CHAPTER 28

3.5K 139 2
                                    

Nandito na kami ngayon sa second floor kung nasaan ang urns chamber. Di ko alam kung bakit kilala si Raven dito. Nakausap nya pa ang mga staffs.

May una syang tiningnan. Sumunod naman ako. Binasa ko ang nakasulat na pangalan sa may glass door ng shelf.

Ravena Kaye Henzford

Who’s she?” Tanong ko kay Raven.

“My mom.” He responded. Nakita ko naman sa mga mata nya ang pangungulila sa Ina.

Di ko alam na wala na pala syang Ina. The name was listed sa profile nya pero bawal na kaming mag-dig deeper sa impormasyon tungkol sa kanila. Only their personal traits and characters lang.

“I’m sorry. I didn’t know.”

“Oh no.. You don’t have to, Babe. Anyway, let’s find your name.” Sabi nya. Tumango naman ako.

Pagtingin ko naman sa pangalawang pangalan mula sa urn ng mom ni Raven, sa right side ay agad kong nakita ang pangalan ko.

“Here.” Sabi ko. Tumango naman sya. Lumabas muna sya at bumalik dun sa lalakeng attendant na kausap nya kanina para kunin ang susi.

Mabilis naman syang bumalik. Agad binuksan ang glass door kung nasaan ang urn ng pangalan ko.

Nasa loob din ang litrato ko nung siguro ay nasa Senior High palang. Itim pa ang buhok ko at shoulder length pa. Nililipad ito ng hangin dahil para bang umiikot ako. Pero ang nasa litrato ay tumatawa ako. It was stolen shot pero ang ganda ng kuha dahil genuine ang tawa ko. Nasa dalampasigan din ako.

“Gusto kong manumbalik sayo ang mga tawa at ngiting yan.” Sabi ni Raven.

Di ko namalayang napangiti ako nung makita ang sariling tumatawa. Para bang nakakahawa kapag hindi peke ang kasiyahan.

Kinuha nya ang picture frame at sinilip kung ano ang nasa likod. Mas matangkad kasi sya sa’kin kaya makikita nyang may nakatago.

Nakita ko ang isang box na binalot ng itim at may nakasulat na S. Walang duda na si Sakura nga ang naglagay nito dito.

Binalik nya ang picture frame. Pagkatapos ay nilock na nya ulit ang maliit na glass door.

Nilagay ko sa loob ng bag ang binigay nyang box. Mabilis kaming lumabas matapos ibigay ni Raven ang susi sa attendant.

“Ate Queenie, from your 6 o’clock. 8 meters” Biglang sambit ni Rye.

Hindi na ako lumingon. Sumakay kami ni Raven sa kotse nya.

“Babe, 6 o’clock, 8 meters.”

Sumilip sya sa rearview mirror nya.

“Fasten your seatbelt.” Utos nya. Ginawa ko naman yun.

Pinaarangkada nya na ang sasakyan. Mas mabilis iyon kumpara kanina.

Napansin namin ang sumusunod na sasakyan sa likod.

Di ko alam ang mga dinadaanan ni Raven. Batid ko’y kabisado nya ang daan dito.

“I can see your car and the pursuer. But I can tell that Kuya Raven can lose them.”

===============

Nakarating kami sa apartment ng hindi nasundan ng pursuer. Hindi ko alam kung ako ba o si Raven ang pakay ng kotseng sumusunod sa’min kanina.

Pagtingin ko naman sa loob ng apartment ay may malaking closet na tatlo ang pinto at hindi ko makita si Rye sa sala.

“Rye?”

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon