@ TOURNAMENT....
>GREENHILLS PRIVATE UNIVERSITY<
DARAH POV
Natapos na ang larong soccer ng mga lalake at babae. Ngayon naman ay katatapos lang din ng laro namin sa basketball girls.
Simula nung umalis si Queenie nung gabing ‘yon ay laging wala sa sarili si Raven.
Wag naman sanang maulit yung ginawa ni Sierra noon kay Raven. Please Queenie! Bumalik ka sa kanya! Kung nasaan ka man! Wag mong sirain ang tiwala ni Raven na unti-unti na ulit nabubuo!
Panalo sila Raven sa soccer, volleyball at baseball sa tulong nila Kenji at Kristoff. Panalo kami sa basketball and as usual ay ako parin ang MVP. Nanalo ulit kami sa Chess. Mamaya pa ang laban nila Raven sa basketball at swimming. Mauuna muna ang ibang laban. Badminton ang laro ngayong hapon. Sunod ang Archer.
Yun ang sinalihan ni Queenie. Pero di ko alam kung darating ba sya.
Nakaupo kami ngayon sa mesa sa loob ng canteen dahil lunchbreak na. As usual, pinagtitinginan ulit si Raven ng mga kababaihan mula sa iba’t-ibang school. 4 consecutive wins ba naman na puro kasali si Raven.
Hindi namin makausap si Raven dahil bumalik ulit ito sa pagiging cold.
==============
CASSANDRA CHRISTINE MONDALLA POV
Ngayon ko na mas lubos na naiintindihan kung bakit sya tinawag na elite. Senior namin si Queen. Sobra ang respeto at pag-iidolo ko sa kanya. Hindi pa sya pumalpak sa isang mission kahit nung rookie palang sya. Ako yung huling niligtas ni Queen kaya sya nasugatan.
Kung normal na babae lang ang nakapagtamo ng malalim na sugat na yun ay baka nahimatay na ito sa sakit at sa dami ng dugong lumalabas mula dito.
Nasugatan man sya pero pinilit nya paring tapusin ang mission kahit dumudugo ang sugat nya.
Mabilis syang naka-recover. Hindi lang sya bumabalik dahil hindi muna sya pinayagan. Ngayong araw naman ay makakabalik na sya.
“Cassie, may bow and arrow ka ba?” Tanong ni Queen ng walang emosyon.
“Meron po.” Sagot ko.
“Hiramin ko.” Paalam nya.
“Sayo nalang po.” Galak na sabi ko.
“You sure?” Tanong nya.
“Yup! Kulang pa yan sa pagsagip mo sa buhay ko.” Sabi ko. Hindi na sya nagsalita. Kinuha ko nalang mula sa kwarto ang mahabang bag na lalagyan ko ng bow and arrow saka binigay sa kanya.
“I’m going.” Paalam nya saka mabilis na tinalon ang terrace mula sa second floor kung nasaan kami ngayon.
She’s really unbelievable. Parang wala syang injury!
================
DARAH POV
Nagulat kaming tatlo nung biglang tumayo si Raven hawak ang cellphone nya.
“She’s here!” Bulalas nya. Pinakita nya pa sa’min na gumana na ang location tracker sa phone nya. “I’ll go and meet her.” Sabi nya saka mabilis kaming iniwan kahit di pa kami nakakapagsalita.
“Iba talaga ‘dre kapag inlove.” Sabi ni Kristoff saka parang tanga na sinandal ang ulo kay Kenji habang nakatingin sa may kisame na para bang nag-iisip ng kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Aksi@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...