CHAPTER 51: WAKAS

5K 135 13
                                    

It’s been three weeks simula nung umuwi kami from our Team Building. Nagkausap na din si Tito Ralph at ang parents ko. Nagkasundo na din sila lalo’t pare-pareho ang mga ito na nag-aabang ng apo.

Lunes ngayon at absent ako sa trabaho. Hindi alam nila Mom and Dad pati ni Rye na masama ang pakiramdam ko. Maaga pa kasi silang umalis para maihatid si Rye sa School, maidaan nila papuntang trabaho.

Napaka-imposible man sa’kin na ayawan ang yogurt ay nangyari nga ito. Kumain ako kanina ng yogurt pero naduwal lang ako. Hindi ko na yun pinaalam pa kay Rye.

Mahina ang katawan ko ngayon gawa nga na naisuka ko ang mga kinain ko kaninang umaga. Kanina pa din tumatawag si Raven.

Ewan ko ba pero ayoko ring makipag-usap ngayon. Kahit ultimo pagsasalita naiinis ako. Lalo na pag napakarami ang tanong.

Wala naman akong lagnat o anu, pero iba ang timpla ko ngayon.

Narinig ko namang may bumusinang kotse sa labas. Hindi ko iyon pinansin dahil mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko din ay matutumba ako sa hilo kapag tumayo ako mula sa pagkakahiga.

Sunod naman na narinig ko ay ang doorbell. Hinayaan ko lang din yun hanggang sa tumigil.

The next thing I knew ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hinihingal naman at puno ng pag-aalala ang tumambad ngayon sa’kin na mukha ni Raven. Nakasuot sya ng suit, halatang galing sya sa trabaho.

“You okay? You’re not answering my phone calls... may masakit ba sayo?” Nag-aalala at malambing na tanong nya.

“Wala ako sa mood.” Walang emosyong sabi ko saka nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama ko.

“May problema ba tayo, Babe?” Malambing parin na tanong nya.

“Wala.”

“Gusto mo ba ng yogurt? May dala ako sa kotse.” Tanong nya. Umiling ako. “Meron ka ba ngayon, babe?”

“Wala nga sabi eh! Ang kulit!” Naiiritang sabi ko.

“This is not like you Queenie.” Mahinahon parin ang boses nya.

“I don’t care! Kung gusto mong manatili dito wag mo akong kausapin, wag mo akong kulitin!”

Di ko talaga alam kung saan galing ang topak ko ngayon..

Ayoko naman talagang awayin si Raven. Sadyang naiirita lang talaga ako sa mga tanong nya. I mean nakakairita yung mga tanong na kailangan pang sagutin.

Ah basta!

Hindi naman ako galit kay Raven.

“Alright. Maghihintay ako dito hanggang sa maging handa ka ng sabihin ang problema natin.” Malambing na sabi nya. Hindi na sya ulit nagtanong. Pero alam kong nakaupo parin sya sa gilid ng kama ko.

Medyo kumalma naman ako. Kinuha ko ang nakatalukbong na kumot sa’kin. Nakita ko syang nag-aalala ang mga mata habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Nakikita ko sa mga mata nya na marami syang katanungan. Pero nanatili syang tahimik at hinihintay lang akong magsalita.

Nakabukas ang bintana ko at hindi nakatakas sa’kin ang amoy ng nasusunog na goma. Palagay ko ay nagsusunog na naman ang kapitbahay namin ng basura.

Damn! I don’t fucking like the smell..

“Raven, pakisara nga ng bintana.” Utos ko sa kanya. Agad nya naman akong sinunod.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon