukso kong pabalik kay Kenji.

“Nagsalita ang parang may jowa!” Tukso naman ni Kristoff sa’kin.

“At pinagtutulungan nyo ako?” Tanong ko saka binato si Kristoff ng bola. Pero agad nya namang nasalo.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon