CHAPTER 11

5K 160 9
                                    

“Simulan na natin ang laban sa pagitan ng ating mga naggagandahang archers!” Anunsyo nung emcee. Nakaupo naman ang mga judges sa likod namin. Open area at malawak naman ang nasa harapan namin at siniguradong walang taong matatamaan ng arrows.

WHOOOAAAA!” Sigaw nung mga tao, lalo na nung mga lalake.

“Unang round, ay kailangan nilang dalhin ang apple na nasa mesa papunta sa board na nasa likod nito. Mas maganda kung sa center ng guhit sa board ang matamaan nila para mas malaki ang score.” Dagdag na anunsyo nya.

Napatingin naman ako sa mga kalaban ko. Sampu kaming nakapwesto ngayon. Matira ang matibay. Kasali din pala sa Archers si Lex.

Pagpito naman ng referee ay umpisa na kaagad ng laban.

Agad ko ding napatamaan yung apple nung makumpirmang tama ang asinta ko at nadala iyon ng arrow patungo sa gitna ng board.

WHOAAAAAA!” Sigawan ulit nila.

GOOOO! QUEEENIEEEE!” Rinig kong sigaw ni Darah. May dala syang microphone at speaker.

Saan nya kaya nakuha yun?

“Alright! Dalawa kaagad ang natanggal! Walo na lang ang natitira! Ang susunod na round naman natin ay ang pagpapatama ng kalamansi sa ulo ng mannequin! Kailangan hindi matamaan ang ulo ng ating mannequin.” Paalala nya.

Nagsimula ulit syang pumito. Nung maasinta ko na ulit ang kalamansi ay agad kong binitawan ang hawak sa arrow.

WHOAAAA! SWABE! QUEENIEE!” Sigaw naman ngayon ni Kristoff gamit ang megaphone. Pero hindi mahanap ng mga mata ko ang kahit anino man lang ni Raven.

WHOAA! Pano ba yan? Lima ang natanggal at tatlo na lang ang natitira!” Sabi nung referee na mukhang emcee.

Sinulyapan ko ang direksyon ni Lex. Nandun parin sya. Tatlo nalang kaming lalaban ngayon.

“For our third round. Hindi kayo sabay-sabay na titira. Ang unang titira, dapat pulang bola lang ang titirahin mo. Yung pangalawa ay blue, pangatlo ay green. Paramihan ito ng bolang matatamaan. Sa oras na may matamaan kang bola na hindi kulay ng naka-assigned sayo, automatic titigil ka na. Kung ilan yung natamaan mo, yun lang ang score mo!” Sabi ulit nya. Since ako naman ang nasa dulo kaya naman green ang kulay ng bola na patatamaan ko. Yung laki ng bola ay katulad lamang sa tennis.

Unang tira nya ay dalawa agad ang tinamaan. Hanggang sa sunod-sunod na. Binibilang ko naman ang mga natatamaan nya. Umabot na sa 45. Akala ko hindi na sya matatapos. Ngunit natamaan nya ang ibang kulay kaya hanggang 45 lang ang score nya.

Sunod na tumira naman si Lex. Swabe naman ang unang tira nya dahil tatlo ang bolang natamaan gamit lamang ang isang arrow. Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang paligid. Hindi iyon nakapagtataka lalo’t magaling din syang umasinta.

“Natatandaan mo pa ba? Ako ang unang nagturo sayo kung pano gumamit nito at pano umasinta.” Salita nya. Alam kong ako ang tinutukoy nya. Pero wala akong maalala. Saka sya tumira. Tatlo ulit ang natamaan nya.

“Ano bang gayuma ang pinainom nya sayo gayong ako ang matalik na kaibigan mo pero sya ang pinaniwalaan mo? Alam kong di ka ganun katalino. Alam ko ring madali kang mauto. Pero yung babaeng pinaniwalaan mo noon, sya ring babaeng sumira sa memorya mo ngayon. Kung di ako nagkakamali, sya ang huling nakasama mo bago ka tuluyang maglaho.” Sabi nya. Ngayon naman ay lima na ang tama nya sa isang arrow. Mas lalo namang lumalakas ang hiyawan.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon