Nandito kami ngayon sa Ranch estate nila Raven. Sobrang lawak ng Farm nila. May nadaanan kaming maisan at palayan. Maliban dun ay may mga puno din na namumunga ng iba’t-ibang fruits. May gulayan at hayupan din sila. Ang lawak ng ranch nila. May mga windmill din sa paligid. Meron pa ngang mga kabayo.
Talaga ngang ang yaman nila Raven.
Nakarating naman kami sa mala-palasyong bahay-bakasyunan nila. Maraming magsasaka ang nandoon. Pati narin mga katulong sa bahay nila.
May man-made falls at beach din. May malaki at malawak na stadium at kung anu-ano pa.
Mabuti na rin pala at sumama ako sa team building. Sa sobrang ganda dito ay parang nakalimutan ko na din silang dalawa.
=================
Marami ang guest rooms sa loob. Masyadong malawak din ang loob nito. Tig-dadalawang tao sa bawat isang kwarto. Saktong kasama si Cassie kaya sya na ang kasama ko. Nag-request kasi si Kenji na isama si Cassie. Sya na din ang pumunta sa school ni Cassie para ipaalam ang pagliban nya ng tatlong araw sa practice.
Kenji is doing his best para hindi na sya iwan ulit ni Cassie. May saltik din kasi ang isang to’. Kung anong trip ko, ganun din ang trip nya. Napaka-supportive.
“Queenie, right?” Tawag ng isang lalake sa’kin habang nasa balcony ako. Hindi ko na kasi alam kung nasaan na yung iba lalo’t tulad ko ay namangha din sila sa lawak ng rancho.
Humarap ako sa kanya. Sya yung lalake sa supplies.
“I’m Felix. Sa supplies.”
“Oh, right? Bakit mo pala ako tinawag?”
“May team ka na ba?”
“Anong team?” Tanong ko.
“Ang mabuti pa ay sumama ka sa’kin.”
Sumunod naman ako sa kanya. Narinig ko ang ingay mula sa mga kasamahan namin dito nung mas papalapit kami sa parang stadium sa laki at lawak nito.
Pagpasok naman namin ay may nilakad pa kaming hallway bago narating ang loob mismo ng stadium.
Wow!
Napahanga ako sa lawak ng swimming pool doon. Dito siguro madalas mag-swimming si Raven. No wonder magaling sya sa swimming sports.
Napansin ko din na pwedeng matakpan ang pool. Magiging normal na ground na lang ang lahat sa loob.
================
CASSIE POV
“I’m the organizer sa mga gagawin nating palaro ngayon. Gumawa kayo ng tatlong team. Blue, Red and Green. Siguraduhing tama ang bilang ng kasapi nyo. No exception. Kasali din sila Sir at Miss Jaiza.” Anunsyo ni Lex.
Gumawa naman ng team lahat ng nandun. Except me, dahil hindi naman ako empleyado nila.
Nakita ko si ate Queenie na mag-isa ngayon dahil sumobra yung bilang ng members. Sa Team nila ate Lex, nandun sila Kenji, Kuya Kristoff at ate Darah, kumpleto na ang Blue Team nila. Sa Team naman nila Kuya Raven at Miss Jaiza, kumpleto na rin ang Green. Sa isang team naman, kumpleto na ang Red. Pare-parehong 15 katao ang bawat team.
“Pano yan? Mag-isa akong sumobra. Ibig sabihin ba nun exempted na ako?” Tanong ni ate Queenie.
“No. Kung kinakailangan mong maglaro mag-isa, maglaro ka. Easy lang naman ang mga palaro. Ayaw mo nun? Kapag ikaw ang nanalo, solo mo ang premyo?” Malditang sabi ni Ate Lex.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...