QUEENIE POV
Nagising ako dahil sa init ng hininga na nararamdaman ko sa may leeg ko. Naalala ko naman kaagad yung huling nangyari sa’kin kagabi. Naitulak ko ng malakas ang lalaking katabi ko ngayon. Kahit medyo malabo pa ang paningin at mahina pa ang katawan ko ay agad akong pumaibabaw kay Felix.
Akmang sasakalin ko na sya nung bigla nyang hawakan ang magkabilang kamay ko. Di ko alam kung paano at bakit naging ganun sya kalakas at kagaling ngayon.
Nagkabaliktad ang posisyon namin. Siya na ang nasa ibabaw ko. Mahina parin ang katawan ko. Nagpupumiglas ako para makawala sa kanya.
“Queenie, calm down, it’s me.” Sabi nang pamilyar na boses na nagbigay sa’kin ng malakas na tibok ng puso.
Kinusot-kusot ko ang mga mata. Hinayaan ko naman ang sarili kong manghina. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan at nakitang polo ni Raven ang suot ko.
“What happened?” Tanong ko.
Madaling araw na din siguro.
“Attempted rape.”
“What?” Nagulat naman ako sa sinabi nya. “M-may ano...” Di ko ma-construct ang gusto kong itanong. Nahihiya ako dahil hinayaan ko lang ang sarili kong mauto ng ganun kadali ni Felix.
“Nothing happened. Fortunately, may nakakita sa kanyang buhat ka. Buti at naabutan pa namin bago pa sya may nagawang masama sayo. Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sayo, Queenie.” Diretsahang sabi nya.
“Thanks for saving me.” Pasasalamat ko. “Anyway, I need to go back to my room.” Sabi ko.
“Ayaw mo ba dito?” Tanong nya.
“Huh? Baka magselos si Jaiza.” Sabi ko.
“Walang kami.” Pag-amin nya.
“Pero bakit...”
Bakit mas pabor ka sa kanya noon?
“Sinakyan ko lang ang trip nya dahil galit pa ako nun sayo. Hinayaan ko lang syang ipagkalat na matagal nang merong kami.”
“E, ngayon?” Tanong ko.
“Galit parin.”
“Oh eh bakit hindi ka na sumisigaw? Hindi mo na ako sinusumbatan?”
“Mas matimbang parin kasi ang pagmamahal ko sayo kesa sa galit na dinulot mo.”
“What does it mean?”
“Mahal parin kita, Queenie. I can’t hold back anymore. Ilang beses akong nagtimpi na hindi ka lapitan. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na baka umalis ka na naman ulit. Kaya pinigilan kong maging malambot. Pero Tangina! Sa tuwing nakikita kitang pinagpapantasyahan ng iba, gustong-gusto kong markahan ka ulit. Gustong-gusto kitang angkinin ulit. Ikulong sa mga bisig ko. Yakapin ka ng mahigpit at hindi na pakawalan pa. Sa tuwing nakikita ko ang mga tawa at ngiti mo, gusto kong ako ang dahilan ng mga yun. Gusto kitang pasayahin sa paraan ko.” Sunod-sunod na pag-amin nya.
Nagsimula ulit magharumentado ang puso ko. Sa sobrang katahimikan ng gabi, parang naririnig ko na rin ang sinisigaw na pangalan nito.
“Raven... I killed Jasper and Sierra with my own hands. Makakaya mo parin bang tanggapin ako?” Tanong ko.
“I love you just the way you are, Queenie. Kung hindi masakit para sayo, maaari mong ikwento sa’kin lahat-lahat ng tungkol sayo. Lahat-lahat ng nangyari that night. Magsimula tayo ulit. Iki-kwento ko rin ang mga bagay na gusto mong malaman sa’kin. Maging open tayo sa isa’t-isa. Ang gusto ko lang ay magtiwala ka sa’kin, Queenie. No matter what happened, kahit ano pa ang sitwasyon natin, ipangako mo na hindi mo na gagawin ang ginawa mo noon. Nangangako din akong ikaw lang ang babaeng mamahalin at pakakasalan ko. Hindi kita iiwan, Queenie.” Walang prenong sabi nya.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...