"Dad?" Tawag ni Raven sa Daddy nya.
"Son, nandito ka na pala?" Napatingin sya sa katawan ni Raven na puno ng bite marks. Ngumisi sya. Hindi nalang iyon tinanong ni Tito Ralph dahil alam kong alam nya na kung sino ang may gawa nun sa anak nya.
"Hmm.. di na kasi sya bumalik kaya pinuntahan ko na sya dito. By the way, Dad, she's my girlfriend and my future wife, Queenie." Pakilala nya sa'kin sa Daddy nya.
"Ow! About that... Nakilala ko na sya. And also nagkausap na kami ng girlfriend mo." Kinindatan naman ako ng Daddy nya na para bang sinasabing sakyan ko lang lahat ng mga sasabihin nya. Tumango naman ako.
"Anong pinag-usapan nyo?" Curious na tanong ni Raven.
"Pinapili ko sya between you and yogurt. Pinili nya ang yogurt."
"Queenie?" Nagtatakang tanong ni Raven sa'kin. Nakakunot na rin ang noo nya.
"Yes. You heard your Dad right. May libreng yogurt ako everyday, unlimited. Kapalit nun ay layuan ka." Walang emosyong sabi ko.
"What the fuck! Kayang-kaya kitang bilhan ng yogurt kahit saan, kahit kailan! Kahit mag-franchise pa ako ng isa sa mga factory nila mapagbigyan ka lang araw-araw! Gagawin ko yun para sayo, Queenie! Pero yung iiwan mo ako dahil lang dun? Queenie naman, hindi na tayo mga bata! Talagang ipagpapalit mo ako sa yogurt na yan?" Galit na tanong sa'kin ni Raven.
Magaling na yata akong umarte...
Napatingin ako sa Daddy nya. Feeling ko sumobra yata yung biro namin.
"Raven!" Tawag ni Tito Ralph sa anak.
"Shut up, Dad! If you can't accept Queenie as my wife, I'll bring her with me to elope and leave the company!"
That's the 6th times na tinawag nya ang pangalan ko.
"Raven! Relax! We're just pulling a prank, Son."
"It's not even funny." Kumalma ang boses nya pero salubong parin ang kilay nya. Naupo sya sa tabi ko.
"Nga pala, son, may sinend akong record sa convo namin. Pakinggan mo nalang later. Akyat muna ako sa library room." Paalam ng Dad nya.
Uy bakit ako yung naiwan para ayusin ang kalat mo, Tito Ralph?
Tumango lang si Raven. Umakyat na nga si Tito Ralph.
Tahimik lang kaming dalawa. Hindi parin sya nagsasalita. Salubong parin ang kilay nya.
"Galit ka ba?" Paunang tanong ko.
"Hindi." Pero bakas ang galit sa boses nya.
Nagtatampo ba sya o tinotopak?
Tumayo ako at akmang aalis.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya.
"Aalis. Mukha kasing galit ka."
"Tss!" Hinigit nya ang kamay ko at pinaupo sa lap nya. Niyakap nya din ako. Nakasubsob ang mukha nya sa may dibdib ko.
Marahil ay naririnig nya rin ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa posisyon namin ngayon.
"G-galit ka parin ba?" Utal na tanong ko. Umiling naman sya habang ang mukha'y nakasubsob parin sa dibdib ko. Napasinghap ako dahil sa ginawa nya. Kung wala lang akong damit, it's like his digging my cleavage. Nararamdaman ko rin ang mainit na hininga nya.
"B-babe... Look at me..." Hindi sya tumingin sa'kin. "Titingin ka o ibabalibag kita?" Banta ko. Dun naman sya napatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...