“Babe, what’s wrong?” Di ko sinagot ang nag-aalalang tanong ni Raven.
Lakas-loob kong binuksan ang letter ni Sakura.
‘Hi to my beautiful friend, Queen!
Sorry ha? Di ako nakapagpaalam ng mabuti. Sorry din kung nagsinunggaling ako sayo. Kapag nabasa mo ang sulat na’to. Alam nating pareho na magkaiba na ang mundo natin. Nasa langit na ako, nasa lupa ka naman. Hehe. Sorry talaga Queen. Yung hikaw na binigay ko sayo kagabi. Normal na hikaw lang yan. Remembrance lang. Hindi tayo nagpang-abot. Hinahabol na din ako nun para alam mo na. Trabaho natin. Kaya mabilis akong umalis. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko naman masasabi sayo dahil binabasa din muna ito bago umabot sa inyo. Punta ka na lang sa locker ko. Password nun ay TAB2.5-10.15-50.7. Wag kang magtitiwala kahit kanino. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ko, Queen. Sorry and thank you for sharing with me our 4 years of friendship. You are my partner in crime. Keep safe and stay healthy.
From your dearest ang genius friend, Sakura.
Di na nakatakas ang mga luha sa’king mata. Wala akong marinig na kahit ano. Hindi ko marinig ang kahit sino. Napaluha ako. Napahawak sa dibdib habang dinadama ang sakit. Para bang tinutusok ang puso ko ng isaandang kutsilyo. Napaupo ako at napasigaw.
“AAAAAHHHHHHHHH!” Nararamdaman kong may yumugyog sa’kin pero hindi na pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nila. Pumikit ako habang tumutulo ang luha ko sa mga mata.
Ansakit-sakit! Para bang binuhusan ng asido ang puso ko dahil sa sakit.
Bakit si Sakura pa?
=================
DARAH POV
“AAAAAHHHHHHHHH!” Narinig naming tatlo ang masakit na sigaw ni Queenie. Tumakbo kami papasok ng locker room at nakita ang nakaupo at umiiyak na si Queenie. Niyakap naman ni Raven si Queenie habang marahang niyuyugyog.
“Babe? What’s going on?” Nag-aalalang tanong nya. “Damn it!” Halata kay Raven na gustong-gusto nyang kunin kay Queenie ang nararamdaman nitong sakit.
Hindi sya marinig ni Queenie. Iyak lang ito ng iyak. Alam naming tatlo at nang kung sinumang nakakakilala sa kanya na hindi sya marunong magpakita ng emosyon.
Pero ang makita syang ganito ay nakakapanghawa at nakakapanghina. Nasasaktan din ako. Lumapit ako sa kanya para aluhin sya. Marami na din ang nanonood sa’min. Sinasaway naman sila ni Kristoff at Kenji na umalis na.
“AAAAAAAHHHHHHH! ANSAKIT!” Sigaw nya habang kinakalmot ang dibdib nya. Napaluha ako habang humihikbi na sya. Napaluha ako dahil halatang-halata sa mukha nya ang sakit.
“Queenie? Can you hear me? Nandito lang kami para sayo.” Pag-aalo ko.
“Ano bang nangyari ‘dre?” Curious na tanong ni Kenji. Naaawa din sya sa sitwasyon ngayon ni Queenie.
“I don’t know. May binasa syang letter and then ganito na sya.” Hindi rin alam ni Raven kung bakit sya ganito ngayon. Nasisiguro kong importante sa buhay nya ang nawala.
She took a deep sighed saka pinahid ang mga luha.
“Queenie?” Tawag ko sa pangalan nya. Nagbabakasakaling marinig nya ako.
Tumayo na sya. Yung dating walang emosyong mukha ay punong-puno naman ngayon ng galit. Mas lalo syang naging nakakatakot at naging mas cold tumingin. Ngayon ko lang syang nakitang ganito kagalit.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...