CHAPTER 49

3.7K 124 16
                                    

“For starter, allow me to introduce myself. I’m Ralph Chad Henzford. Raven’s Father. What’s your name, Iha?”

“I’m Queenie Aphrodite Clemente. And he’s my little brother, Rye Xander Clemente.” Ginulo ko naman ang buhok ni Rye.

“Queenie Aphrodite Clemente...” Nag-isip naman sya. “Ah right!” May naalala sya. “You’re code Zero Two, right?” Tanong nya. Tumango ako.

It’s true. I’m code 02, pero hindi ko iyon ginagamit dahil mas gusto ko parin ang pangalan ko. I’m just using my code kapag pumapasok ako sa agency.

“It’s nice to see you in person! Nakita ko lang kasi ang litrato mo sa contract na pinapirmahan dati ni Katniss. I heard what happened to the company. Wala man sa hitsura ko, but I’m your fan. I mean, bihira lang sa mga babae ang independent. Lalo na ikaw na kaya mong protektahan ang sarili mo. Ano na pala ang trabaho mo ngayon, Iha?”

“Assistant po ni Raven.”

“Anyway, thank you for protecting my son before. Nito ko lang din nalaman na naga-undergo na pala sya ng training.”

“My pleasure.”

“Nabalitaan ko rin ang nangyari kanina. Your parents came and defend my son. Thank you for that too.”

Alam kaya nyang may relasyon kami ng anak nya?

“No problem.”

Dumating naman kaagad ang tea at slice ng cake.

“Ate Queenie. Punta muna ako saglit sa kwarto. Excuse po, Sir Ralph.” Paalam ni Rye. Tumango naman ang Dad ni Raven. Tahimik naman akong kumuha ng cake saka sumubo.

He did the same saka sumimsim ng tea.

It’s a bit awkward dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

I’m soaked with blood. Alam nyang pumapatay ako because I was an assassin. Pano kapag nalaman nyang may relasyon kami ng anak nya? Baka hindi sya pumayag. Lalo’t mamamatay tao ako.

“I also heard na may girlfriend ang anak ko sa loob ng kumpanya. Can you give me a brief description about her characters?”

Shit!

Ahmm...” Nag-isip ako.

Anong sasabihin ko? -.-

“Ang totoo nyan... a-ako po yung girlfriend ng anak nyo.” Pag-amin ko. Iniwas ko kaagad ang tingin sa kanya nung makitang hindi sya nagulat, bagkos ay biglang sumeryoso ang mukha nya. Niyuko ko nalang ang ulo.

“Anong nagustuhan mo sa anak ko?” Seryosong tanong nya. “If we’re talking about wealth, of course, maraming magkakagusto sa kanya. He’s good-looking and smart too.”

Are you bragging Sir Ralph? Alam ko po yun dahil boyfriend ko si Raven.

“T-to be honest, hindi ako na-attract sa hitsura nya nung una. For me, he’s just a simple and a normal client. Nagustuhan ko lang ang pagiging totoo nya sa sarili at ang hindi nya paghusga ng masama sa kapwa. He has a good heart with a great soul.”

Hindi nya ako hinusgahan kahit alam nya ang trabaho ko noon. Hindi nya ako hinusgahan kahit alam nyang hindi normal ang kinikilos ko nung mga panahong muntik na akong mahuli ng mga pulis. Pati yung patungkol sa sniper. Instead of judging me, sinubukan nya akong kilalanin sa paraan nya.

“Are you saying that you don’t need the wealth of my son?” Tanong nya.

“I can provide my needs for myself. Gaya nga ng sabi nyo. I am an independent person.”

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon