“For our first game today, since apat yung team na meron tayo, maglalaban naman ang dalawang team. Team Blue, ang makakalaban natin ay team Red. Yung team Green, ang makakalaban nyo ay team Black. Yung mga maliliit na lobo nilagyan namin ng pintura sa loob. Manipis lang din para mas madaling pumutok. May mga suot naman tayong gears. Lalo na sa mata para hindi ito makaapekto sa mga mata natin. Ibabato nyo lang ang lobo na may lamang pintura sa target.” Paliwanag ni Lex.
“Ano yang nasa leeg mo?” Tanong ni Cassie sa’kin. Sya palang kasi ang unang nakakita lalo’t tinatakpan ko ito ng buhok.
“Malaking lamok ang kumagat sa’kin.” Sabi ko.
“Hehe. I’m so happy for you.”
“Wag ka munang matuwa, may laban pa tayo.” Sabi ko sa kanya. Tumango sya.
“Copy!”
Unang lumaban ang team nila Lex at ang Red team. Panay ilag at hagis ng lobo naman ang magkabilang team.
May 3 minutes sila para tapusin ang laban.
Magaling na din ang Red Team. Since nakulangan sila ng isang member dahil napaalis si Felix. Ipinalit nila ang isang guard na tauhan din ni Raven.
Mas magaling na ngayon ang Red Team.
------------
Natapos ang 3 minutes, red team ang panalo. Magaling ang guard na ipinalit kay Felix.
Ngayon naman ay laban na namin sa team nila Raven. Nakita ko syang nakangisi habang pinipisil ang lobo at nakatingin sa dibdib ko.
He’s trying to distract me!
“Cassie, wag ka talagang magpapatama ng pintura. Lumayo ka din ng kunti para maiwasan yung banggaan nating dalawa.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya sabay salute.
Nagsimulang pumito ang isang tauhan nila Raven.
Kagaya kanina, apat parin silang magagaling at yung labing-isa naman ay display lang. Inuna namin ni Cassie ang labing isang member nila. Panay hagis at ilag naman kami sa binabato nila.
Wala pang niisa ang natatamaan. Nakakaramdam na din ako ng pagod. Palagay ko ay dahil iyon sa ininom ko kagabi.
Nakikita ko rin ang paminsan-minsang pagkabagal ni Cassie.
“Anyare sayo? Mabagal ka kumilos ngayon?”
“Antok ako!”
“Hindi ka ba pinatulog ni Kenji kagabi?”
Sinusubukan ko nalang sya kausapin para hindi sya makatulog.
“Hindi naman. Ayos lang ako, kaya ko pa naman. Hanggang 3 minutes.”
“Okay! Automatic na kasing bawas ng labing tatlo ang grupo natin, so, labing-tatlo na ang puntos nila, Kailangan nating mapatumba ang dalawa para mag-tie.” Sabi ko kay Cassie.
“I have a better idea.” Cassie said. “Kaya naman nating gumamit ng apat na lobo at ihagis ito at the same time.”
“Let’s do that, Cassie.” Sabi ko. Pinulot ko ang apat na lobo na may lamang itim na pintura.
Binato ko ang apat from North East South to West side. Wala namang napagtakbuhan yung isang lalake. Natamaan tuloy sya. Ganun din ang target ni Cassie.
Pareho na kaming may tig-dadalawang natitira.
Natapos naman ang oras kaagad kaya tie ulit ang laban namin.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Acción@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...