CHAPTER 29

3.6K 129 1
                                    

Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay matapos ang klase. Nakatingin lang ako sa notebook ko. Magkaklase kami sa subject na ito nila Raven at Darah. Hindi nga lang kami magkakatabi.

Narinig kong bumukas ang pinto ng room at tilian ng mga takot na kababaihan sa kung anuman ang nasa pinto.

Napaangat ang ulo ko at tiningnan ang direksyon ng pinto. Tatlong lalake ang may hawak ng AR-15. Sumenyas ang mga itong ilagay ang mga kamay namin sa likod ng batok at humapa. Sinunod naman namin iyon.

“Ay! Sorry Ate Queenie! Kumuwa pa kashi ako ng pagkain tsaka nagtimpla ng gatash kaya hindi ko nareport kaagad na may mga armadong lalaki na pala dyan sa School nyo. Sorry po talaga, Ate Queenie..” Halatang kumakain nga sya. May tatlong lalake ulit na dumating. May mga dalang iba’t-ibang armas.

“It’s fine. Marami ba sa labas?”

“Opo. Palagay ko ay sa likod sila dumaan.”

“Okay. Maraming hostage?”

“Opo, maski ang faculties and staffs.”

“Okay.”

“Mag-iingat ka po Ate Queenie.” Nag-aalalang sabi nya.

“May sniper ba sila?”

“Wala po.” Sagot nya.

Good.

Sinira nila ang magandang arrangement ng mga upuan. Nilagay itong lahat sa may bintana palabas ng building.

Damn.. Sinigurado talaga nilang walang tatalon mula sa bintana para makalabas.

Pinagtipon-tipon kaming lahat sa may baba ng blackboard kasama ang Instructor namin. Pare-pareho kaming nakaupo saka nakalagay ang mga kamay sa batok.

================

DARAH POV

It’s been a week simula nung makita namin si Queenie sa lagay na yun. Ngayon araw naman ay maayos na ulit sya. Pero wala paring emosyon.

Kasalukuyan naman kaming hostage at nasa labas na din ang mga police. Nasa gitna namin ni Raven si Queenie. Masama ang tingin nya sa anim na lalakeng may hawak na mga armas.

“Tang^na! Kahit sino pwede nating gawing hostage! Mayayaman naman lahat ng nandito!”

“BIGYAN NYO KAMI NG ISANG DAANG MILYON SA BAWAT ESTUDYANTENG NANDITO NGAYON AT HOSTAGE NAMIN! MAGHIHINTAY KAMI HANGGANG ISANG ORAS! KUNG HINDI NYO IBIBIGAY ANG GUSTO NAMIN AY PAPUPUTUKAN NAMIN NG ULO ANG MGA HOSTAGE DITO!” Sigaw nung lalake gamit ang megaphone na dala.

“DARATING ANG HINIHINGI NYO! WAG NYONG SASAKTAN ANG MGA ESTUDYANTE!” Sigaw naman ng isang police sa labas.

Nakakatakot man pero nakakahawa ang pagiging matapang ni Queenie. Hindi man lang mabakasan sa mukha nya ang takot. Samantalang yung ibang kaklase namin ay umiiyak na ng palihim.

Sikat ang university namin. Alam kong ngayon ay nasa TV na ang nangyayari dito.

===============

QUEENIE POV

Kung ako lang sana ay kayang-kaya ko silang patumbahin. Ngunit ang madawit ang mga estudyante ay ibang usapan na din.

Kung nasa labas na ang awtoridad ay mananahimik nalang ako dito. Pero kung may saktan sila sa mga nasa loob ay hindi ako magdadalawang-isip na tumulong.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon