CHAPTER 23

4K 127 10
                                    

Nandito kami ngayon at naglalaro sa pauso ni Kenji. Pare-pareho na kaming nasa kwarto suot ang mga pantulog. Palagay ko ay nagpapakitang gilas si Kenji kay Cassie.

May pinulot syang pitong takip ng coke. Sa bawat takip ay sinulatan nya ng numbers from one to six saka ang isa ay nilagyan nya ng K.

K – stands for King.

May tabo syang hiniram sa may-ari. Nung dumating naman ang mga pulis para imbestigahan ang nangyari sa bangkay na natagpuan sa labas ay hindi na muna kami pinalabas ng mga ito. Nakabantay naman sila 24/7.

Nilagay nya lahat ng takip sa loob ng tabo saka pinabunot kami isa-isa.

“Who’s the King?” Tanong ni Kenji.

“Ako.” Pag-amin ni Cassie.

“Mag-utos ka lang. Walang KJ dito ah! Laro lang naman. Ganito yan, kung sino ang King, sya ang mang-uutos. Kunwari... Number 5 suntukin mo si Number 1. Ganun lang.”

“I see. So #3 halikan mo si #6.” Nakangiting utos ni Cassie.

“Who’s number 6?” Tanong ko dahil #3 ang nakuha kong numero.

“Me.” Sagot naman ni Kristoff. Napatingin naman sya kay Raven. Sinundan ko ng tingin ang mga mata nya at nakita ang madilim na titig ni Raven kay Kristoff habang sinusuntok ni Raven ang kaliwang palad nya. “B—beso lang ‘dre!” Utal na sabi ni Kristoff. Lumapit ako kay Kristoff.

Mas lalo namang naging matunog ang pagsuntok ni Raven sa palad nya.

Waaah! Cassie! How could you do this to me? Huhuhuhu.” Sabi nya saka tinakpan ang mukha.

Hinalikan ko nalang ang likod ng kamay nya. Bumalik ako sa pwesto.

“Next...” Sabi ni Kenji. Binalik ulit namin ang mga takip sa tabo.

Bumunot naman ulit kami isa-isa.

“Who’s the King?” Tanong ulit ni Kenji.

“I’m the King!” Sagot naman ni Kristoff. Yoosh!! #1 yakapin mo si #4” Utos nya.

“I’m number 1.” Pag-amin ni Cassie sabay ngiti.

Di mo talaga aakalaing assassin sya dahil masayahin sya at palangiti.

“I’m #4.” Pag-amin ni Kenji.

Agad namang tumayo si Cassie saka walang alinlangang niyakap si Kenji. Halata sa mukha nya ang pamumula dahil sa yakap ni Cassie.

Nagtinginan naman si Kristoff at Darah. Sabay sumilay ang mga ngisi.

“Alright.. Next..” Sabi ni Kenji nung humiwalay na sa yakap si Cassie at bumalik sa pwesto.

Bumunot ulit kami ng takip.

“I’m the King.” Sabi ni Darah. “Hehe.. #2 i-kiss sa forehead si #5.” Utos ni Darah.

I’m the number 5.

Tumayo si Rye.

“I’m #2. Who’s 5?” Tanong nya. Pinakita ko naman ang takip ng bote. Napasulyap ako kay Raven na nakakunot ang noo at parang badtrip.

Lumapit si Rye sa’kin at hinalikan ako sa noo.

“I love you, Ate Queenie.” Sabi nya. Pagkatapos ay bumalik na sa pwesto.

Binalik ulit ang mga takip saka bumunot kami.

“I’m the King.” Sabi ko. “#3 pitikin mo ang noo ni #5.” Utos ko.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon