Pauwi na kami at naipakulong na ang lalake.
Sakay na kami sa mountain jeep pauwi sa syudad. Sinama din namin si Rye.
Dahil sa sinabi nya kanina ay hindi ko sya gustong iwan sa apartment ko.
“Babe, pwede bang tumira si Rye sa apartment mo? Kapag uuwi ako sa apartment ko ay isasama ko naman sya.”
“Anything for you, My Lady! Also, kahit tumira kayo sa apartment ko ay ayos lang sa’kin.” Sabi nya. Di na ako nagsalita pa. Tahimik parin si Darah hanggang ngayon.
================
FEW MOMENTS LATER...
Nakarating na din kami sa wakas sa apartment ni Raven. Bitbit ang bag ay hinawakan nya ang kamay ko. Hinawakan ko din ang kamay ni Rye.
Umalis na din kaagad ang sasakyan pagkatapos naming magpaalam sa kanila.
Pumasok na kami sa loob. Sumakay sa elevator at bumaba sa kung nasaan ang floor nya.
Pagbukas ng pinto ay dumiretso ako sa kama nya. Tumambad naman sa’kin ang bagong palit nyang King size na kama.
Kasya kaming tatlo dito.
Naupo ako sa gilid. Nakita ko naman si Rye na tumakbo at tumalon papuntang kama. Nakadapa sya ngayon habang hinihimas ang malambot na kama.
“Rye, matanong ko lang.”
“Hmm?” Tanong nya.
“Ikaw ba nagkalikot sa mga CCTV sa bahay nyo?” I asked. Tumango naman sya.
“Easy lang naman, tsaka mahilig din akong mag-imbento.” Sabi nya.
Para pala syang si Sakura. Sa murang edad kaya nya ng humawak ng computer. He’ll become a genius sooner or later.
Pag-aaralin ko rin sya next year. Masyadong late na kasi kung isisingit pa ngayong taon.
“Ate Queenie? Pwede po bang ampunin nyo nalang ako? Kahit palitan nyo ang pangalan ko ay ayos lang sa’kin.”
“Dadaan din tayo dyan pero... sigurado ka ba?” Tanong ko. Tumango naman sya.
“Nga pala, yung kaibigan ko mahilig din sa pag-iimbento. Kung gusto mo, bukas, ipapakilala kita!” Sabi ko.
“Talaga po?” Masayang tanong nya.
“Basta ipangako mo na hindi ka lalabas ng bahay kapag pumapasok kami sa School. Marunong ka ba magluto?”
“OO naman!” Sagot nya. “Excited na ako bukas!” Natutuwang sabi nya.
Nakita ko namang pumasok na si Raven sa banyo. Gabi na din kasi nung dumating kami dito.
Pumasok ako sa closet. Nakita ko naman na may mga bagong damit na nakahanda sa loob para kay Rye.
Raven! You never failed to amused me.
“Rye, come on here!” Tawag ko.
“Why’s that?” Tanong nya saka sumilip sa pinto ng walk-in closet.
“WOOOW!” Manghang sabi nya nung makita ang tinitingnan ko kasama ang kung anu-anong pwedeng iporma sa bata. “Ang galing! Alam din ni Kuya Raven ang mga gusto ko!” Dagdag nya.
Lumabas na ako at iniwan sya sa loob. Bitbit ko ang damit pantulog ay dumiretso na ako sa banyo nung makita si Raven na nagluluto sa Kitchen.
Raven’s well-organized pagdating sa gamit. Ganun din sa schedules nya. Hindi nya napapabayaan ang pag-aaral. Matataas pa ang grades nya.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...