CHAPTER 35

3.5K 121 3
                                    

Kotse naman ang gamit ko dahil naka-business attire ako ngayon. Sa totoo lang ay di ko alam kung saan ako mag-aapply.

Tumambay muna ako sa loob ng McDo. Naghanap ng hiring online. Abala ako sa paghahanap nung may tumawag sa pangalan ko.

“Queenie?”

Napalingon ako kung saan galing ang boses na iyon.

Darah? Kristoff? Kenji?” Sunod-sunod na tawag ko sa kanilang tatlo.

“It’s really you. Pwedeng makiupo?” Tanong ni Darah. Naalala ko naman yung unang araw ko sa school na tinanong ko rin yun sa kanila.

“Sure.” Sabi ko.

Naupo naman sila.

“Long time no see, Queenie.”

“Hmm. I thought galit kayo sa’kin?” Nahihiyang sabi ko. Nakayuko ako.

“Nagalit kami sa ginawa mo kay Raven. Pero hindi ako galit sayo.” Sabi ni Darah.

Dumating naman ang order nila. Ako naman ay hindi pa tapos sa pagkaing inorder ko.

“Kumusta ka na pala?” Tanong ni Kenji.

“Kahit papano, okay na din. Normal na din ang buhay ko. Umiiwas na ako sa kahit anong gulo.” Sabi ko sabay ngiti. Di ko alam pero nakita kong nabitawan nilang tatlo ang hawak na kutsara. Napatingin naman ako, mabuti’t hindi ito nahulog sa sahig.

“Dre’, pakikurot nga ng pisngi ko. Para kasing nananaginip ako sa nakikita e!” Sabi ni Kristoff. Binatukan naman sya ni Darah.

“Aray! Totoo nga! Ngumingiti ka na, Queenie!” Sabi ni Kristoff.

Yun naman pala..

“So, ano ba talaga ang totoong nangyari?” Tanong ni Kenji.

“Oo nga. Hindi kasi klaro ang kwento ni Darah. Di rin naman namin matanong kay Raven dahil galit sya sayo.” Dugtong na tanong ni Kristoff.

“Hindi nyo na kailangang malaman ang buong detalye. Ang masasabi ko lang ay mas pinili kong iligtas kayo at balak sanang sumama sa suicide ni Sierra.” Paliwanag ko.

“Suicide? What do you mean?” Tanong ni Darah.

“May bomba sa pier. Sa mismong Gothong na pinagtutong-tungan nyo nung gabing iyon. Minabuti kong saktan si Raven para iwan nya ako at isama ka paalis sa pier. Yun lang ang mahalaga sa’kin nung gabing iyon.” Paliwanag ko.

“You mean, hindi totoong hindi mo na mahal si Raven?” Tanong ni Darah. Tumango naman ako.

“Aaminin kong nung una, misyon lang ang lahat. Pero kalaunan, unti-unti na akong nahuhulog. Dumating na din sa point na nahulog na nga ako sa kanya. Minahal ko na sya at hanggang ngayon ay mahal ko parin sya. Pero kung masaya na sya kay Jaiza, hindi na ako eeksena pa. Makita ko lang syang masaya ay ayos na din sa’kin.” Sabi ko. Mapait na ngiti naman ang pinakita ko.

“You’re still the Queenie na iniidolo ko.” Rinig kong sabi ng isang boses na kadarating lang. Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Lex?” Tawag ko sa pangalan nya.

“It’s nice to see you again, Queenie.” Sabi nya saka naupo sa isa pang bakanteng upuan.

“Reunion ba ‘to?” Tanong ko.

“Hindi pa. Wala pa si Raven dito.” Sagot ni Lex. Nagbaba ako ng tingin.

“Alam mong hindi kami pwedeng magkita.” Sabi ko.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon