CHAPTER 32

3.3K 126 2
                                    

Lumapit ako kay Sierra. Nakita kong tinanggal nya ang kunai na nakabaon sa dibdib nya. She put some pressure sa butas na gawa ng kunai para hindi masyadong lumabas ang dugo mula sa kanya. Nakaupo na rin sya habang nakadiin ang kaliwang kamay sa sugat.

Binaril ko ang kanang braso nyang may hawak na kunai.

AAAHH!” Masakit na sigaw nya.

“Gaya nga ng sabi mo. Madaling kaparusahan ang kamatayan.” Mariing sabi ko. Halata na rin ang poot at galit sa boses ko.

“M-maawa ka sa’kin. S-susuko na ako. Pagbabayaran ko na lahat ng kasalanan ko! Wag mo lang akong papatayin! Queenie! Please!” Pagmamakaawa nya.

Nagpapasalamat akong ginawa mong bato ang puso ko.

“Kung awa lang din ang pag-uusapan, hindi iyon nararapat ibigay sayo.” Sunod na binaril ko naman ang kaliwang binti nya.

AHHHHHHH!” Sigaw nya sa sakit. “Patayin mo nalang ako!” Sigaw nya. The only way para mawala na ang sakit na nararamdaman nya. Pero kulang pa yan sa ginawa nya.

“Darating din tayo dyan, Sierra! Wag kang magmadali! Ano nga ulit yung sinabi mo habang binabaril mo si Sakura? Nag-eenjoy ka? Hah! Hayaan mo rin akong mag-enjoy habang pinapahirapan ka!” Sabi ko saka kinuha ang kunai na nabitawan nya.

“A-anong gagawin mo?” Utal na tanong nya.

Tinutok ko ang baril sa isang braso nya gamit ang kaliwang kamay ko. Ang kanang kamay ko naman ay nakahawak sa kunai.

“Isang maling tulak mo lang sa’kin. Matatamaan agad ng bala ang braso mo.”

“Kung hindi ka pa aalis dito, mapapasama ka sa pagsabog ng bomba!”

“Hindi ako takot mamatay, Sierra.” Walang emosyong sabi ko saka sinaksak ang kanang hita nya gamit ang kunai.

AAAAAHHH!” Sigaw ulit nya sa sakit. Hindi nya ako tinulak dahil nakatutok ang baril sa braso nya.

Hindi pa ako nakuntento pinaikot ko ang kunai na nakabaon sa hita nya. Mas lalo naman syang sumigaw habang lumuluha.

AAAAAHHHHHH! TAMA NA! QUEENIE TAMA NA!”

“Sagad na sa buto ang ginawa mo! Kulang pa yan sa sakit na ginawa mo sa’min ni Raven. Tatanungin kita. Sino ang lalakeng crush ko noon na inagaw mo rin sa’kin?”

“I-it’s Raven!” Mabilis na sagot nya.

“Kung ganun ay ako pala dapat ang naging unang girlfriend nya kung hindi ka lang nakialam! Kung ganun ay matagal ko na syang kilala noon pa lang! Kung ganun ay ako pala ang naunang mahalin sya! Tangina mo talaga, Sierra!” Galit na asik ko.

“P..pakiusap.. Tama na...” Nanghihinang sabi nya. Puro na sya dugo ngayon. Pero hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi at awa.

“Para sa pagsira mo sa pagkakaibigan namin ni Lex.” Sabi ko saka sinaksak ang kaliwang binti nya. “Para sa pag-agaw mo sa’kin kay Raven.” Pinaikot ko naman ang kunai na nakabaon dito. Panay sigaw sya pero mahina na. Ramdam kong malapit na syang kapusin ng hininga. “Para sa pagtanggal mo sa memorya ko at pagpipilit sa’king pumatay ng tao.” Sinaksak ko ang tiyan nya. “Para sa pandudukot sa mga inosenteng kabataang ginagawa mong mamamatay tao.” Sinaksak ko ang left chest nya. “Para sa pagpatay mo kay Sakura.” Sinaksak ko ulit ang sugat sa may bandang puso nya. Hindi na sya kumilos at sumigaw. Alam kong patay na sya. “Last, para sa pagtanggal mo sa pagiging makatao ko at ang dinulot mong sakit ngayong gabi sa’ming dalawa ni Raven.” Tumayo ako at tinutukan ng baril ang noo nya. Nakapikit na sya dahil wala na syang buhay. Hinatak ko ang gatilyo ng baril.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon