CHAPTER 36

3.3K 126 9
                                    

“You’re the new assistant, right?” Tanong nya na para bang ibang tao ako.

“Yes, S-Sir.” Sagot ko.

Napakunot-ulit lalo ang noo nya.

“What’s your name?” Tanong nya.

“Huh? You don’t know me?”

“Excuse me? Let’s be professional. Introduce yourself first. I’m your boss and let’s talk about your job description as my assistant.” Sabi nya without showing an emotion. Para bang isa lamang din akong ordinaryong empleyado ng kumpanya nya.

Mukhang sagad sa buto ang galit nya sa’kin.

I snapped out. I cleared my throat at tumindig ng mabuti.

“I’m sorry for my rudeness, Sir. I will not do it again. Anyway, I’m Queenie Aphrodite Clemente. Reporting today as your assistant.”

“Good. So, let’s talk about my terms. Follow me.” Sabi nya.

“How about this?” Turo ni Jaiza sa papers na hawak.

“We’ll talk about it, later.” Sabi nya. Tumango naman si Jaiza at lumabas na.

Nakita kong umupo si Raven sa swivel chair nya. Tinuro nya ang upuan sa harap. Umupo naman ako dun.

“Take this and read everything. Make sure na wala kang makakaligtaan kahit isa. Dun ka na maupo sa pwesto mo. Also, I’m giving you 2 minutes para basahin lahat yan. Kunin mo ang mga papers na nakay Jaiza, afterwards.” Utos nya. Kinuha ko naman ang module na binigay nya.

Naupo ako sa sinasabi nyang pwesto ko. Nagsimula akong magbasa sa mga terms nya.

Nakasulat doon na lahat ng makikita at malalaman ko about business papers, ay confidential. Bawal akong makialam sa affairs nya inside or outside the premises. Hindi rin ako pwedeng magreklamo sa mga gagawin nyang intimate acts sa loob. Ipagtitimpla ko sya ng kape every 3pm. Bibili ako ng lunch nya 30 minutes before 12 o’clock. Marami pa syang terms na sinulat regarding my job as his assistant.

Sa baba naman ay may nakalagay na Signature over printed name. May mga pirma din ng HR and so. Pirma ko at pirma nya na lang ang wala pa.

So this is like a contract.

Pinirmahan ko nalang yun saka nilagay sa table ko. Tumayo ako.

“You done? Give me the contract.” He said. Binigay ko naman sa kanya ang kontrata.

“Kunin ko lang yung papers.”

“Yes. Please.” Sabi nya saka may tinawagan sa telephone.

Lumabas na ako para kunin ang papers.

Jaiza..” Tawag ko.

“Call me Ma’am Ramirez. I’m the girlfriend of the boss.”

“Right. Ma’am Ramirez. I need the papers.” Sabi ko. Wala naman akong pakealam kung anong gusto nyang ipatawag.

Binigay nya naman kaagad sa’kin ang papers.

“Don’t you dare na agawin sya sa’kin.”

“Pinagbabantaan mo ba ako?” Walang emosyong tanong ko.

“No. But He’s mine.”

“Obsessed!” Kumento ko. Tinarayan nya naman ako.

Kung makapagtaas ng kilay kala mo naman may panama sa lakas ng sipa ko!

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon