CHAPTER 08

5.1K 173 4
                                    

DARAH POV

Kasalukuyan kaming nagti-take ng exam ngayon. Naka-double check na din ang mga kagamitan namin para iwas cheating. Ngayon ko lang din nakitang gumamit ng eyeglass si Queenie.

Medyo marami kami ngayon na nagtake. Including Jaiza na hindi lamang President kundi leader din ng cheering squad. Kahit mahinhin ay marunong naman syang gumiling, isa din to’ sa mga dahilan kung bakit kilala sya sa campus. Kasamahan nya naman sila Kyla, Cynthia at Celestine. May ibubuga din naman sila sa Academic.

Di ko kilala ang iba pero batid kong galing sila sa ibang batch. May mga bagong kasali ngayon na batid ko ang ilan sa kanila ay transferee din. Di nga lang sila gaanong nag-stand out.

Lahat naman ng tinuro namin kay Queenie ay nasa test. Alam kong masasagutan nya ang lahat.

=============

QUEENIE POV

Even without using the eyeglass ay nasasagutan ko naman ang mga tanong. Malaking tulong ang ginawa ni Raven kagabi.

Matatapos na ako sa pagsagot ngunit di ko parin nagagamit ang glasses ko. Napaka-smooth ng test. Para bang kinukumpleto ko lang ang alphabetical order.

Ilang minutong pagsasagot ay nagsalita na ang Instructor.

“Alright! Time’s up! Pass your papers!” Sabi nito.

Pinasa na namin yung test paper kasama ang answer sheets namin.

“How was it?” Tanong ni Raven na nasa tabi ko. Pero may isang metrong distansya.

“It’s easier than before.” Sabi ko. Ngumiti naman sya. Di na ako nagsalita. Di rin naman sya nagtanong ulit. 

Maghihintay pa kami ng 30 minutes dahil ngayong araw din namin malalaman ang result para diretso na kami training kapag nakapasa.

“How’s the exam?” Biglang tawag ni Sakura.

“It’s smooth.”

“Alangan! AI ba naman ang katulong mo! HAHA. Ang galing ko nuh?”

“Hindi ko ginamit.” Sagot ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil marami ang tao ngayon dito. Kanina pa din nakatitig si Raven sa’kin, palagay ko ay balak nyang ituon sa’kin ang paningin sa loob ng kalahating oras na paghihintay sa result. Di ko nalang sya pinansin.

“What? You’re kidding, right? Nahuli ka ba?”

“No. Easy lang ang mga questions. Nag-study kami kagabi.”

Weeh? Ikaw? Mag-study? HAHAHAHAHA. Wag mo nga akong niloloko dyan! Ang alam mo lang naman ay mission – mission, wala kang pake sa ibang bagay! HAHAHAHA.” 

“Pag nakapasa ako ngayon dito, akin na ang isa sa mga precious invention mo.” Seryosong sabi ko. Natahimik naman sya.

“OH EEM GHEEE! Talagang seryoso ka nga! HAHAHA. Alright! I’ll give you one of my eagle eye spectre. It’s untraceable. Kahit anong pan-detect ang gamitin for trackers ay hindi nila ito ma-dedetect. Maliit lang din ito katulad ng mata ng eagle. Hindi rin ito basta-basta matutuka ng mga lumilipad na ibon dahil makukuryente sila nito. Ito ang ginagamit ko para makita ang nangyayari sa ground from aerial viewing.” Paliwanag nya.

Sounds good.

“Alright.” Sabi ko.

============

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon