CHAPTER 31

3.3K 121 0
                                    

“So Queenie? Bakit ka nga ulit nakipaglapit kay Raven? Sabihin mo ang totoo, Queenie. Pakakawalan ko sila kapag nasagot mo lahat ng tanong ko.” Nakangisi si Sierra habang sinasabi ang mga salitang yan. Nakita ko naman ang nakasulat sa kontrata na pagbabanta. Wala akong nagawa kundi ang sumagot.

The assassin shall kill the client if there’s a proof that they fell in love to each other.

Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, mamamatay kayong tatlo dito.

“For my mission.” Sagot ko.

“Ano nga ulit ang mission mo?”

“To protect him.” Walang emosyong sagot ko.

“And what about the actings na pinakita mo sa kanya?”

“It’s for my mission.” Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang tahimik ni Raven. Hindi sya nagsasalita.

“Basahin mo ang mga terms na nakasulat at binilugan ko.” Utos ulit nya.

“The assassin shall do whatever it takes to make the client satisfied. The assassin shall submit her body if the client asked for pleasure. The assassin must not fall in love. The assassin shall use her body to become a shield and protection for the client. The assassin must kill herself once the client knows about his/her identity.” Basa ko.

Damn it!

“Then do you love him?” Tanong ni Sierra.

They will ask me to shoot Raven kapag sinabi kong ‘OO’.

Kapag pinaputukan ko naman ang isa sa kanila, yung sniper ang papatay kay Raven.

Damn it!

“Ate Queenie, may bomba po sa loob ng gothong na pinagtutong-tungan nila Kuya Raven.”

Now, this is the worst. Kailangan kong mapaalis si Raven dito at si Darah.

“No. Ginawa kong taken for granted lahat ng ginawa nya para sa’kin. Pinaniwala ko syang mahal ko sya pero ang totoo, hindi, dahil isa akong assassin.”

Tang^na Sierra! Wala ka talagang balak palayain ako! Isasama mo pa ako sa pagpapakamatay mo! Ayos lang naman sa’kin. Pero ang idadamay mo pati sila Raven, yun ang di ko mapapatawad..

“Are you just saying this because they threatened you?” Tanong ni Raven.

“No. Alam mong wala akong pakealam at mas lalong alam mo na hindi ako sumusunod kapag hindi ko gusto ang pinapagawa sa’kin. That’s the truth, Raven.”

“Are you sure? Kung ganun ay sabihin mo sa’kin ngayon at harap-harapan na hindi mo na ako mahal. Makipag-eye-to-eye contact ka sa’kin at sabihin ang mga salitang yan.” Request nya. Gusto nyang malaman kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

I pulled myself together. Hindi ito ang panahon para mag-inarte. Buhay ni Darah at Raven ang nakataya dito. Tumingin ako ng seryoso sa mga mata nya. Hindi ako pwedeng magkamali sa pagsasalita dahil si Raven ang kausap ko. Isang maling salita ko lang ay malalaman nyang nagsisinunggaling ako. Baka mas lalo akong mahirapang iligtas silang dalawa ni Darah.

“Hindi kita mahal, Raven. At kailanman ay hindi kita minahal. Ginawa ko lamang ang sinasabi mo para mas mapalapit ako sayo. Ginawa ko lang yun para mas mapadali ang mission kong protektahan ka.” Walang emosyong sabi ko. Kahit kabaliktaran naman nun ay ang tunay na nararamdaman ko.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon