Bukas na ulit namin ipinagpatuloy ang laro. Ngayong hapon ay swimming muna kami. Naka-two piece lahat ng babae dito. Naka-boxers naman ang mga lalake.
Si Queenie ay frustrated dahil isa nalang sana para mag-tie ang score nila sa team ni Raven, naubusan pa sya ng bala. Bago pa nya na-load ang laruang baril ay tumunog na ang timer.
Lamang sila Raven ng isang puntos. I can’t believe na frustrated pa si Queenie sa naging resulta gayong nagawa nyang makuha ang score na yun kahit dalawa lang sila ni Cassie.
Si Cassie lang ang nandito. Kanina pa wala dito si Queenie nung matapos ang laro. Pagkatapos naming kumain ay bigla syang umalis. I guess she’s sulking.
Sinabi naman ni Cassie na pabayaan lang muna si Queenie. Dahil mas kilala nya ito kaya hindi na muna namin sya hinanap. Kumpleto kaming lahat dito except lang kay Queenie. Nakaupo lang si Raven sa bench habang katabi si Jaiza na anlakas makadikit kay Raven.
Sinasadya pa nyang idikit yung dibdib nya sa braso ni Raven. Hindi ko talaga sya gusto para kay Raven. She’s possessive.
Though hindi naman sya pinapansin ni Raven. Lutang ito ngayon at para bang malalim ang iniisip.
================
QUEENIE POV
I can’t believe I lost dahil lang sa nagkulang ako ng bala. I don’t accept defeat sa mga ganitong bagay.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko kaagad ang mga yogurt na dala ko sa bag. Pagkatapos ay nandito ako ngayon sa ibabaw ng puno. Kumakain ulit mag-isa ng yogurt. Natatanaw ko parin naman ang stadium.
Matapos akong kumain ay napagpasyahan kong bumalik sa stadium lalo’t nawala na rin ang frustration ko sa nangyaring pagkatalo kanina.
Pagtingin ko sa waterproof wristwatch ko, it’s already 2:38 ng hapon.
Naglakad na ako hanggang sa marating ang loob ng pool. Nakita ko naman silang lahat na nagkakatuwaan. I saw Darah and the gangs. Naglalaro din sa pool.
Lumapit ako sa banda nila. Hindi ko napansin si Lex sa kanila.
“Where’s Lex?” Tanong ko.
“Behind you.” Sagot ni Cassie.
Nagulat ako nung bigla silang lumapit sa’kin. Si Darah, Cassie, Kristoff, Jordan, at Kenji. Sila Raven at Jaiza lang ang hindi sumali sa kung ano mang kalokohan ang balak gawin sa’kin ng barkada.
Mabilis akong napatumba ni Cassie ngunit nasa likod ko naman sya para umalalay sa pagbagsak ng katawan ko. Of course I'll let my guard down dahil sila lang naman ang nakikipaglaro.
Hinawakan nila Cassie at Darah ang kamay ko habang yung tatlong lalake naman ay nakahawak sa dalawang paa ko.
“Tang*na anong gagawin nyo sa’kin?” Natatarantang tanong ko nung makita kong may hawak na gunting si Lex.
Lumuhod sya sa harapan ko. Napapikit ako nung itapat nya ang gunting sa laylayan ng damit ko. Dahan-dahan nya itong ginugunting pataas. Buti nalang at nakasuot ako ngayon ng lacey red two-piece. Nung medyo malapit na sya sa boobs ko ay napasinghap ako.
“What the fuck are you doing to her?” Rinig kong galit na tanong ni Raven. Napadilat ako ng mata. Naramdaman ko kasing binitawan nila akong lahat. Nakita ko silang nakaupo na at walang imik.
Tinulungan akong tumayo ni Raven.
“Maliligo sya kung kailan nya gusto. You don’t need to ruin her clothes.” Pagtatanggol nya at nakatalikod na sya sa’kin habang pinapagalitan ang mga lalake na humawak sa paa ko at si Lex.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Hành động@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...