“Nakahanda akong saluhin ka kung gusto mo.”
“Hindi ako nahuhulog para saluhin mo. Matagal na akong nahulog.”
“Edi pupulutin kita!” Agarang sabi nya.
“Wala akong balak pumasok pa sa mga relasyon. Kahit mamatay akong single ay ayos lang sa’kin.”
“Kahit gawin mo lang akong pampaselos.”
“Pasensya pero, tama na.” Sabi ko sabay ngiti. “Please, gusto ko ng umupo.” Pagyaya ko. Wala naman syang nagawa.
Napansin nya ang benda sa kamay ko.
“What happened to this?”
“May sinuntok lang ako.”
“Ambrutal mo pala! HAHA.” Tawa nya.
Di ko nalang sya pinansin. Bigla namang namatay ang ilaw. May naramdaman naman akong nagtakbuhan.
Pagbukas ng ilaw ulit ay nakita kong may nakatutok ng baril sa sentido ng babaeng tinulungan ako sa banyo kanina.
Pagtingin ko naman sa paligid ay may mga damit na nagkakalat sa sahig. Nakita ko ring nakapalibot ang mga nakaitim na tao at may takip ang mga mukha.
An undercover agents.
“Nice seeing you again, Lerman!” Sabi nung boses babae na may hawak sa hostage.
Kinuha nya ang hoody at mask. Tumambad nga ang isang babae. Naka-eye liner ito.
“Dessabeth?” Tawag ni Lerman sa babae.
“Nasorpresa ba kita? HAHAHA. Like I’d let you have a happy life after breaking up with me. After messing up my life! You womanizer jerk!” Sigaw ng babae. Nakita ko namang napaiyak na ang babaeng tinulungan ako kanina sa banyo.
Batid kong ito ang dating fiancee ni Lerman.
“And you!” Turo ng babae sa’kin. “I’m gonna kill you.” Banta nya. Nagsimula namang magpanic sa loob lalo’t nagpaputok sya ng baril sa itaas.
Humarang sa harap ko si Lerman.
“Wag mo syang idadamay. Wala syang kasalanan!” He said, depending me. May napansin naman akong lumapit sa gilid ko.
I saw Raven na para bang masama ang timpla.
Pero hindi iyon ang ikinababahala ko lalo’t umiiyak na ngayon sa takot ang babae-sa-banyo.
Tinaas ko ang kamay ko. Napansin naman yun ni Dessabeth.
“What?” Asik nya.
“Ayos lang ba kung ako ang gawin mong hostage at pakawalan mo sya?”
“Minamaliit mo ba ako?”
“Hindi. Gusto ko lang makipagpalit ng pwesto sa hostage mo. Sa akin ka naman galit diba?” Sabi ko. Napaisip naman sya.
“Osge! Dalhin nyo sya sa’kin.” Utos nya sa mga alagad nya.
“No! Queenie!” Saway ni Lerman. “Raven, wala ka bang gagawin?” Tanong naman ni Lerman kay Raven.
“She can pulled it off. Total ay mahilig naman syang isakripisyo ang sarili nya para sa kapakanan ng iba. Wala syang tiwala sa’tin kaya para saan pa kung tutulungan ko sya?” Mariing sabi nya. Halatang galit parin sa’kin.
Ouch!
“I’ll be fine, Lerman. Dapat ay sa ex-fiancee mo ikaw mag-alala at hindi sa’kin.”
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...