CHAPTER 05

5.7K 187 4
                                    

DARAH POV

It’s been a week since nangyari ang incident. Napag-alaman namin mula sa mga police na pinatay ang sniper ng isa sa mga kasabwat nito nung malamang palpak ang pagpatay nya kay Raven na siya palang target ng sniper.

Tinanggihan naman ni Raven ang pagbibigay sana sa kanya ng bodyguard ng Daddy nya. Walang nagawa si Tito Ralph sa naging desisyon ni Raven. Hindi sya nangulit pa.

Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan. Kasama namin si Queenie dahil nga sa girlfriend na sya ni Raven. Gaya nang kung pano namin sya nakilala ay wala parin syang emosyon kung magsalita.

Kalat na rin sa buong campus ang balita tungkol sa relasyon nila. For sure maraming bullies ang lalapit sa kanya lalo’t campus hearthrob ang nobyo nya. In addition to that, bagong transferee lang sya. That’s why kung nasaan kami, ay sinasama sya ni Raven.

“Nga pala, Queenie, bakit ka tumakbo palabas nung gabing yun?” Curious at lakas-loob na tanong ko. Batid ko kasing walang nagsasalita sa kanila at wala ding nagtatanong sa kanya patungkol sa nangyari nung gabing yun.

“Natakot ako kaya ako tumakbo.” Walang emosyong sabi nito.

Di ko tuloy matukoy kung seryoso syang magsalita o biro yung sinabi nya. Hindi ko kasi mabakasan sa mukha nya na takot sya.

Hindi nalang ako nagtanong ulit lalo’t parang ayaw nyang pag-usapan namin ang gabing iyon.

RIIIIINNNNNGGG!

==========

Magkaklase kami ngayon ni Queenie sa isang subject gawa ng irregular sya. Kaya naman kasama namin sya ni Raven papuntang room.

Kapag nakatalikod si Raven, masasama ang tingin ng mga kaklase naming babae kay Queenie, but since we’re talking about Queenie here ay wala man lang syang pakialam.

Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin sa pagiging misteryosa nya. Alam kong lahat ng barkada including Raven ay nahahalata ang pagiging emotionless ni Queenie.

Saan nga ba sya galing? Ano nga ba ang nakaraan nya’t naging ganito sya ngayon? Sinaktan ba sya? Umibig ba sya noon? She’s Ahprodite, from the Greek mythology, goddess of sexual, love and beauty. She both have the sex appeal and beauty, pero ang salitang pagmamahal ay wala sa vocabulary nya.

Maliit na lang ang subject namin ngayon. OJT kasi kapag 4th year na. At ang bakanteng oras ay nilalaan namin sa sports club.

Kakaiba ang university nila Raven, kahit 4th year college na ay meron pa ring PE to maintain not only our mental health but also our physical.

Sumasali din kami sa mga school tournament. Yung may mga matataas na grades lang ang pinapayagan. At dahil matalino kami ni Raven kaya madalas kaming sumali. Binibigyan lang kami ng special tests. And by that, nakakakuha parin kami ng matataas na marka.

Last semester na namin ngayon at malapit na kaming grumaduate. Limang buwan na lang. Bukas magsisimula ang training namin para sa darating na tournament. Only those na may matataas na marka lang ang pwedeng sumali. Sina Kristoff at Kenji naman na nasa section B ay puro din matatalino. Kaya alam kong kasali sila. Ang problema namin ay si Queenie. She’s just an average. Maiiwan sya sa room habang nasa labas kami araw-araw for training.

=========

QUEENIE POV

“I know what’s been bothering you. Let’s talk.” Boses ni Sakura. Kasalukuyang nagsasalita ang Instructor namin nung itinaas ko ang kamay ko para mag-banyo.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon