CHAPTER 07

5.4K 171 14
                                    

DARAH POV

Kanina pa ako naghihintay sa apat dahil inabot na ng dalawa’t kalahating oras ay wala parin. Nakapagluto na rin ako ng hapunan namin. Nagulat nalang ako nung tumunog yung doorbell.

Agad kong binuksan iyon.

Tumambad sa’kin ang mga bugbog saradong katawan ng tatlo. Si Kristoff na may black eye sa kaliwang mata, si Kenji na halata ang putok sa bibig, at si Raven na may pasa sa gilid ng labi. 

“What the fuck happened?” Nag-aalalang tanong ko. Nakita ko naman sa likod ni Raven si Queenie. Nagsipasok muna sila at naupo sa may sofa bago ako sinagot.

“Napagtripan.” Seryosong sagot ni Kristoff.

“Pano kayo nakatakas? Tumawag ba kayo ng mga police?” Sunod-sunod na tanong ko.

“We didn’t. Anyway, it’s fine. Ang importante ay buhay kami ngayon.” Sabi ni Kenji na para bang pagod magpaliwanag.

“At pano kayo nakakasigurong hindi na nila kayo babalikan?”

“Rest assured. May dumating na taong nagligtas sa’min. Pinagbantaan nya ang mga ito. Nangako naman silang hindi na nila kami guguluhin pa.” Paliwanag ni Raven.

“Can we trust their words?” Nagdududang tanong ko. Tumango naman sila. Nakita ko si Queenie na parang wala lang sa kanya ang nakikitang kalagayan ng tatlo.

“How about you? Nasaktan ka ba?” Tanong ko kay Queenie. Umiling lang sya. Tumayo sya at naglakad deretso sa ref.

Kumuha sya ng limang yogurt na batid ko’y binili ni Raven.

“Hep! Hep! Hep! Wag ka munang kakain ng yogurt! Nagluto ako ng caldereta at chicken curry. Kumain muna tayo.” Saway ko sa kanya at tinuro ang mesa.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nung makita ang pagkadismayang expression ng mukha ni Queenie.

Napatingin din ang tatlo sa kanya.

I knew it! Little by little! We can surely restore her emotions!

=================

QUEENIE POV

“Queenie, I know this is all of a sudden pero nagtanong ng update ang client natin. Palagay ko ay hindi nya pa alam ang nangyari sa anak nya. You need to make sure na hindi sila magkita ng Daddy nya hangga’t hindi pa naghihilom ang pasa nya gawa sa pambubugbog.” Sabi ni Sakura sa intercom na hikaw ko.

“Stay with him until then?” Tanong ko. Nagsitinginan naman ulit silang tatlo. Walang nagtanong at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain.

Palagay ko ay nasasanay na rin sila sa’kin.

“Yes.”

“Okay. Copy.” Sabi ko. Pinatay nya ang tawag at nagpatuloy ako sa pagkain.

Masarap magluto ng ulam si Darah. Sa tingin ko ay mapaparami ako ng kain.

==============

DARAH POV

Nagsimula na kami sa group study session namin. Panay tango naman si Queenie at nagtatanong sya kapag hindi nya maintindihan ang topic.

Madalas ang pagkakamot nya ng ulo sa Math subject. Batid ko’y kahinaan nya ang Math.

Dahan-dahan at klaro naman ang pagtuturo ni Raven kay Queenie. Para bang gustong-gusto nya talagang maging mataas ang score ni Queenie para makasama namin sya sa School tournament na gaganapin sa ibang School.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon