CHAPTER 33

3.4K 122 3
                                    

2 YEARS LATER...

QUEENIE POV

Binisita ko muna kanina ang puntod ni Sakura. Sobrang miss ko na kasi sya.

“Mom, Dad, pasok na po ako.” Paalam ni Rye kila Mom at Dad.

“Mag-iingat ka, Iho.” Paalala ni Dad.

“Siguraduhing umuwi kaagad kapag wala namang ibang gagawin.” Tugon naman ni Mommy. Pinapauwi nila kaagad si Rye lalo’t wala ako lagi sa bahay.

Inampon na din namin sya. Rye Xander Clemente na ang bagong pangalan nya. Nalaman ko rin na 11 years old na sya dati, mukha lang 8. Ngayon naman ay nasa HighSchool na sya. Second year.

Si Cassie naman ay graduating na. Psychiatrist sya. Tutulong daw sya sa rehab center.

Simula nung nawalan ako ng contact kay Raven, pinalitan nya na din ang simcard nya para di na sya mahanap ni Kenji. Ewan ko ba kung bakit pinutol nya rin ang koneksyon nilang dalawa.

Idol nya daw ako pero di ako kumbensido. Baka sinasabayan nya lang ako.

Kasama din ako sa rehab. Hindi ko na nabawi ang alaala ko noon pero nagkaroon na din ako ng emosyon. Marunong ng ngumiti at tumawa katulad ng mga kasamahan ko sa rehab center.

“Mom, bisitahin ko po ulit yung mga kasamahan ko.” Paalam ko. Nasa sala sila. Si Daddy ay papasok na sa kumpanya. May-ari pala kami ng Queen Hotel. Pinalitan na nga lang nila ngayon ng R&Q Hotel. Sinama nila ang initial ni Rye. Si Mom naman ay Dean ng isang public college school. Pareho silang busy. Tama nga si Sakura na pareho silang matatalino.

“Mag-iingat ka, Iha. Balik ka kaagad.”

“Matatapos na din kasi mamayang hapon ang therapy sa’min. Pwede na kaming mag-apply ng normal na trabaho bukas.” Galak na sabi ko.

“Maganda kung ganun. Oh sya sige. Aalis na din naman kami ng Daddy mo.” Sabi ni Mom. Tumango naman ako. Nakipag-beso muna ako sa kanila pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas.

I have my own car. But I prepared a motorcycle.

Nakasuot ako ng blue jeans at puting blouse and white sneakers. Lahat naman ng binigay sa’kin ni Sakura ay nilagay ko sa loob ng vault ng kwarto ko. Pinagawa kong simpleng hikaw ang binigay ni Sakura sa’kin. Pinatanggal ko ang anumang device na nakalagay dito pati na ang intercom.

Sinuot ko ang evo helmet saka pinindot ang start ng hayabusa motorcycle ko. Nagsimula na akong magpaandar. Binilisan ko ang takbo para hindi ako ma-late sa parang graduation namin sa rehab mamaya. Maghahanda din kasi ako at tutulong sa pag-aayos.

Sa bawat billboard naman na nadadaanan ko ay palaging mukha ni Raven ang nakikita ko. Sikat kasi sya bilang youngest billionaire. Di na ako magtataka dahil matalino sya at mayaman na sila noon pa. Nagkataon lang na mas magaling sya sa mundo ng business kaya ngayon ay iyon na ang tagurian sa kanya. Mas pinaangat nya pa ang pangalan nila.

Nabalitaan ko ring may girlfriend na sya. Si Jaiza. Yung dating kaklase nya. Yung dating cheerleader. Nakilala ko din sya dahil naging kaklase ko sila sa isang subject.

===============

ALEXA CATHERINE POV

“Ano ba, Ms. Albania? Don’t you have a better taste para sa mga nagiging assistant ko? Use your head! Halos lahat puro palpak! Almost all of them nagbaback-out! Kung kinakailangan mong mag-hired ng robot ay gawin mo! Kung di ka lang talaga magandang asset sa kumpanya!”

Kung di lang talaga malaki ang pasahud ng kumpanya mo ay matagal na akong nag-back-out. Sa klase ba naman ng ugaling pinapakita mo? Sinong mananatili gayong pinipressure mo ng mga gawain ang mga bagong hired na assistant! Pasalamat ka dahil gwapo ka’t matalino kaya marami pa rin ang humahanga sayo.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon