CHAPTER 06

5.5K 203 16
                                    

DARAH POV

Sumama din ako sa infirmary nung makita ang dugo sa panyong nakatali sa kamay ni Queenie kanina.

“What happened back then? Nung pumunta ka sa banyo?” Tanong ni Raven.

“They threatened me and get them served what they deserved.” Walang emosyong sagot nya.

Teka! Ang tinutukoy nya ba ay sina Kyla? Ang mga die-hard fans ni Raven?

“Sina Kyla ba?” Tanong ko.

“Who?” Takang tanong nya.

“Kaklase namin ni Raven?” Tanong ko ulit. Alam kong di nya kilala sila Kyla dahil sa isang subject lang naman kami magkaklase ni Queenie.

Tumango naman sya.

“I’ll do something to make them pay.” Sabi ni Raven. Halata naman sa boses nya na galit sya.

“It’s fine. They will not pick on me again.”

“How could you be so sure?” Tanong ko.

“Because I threatened them.” Simpleng sagot nya at wala man lang kabuhay-buhay ang boses at mukha nya.

“In what way? Bakit may dugo ka sa kamay? Don’t tell me sinuntok mo ang pader?”

“Sinuntok ko yung salamin. Kinuha ang bubog at tinakot ko silang susugatan ang mukha nila para dumugo gamit ang bubog na hawak ko.” Sabi nya na para bang wala lang sa kanya.

Damn it! Now I’m certain na wala talaga syang emosyon!

Wala namang reaksyon si Raven. Para bang hindi na bago sa kanya ang mga sinasabi at ipinapakita ni Queenie.

“Does it still hurt?” Nag-aalalang tanong ni Raven. Umiling lang si Queenie.

What? Hindi masakit? Sa dami ng sugat na batid ko’y galing sa bubog ng salamin na bumaon dito, sasabihin nya lang na hindi masakit sa kanya yun?

“Yung usapan nating isasali mo ako.” Paalala nya kay Raven.

“Ah! But we need to study later para makakuha tayo ng matataas na marka.” Suggestion ni Raven.

“Why don’t we have a sleep over sa bagong apartment mo, Raven? Dun na tayo mag-study lahat.” Suhestiyon ko naman.

“I’m fine with it.” Mabilis na sagot nya. Ngayon ko medyo nahalatang gusto nyang hindi mawala si Raven sa paningin nya.

Inlove na ba sya? I can’t really tell lalo’t hindi sya nagpapakita ng emosyon.

“You fine now?”

“Kanina pa ako maayos. Gusto lang yatang makasagap ng hangin ng mga dugo ko kaya naglalabasan.” She said. Ewan ko ba, pero feeling ko, biro yun kahit wala naman syang emosyon na pinapakita.

“HAHAHAHA.” Tawa ko.

“Let’s go.” Pagyaya ni Raven.

“May pupuntahan muna ako bago pumunta sa inyo.” Biglang sambit ni Queenie.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Raven.

“To meet a friend. I’ll be back as soon as possible.” Sabi nya. Pero hindi iyon ang ipinagtaka ko.

“May kaibigan ka? I mean don’t get me wrong pero... seryoso? May kaibigan ka?” Tanong ko ulit dahil di ako masyadong makapaniwala.

Tumango lang sya.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon