SPECIAL CHAPTER

6K 201 59
                                    

SENIOR HIGH SCHOOL
(Queenie’s past before she lost her memories)

QUEENIE POV

“Hi Queenie! May ibibigay nga pala ako sayo.” Nahihiyang abot nya sa’kin sa isang paperbag. It’s full of imported chocolates. Nagpasalamat lang ako at si Lex ang kumuha ng paperbag.

“Iba talaga kapag maganda! Daming taga-hanga!”

“Manahimik ka nga! HAHA! Ikaw naman ang kumakain sa lahat ng mga binibigay nila!”

“Alangan! Sayang kaya! Di mo kasi tinatanggap eh! BFF kaya tayo! Nag-ukit na nga tayong pareho ng pangalan sa palapulsuhan eh! Ngayon mo pa ako hindi pagbibigyan.” Reklamo nya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya. Total masaya naman syang tinanggap ang regalo.

Nasa canteen kami at ibang strand naman ang lalakeng nagbigay ng regalo sa’kin.

Palaging ganito ang set-up. Sa tuwing kumakain kami ni Lex sa canteen, or every vacant time namin. Meron at meron talagang sumusulpot para mag-abot ng regalo sa’kin.

May mga nag-iinsist pang ihatid ako pero agad ko namang tinatanggihan dahil nandyan naman si Lex na kasama ko lagi sa pag-uwi.

Hindi ako tulad ng iba. Panay training lang kami ni Lex sa archer kapag umuuwi kami ng bahay at bakante ang oras namin. I’m not into relationships. Priority ko parin ang studies. Gusto kong mas lalong maging proud ang parents ko sa’kin.

Lahat naman sila, gwapo sa paningin ko. Di ko lang talaga sila type.

Malabo ding magkagusto ako sa kanila. Mukhang di na kasi nag-eexist ngayon ang mga lalakeng challenging. Yung tipong hindi magkakagusto sa’kin sa unang tingin. Yung tipong mahirap paamuin. Yun ang mga tipo ko.

May challenge, may excitement. Kaso walang ganun, lahat nakabatay sa ganda. Pagkatapos nun, mahuhulog na. Magtatapat, tapos sa huli iiwan ka lang din naman. Yun ang karanasan ni Lex bago nya nakilala si Jordan.

Pero yun ang akala ko...

------------------

Isang araw, habang naglalakad ako sa harap ng private school na madadaanan lang papunta sa School namin, I think 200 meters lang ang layo ng school namin mula sa gate nila.

Tumatakbo ako dahil ilang minuto na lang ang natitira, mag-uumpisa na ang klase namin para sa unang subject. Napuyat kasi ako.

Takbo ako ng takbo. Paliko na ako sa may kanto kung saan ang daan papunta sa gate ng school namin ay may nakabangga akong isang lalake. May hawak akong mga libro nun. Hinihiram kasi ni Lex yung ibang dictionary ko sa bahay. Di ko naman ginagamit dahil tamad akong magbasa.

Nahulog ang mga librong dala ko. Kasabay nun ay ang pagbagsak ng pwet ko sa sementong sahig.

“Sorry! You okay, miss?” Tanong ng lalake. Malambing ang boses nya pero para bang may awtoridad yun.

“Mukha ba akong okay?” Iritableng sagot ko.

Napatingin ako sa kanya. Kahit nakatakip ang mga buhok ko sa mukha dahil sa malakas na pagbagsak ko ay klaro parin sa paningin ko ang mukha ng sobrang gwapong nilalang sa harapan ko.

Suot nya ang uniform mula sa private school na dinaanan ko.

Kinuha nya ang mga librong nahulog sa sahig at tinulungan akong makatayo. I’m still stunned sa kagwapuhan nya.

Binigay nya muna ang mga libro sa’kin saka nagsalita.

“Sorry again! But I need to go. I’m gonna be late.” Paumanhin at paalam nito saka tumakbo na paalis.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon