QUEENIE POV
Nakarating kami sa parking lot kung saan ginagarahe ang mga sasakyan ng mga taong pumupunta sa bundok.
May nakita naman akong signage. Going west ay may falls and going north ay may hot spring.
“Bet kong dumaan muna sa falls.” Parinig ni Darah.
“Pwede naman tayong dumaan dun.” Sang-ayon ni Kristoff.
“Sus! Gusto mo lang makita na naka-two piece si pareng Darah e!” Tukso ni Kenji kay Kristoff.
“Gago! Eh puro likod kaya si Darah!” Mura ni Kristoff. Nakita ko naman ang pagsuntok ni Darah sa palad nya na parang nakahanda ng manuntok. “Joke yun ‘dre!” Bawi ni Kristoff habang tinatakpan ang ulo.
“HAHAHAHA! Taob ka talaga kay Darah e noh?” Biro ni Kenji.
“Let’s go.” Sabi ni Raven. Nanahimik naman ang tatlo at sumunod sa’min. Hawak ni Raven ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang west. May daanan naman kaya hindi mahirap lakarin.
Lakad lang kami ng lakad pataas ng bundok sa may bandang west. Kung minsan pa ay inaalok ako ni Raven na kargahin dahil alam nyang may masakit parin sa’kin. Tumatanggi naman ako dahil kaya ko namang tiisin.
Malapit na kami sa location nung marinig namin ang malakas na pagragasa ng tubig at ang ingay ng mga taong batid ko’y naliligo din sa lugar.
Natanaw na namin ang limang cottage sa gilid ng falls. Marami na nga ang naliligo. Tatlong cottage na ang nagamit. Dalawa nalang ang bakante. Agad naman may nilapitan si Kenji. Halatang madalas syang pumunta dito.
Nag-usap lang sila saka sumenyas sya sa’min na pumwesto sa dulong cottage. Pumasok naman kami dun. Kanya-kanyang lapagan naman sila ng bag.
Di ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero masyado silang pinagtitinginan. Lalo’t puro kababaihan ang nasa kalapit na cottage namin.
Nagpahinga muna kami. May dalawang stall din kasi malapit sa cottage namin. Isang nagtitinda ng kanin at ulam. Yung isa naman ay inuming beer at pulutan.
Naglakad si Kristoff papunta kay Kenji at may sinabi dito. Pumunta sila sa may stall kung nasaan may nagtitinda ng beer at pulutan.
Di ko alam kung anong sinabi nila dun pero natuwa lang ang nagtitinda. Maya’t maya ay may kinuha itong isang case at binuhat naman yun ng dalawa.
“Darah, kunin mo yung mga pulutan.” Utos ni Kristoff sa kanya. Agad namang pumunta si Darah sa nagtitinda at kinuha ang mga malalaking chichirya.
Nilapag nila iyun sa mesang nasa gitna ng cottage namin. May binigay din ang tinderang disposable glass para inuman nila.
“Maya na tayo uminom. Let’s jump!” Suhestyon nya. Tumango naman ang tatlo.
Agad hinubad ng tatlo ang mga damit nila. Nagtilian naman ang mga babaeng nasa cottage.
“Di ka ba sasama?” Tanong sa’kin ni Darah. Napatingin ako sa kanya. Naka-two piece na din sya. Napatingin ako sa dibdib nya. May ibubuga din naman. Hindi matatawag na flat at hindi rin masasabing malaki. Sakto lang. Halata naman ang cleavage nya.
Napasulyap ako kay Kristoff na tinutulak-tulak ni Kenji gamit ang braso habang nginunguso ang naka-two piece na si Darah. Namumula naman ang mukha ni Kristoff.
“Di ako sasama.” Sagot ko.
“Bakit? Ayaw mo bang tumalon? Pwede namang lumangoy ka nalang sa baba. Tingnan mo oh! Ang ganda at ang linaw ng tubig. Malalim pa!” Sabi nya.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...