CHAPTER 37

3.4K 138 2
                                    

KINABUKASAN...

Dahil staff meeting lang naman, no need to wear uniforms. Okay na din yung casuals. Nagsuot lang ako ng White shirt, black skinny jeans, and white converse shoes.

"Ate, may lakad ka?" Tanong ni Rye.

"Yup. Staff meeting namin." Sabi ko.

"Okay. Take care po." Sabi nya habang may nilalaro sa PSP.

Lumabas na ako ng bahay. May meeting din kasi si Mom and the Teachers. Tapos si Daddy naman nasa room nila, nagbabasa siguro.

Ginamit ko ang motor ko ngayon. Mabilis naman akong nagpatakbo nung ma-start ko na ang engine.

Mabuti at 5 minutes lang ang byahe from home to my workplace kapag motor ang gamit ko. Kapag car naman ay umaabot ng 20 minutes dahil sa traffic.

May garage area naman ang tower sa ilalim. Nakita ko naman sila Darah na kalalabas lang din ng car kasama si Kristoff. Naka-casuals lang din sila.

Dun na ako sa tabi ng car nila nag-park. Nakita nila ako.

"Wow! Queenie! Ang astig mo parin!" Salubong ni Darah sa'kin pagkatapos kung tanggalin ang helmet.

"Thanks." Sabi ko. "Magkasama kayo? Kayo na ba?" Prangkang tanong ko.

"Hehe. Yup. 1 year na din kami." Pag-amin ni Kristoff.

May dumating naman na car. Nakita kong lumabas si Kenji. May pinagbuksan sya at nakita ko si Cassie.

Eh? Hmm... Ambilis ni Kenji ah?

"Ate Queenie!" Sigaw ni Cassie nung makita ako. Tumakbo naman kaagad sya papunta sa'kin. Sabado naman ngayon kaya wala syang practice. Graduating na kasi sila.

Pagkalapit nya sa'kin ay mabilis nya akong niyakap.

"Parang hindi tayo nagkita ng sampung taon?"

"Alangan! Namiss kaya kita!" Sabi nya.

Nag-uusap kami nung biglang dumating si Lex. Nakasakay sa kotse ni Jordan. Mukhang magkaayos na sila. Sunod naman na dumating ay ang mga empleyado mula sa ibang Department. Lastly, ang pinaka-mamahaling kotse ni Raven. Pagka-garahe nya sa sasakyan ay pinagbuksan nya naman kaagad si Jaiza na nakasakay sa passenger's seat. Nakahalter jumpshort sya na pinaresan ng pump. I like her sense of fashion.

Si Raven naman ay nakasuot ng simpleng polo at tinupi ang sleeve hanggang siko. Nakasuot din ng faded jeans.

"Dre' kailan ulit ang inuman?" Tanong ni Kenji. Nakaakbay na sya kay Cassie.

"Siguro pag may time. How about tonight?" Suhestyon ni Raven.

"How about after the meeting?" Kenji suggested.

"Game." Sagot nya.

"Sasama ka, Queenie?" Tanong ni Kristoff.

"Pass muna ako." Sagot ko.

Matutulog muna ako.

"Ngayon lang naman!" Reklamo ni Darah.

"Sasama sya! Sa ayaw at sa gusto nya ay sasama sya." Sabat bigla ni Lex.

Sino ba ang ako dito?

-,-

"Alright! Sama na din kayo, Lex!" Yaya ni Darah. Tumango naman si Jordan at Lex.

So ako lang ang walang partner? -.-

===============

Nagsipasok na din kami sa loob. May conference room naman sa 5th floor kaya dun na kami pumwesto. Pinag-usapan lang ang tungkol sa business, later on nagkasundo na din for team building.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon