Nandito naman kami ngayon sa loob ng standard basketball court ng Campus. Hinihintay nalang namin na mag-umpisa na ang first game nila. Nakaupo ako sa may pinakaunang upuan sa itaas.
Nakita ko naman ang dalang speaker at mic ni Darah. Magkatabi kami ngayon. Batid kong ito ang gagamitin nya para sa pagsigaw nya mamaya para i-cheer ang tatlo.
Tumunog ang intercom hudyat na kailangan na nilang pumwesto.
Nung makapwesto na sila ay agad ding nagsimula ang laro. Sakto namang tumatawag si Sakura.
“Queen! An enemy approaching!”
“Location?” Tanong ko. Di naman ako maririnig ni Darah dahil nakatayo sya at nagsisisigaw sa pangalan ng tatlo.
“From the crowd. Gamitin mo ang camera ng phone mo. Itapat mo lang kung nasaan ang mga tao. Pag may nakita kang pulang marka, ibig sabihin nandun ang pwesto nya. May kinalikot din kasi ako sa phone mo na hanggang ngayon ay hindi mo pa nagagamit.” Paliwanag nya.
Nagsimulang magtilian ang mga babae. Lalo na’t panay ang shoot ni Raven sa bola.
Swabe ang ginagawa nya. Kahit ako ay napapatingin at napapamangha kahit hindi klaro sa mukha ko.
Kinuha ko ang phone sa bulsa at tinapat nga ang camera sa crowd. From left to right. Pero natigil lang ako sa right side ko nung makita ang pulang markang sinasabi ni Sakura. Namangha ako dahil automatic na naging black and white ang kulay ng mga tao habang mas klaro ang pulang marka.
“Your invention is hilariously crazy.” Sabi ko.
All this time meron pala ako nito, dapat ginamit ko na din to’ sa unang sniper na nagtangka kay Raven sa condo nya.
“Idol mo na ba ako? HAHAHA. Anyway, never underestimate Sakura’s intelligence! HAHAHA.”
“Alright. I’m going to shoot that bastard. What’s the background?”
“Murderer, Robber, Rapist and------.”
Di ko na sya pinatapos dahil alam kong lampas na sa tatlong tsansa at patakaran ko.
“Copy!” I said saka kinuha ang bow at isang pana.
Inasinta ko ang taong naka-hoody. Sya rin kasi ang nakita ko kanina.
Napatingin sa’kin ang mga babae sa likod at katabi ko.
“What are you doing? Stop it! It’s dangerous!” Saway ng babae na katabi ko.
“I’ll tell it to the Instructors if you don’t stop!” Banta nung babaeng nasa likod. Napatingin naman si Darah sa’kin.
“Queenie? What are you doing?” Takang tanong nya.
“I’m saving Raven.” Hindi na nagtanong pa si Darah. Pero napatingin sya sa’kin at sinundan ng tingin kung saan nakatapat ang arrow ko. Hindi na sya nagtanong.
Binitawan ko ang pana saka mabilis na tumama dun sa batid kong rifle nung taong naka-hoody. Mabilis itong tumayo at napatingin sa direksyon ko.
Naglakad sya paitaas para makalabas na sa loob ng gym.
Mabilis kong iniwan ang lalagyan ng mga pana at ang bow ko. Agad akong tumalon-talon para mas mabilis akong makarating sa direksyon nya. Ginagawa kong apakan ang sandalan ng mga inuupuan ng audience. May mga sumisigaw pa sa gulat kapag napapa-landing ako sa sandalan.
====================
DARAH POV
Napanganga ako sa ginagawang pagtalon-talon ni Queenie na para bang isa syang papel na sobrang gaan ng katawan. Aminado akong misteryosa sya. Pero di ko akalaing may ganitong taglay ang mga kilos nya. Wala din kaming nakukuhang impormasyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...