CHAPTER 15

4.7K 155 8
                                    

“Hey Hentai! What’s your name?” Tanong ko.

Pftt--. HAHAHAHAHAHA!” Tawa naman ni Kenji habang hawak ang tiyan nya. Naintindihan nya ang tinawag ko sa babae dahil Japanese din sya. Minsan tinuturuan din ako ni Sakura.

“What’s that mean?” Tanong ni Darah. Sumenyas naman si Kenji sa dalawa na hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin.

Pffftttt--.” Pigil na tawa ni Raven at Kristoff dahil batid kong naintindihan nila ang sinenyas ni Kenji. Si Darah naman ay naningkit ang mga mata habang nagtataka.

“I’m Charisse.” Pakilala nya.

“Charisse, pwede ka nang umalis.” Walang emosyong utos ko. Naka-cross arms naman ngayon si Raven at nakasilay ang nakakalokong ngisi. Para bang natutuwa sya sa inaasta ko.

“But--.” Pinutol ko ang sasabihin nya.

“Alis! Bibilangan kita hanggang limang segundo, sa oras na nandito ka pa hanggang matapos ako, huhubaran kita at dadalhin sa harap ng entablado. Mukha kasing nag-eenjoy kang ipakita yan sa boyfriend ko.” Babala ko saka nginuso ang dibdib nya.

Hindi na sya naghintay pang makapagbilang ako. Inirapan nya ako saka sya lumabas ng kwarto.

“Nangangamoy selos na ba?” Tanong ni Darah pero hindi nakatingin sa’min.

Hindi ko sya pinansin lalo’t nagsimulang sumilay ang ngiti ng tatlo.

“Queen?” Rinig kong tawag ni Sakura.

“What?” Bulong ko. Napatingin naman sila sa’kin.

Narinig parin nila ako.

“May bago akong manga. Gusto mong hiramin ulit? Baka sakaling tuluyan ng bumalik ang emotions mo! HAHA. Naalala ko bago tayo naging partners, para kang robot. Buti yung may alam ka din kahit papano sa romance kaya palagi kitang pinagbabasa ng manga! May bago ako ngayon! Wanna try?”

“Tomorrow.” Sagot ko. Sabado naman bukas.

Pinatay na ni Sakura ang tawag.

Nagsimula naman silang mag-inuman. Hindi ako umiinom. Hindi ako pwedeng malasing. Nakabantay ako kay Raven.

“Cr muna ako.” Paalam ko. Nakaramdam kasi ako ng pananakit ng ulo na para bang naaalala ko na nanggaling na ako dito.

Pagtayo ko naman ay mas lalong sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito.

“Queenie, you okay?” Tanong ni Darah.

“Babe, what’s wrong?” Nag-aalalang tanong ni Raven.

May nakita ako sa memorya ko.

*In QUEENIE’s Memory...*

“Come on, Queenie, drink it!”

---- PRESENT ----

Sino ang babaeng yun sa memorya ko?

Napaupo ako sa couch habang hawak parin ang ulo.

“You okay?” Tanong ni Darah pagkatapos tumabi sa’kin.

“I’m fine.” Sagot ko. “Anyway, punta lang akong banyo.” Paalam ko.

“Samahan na kita.” Prisinta ni Darah.

Magbabanyo ka din?” Tanong ko.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon