CHAPTER 22

4K 135 0
                                    

AAAAAHHHHHH!!!” Rinig kong sigaw ng boses ni Cassie na para bang nasasaktan sya. Papalapit kami ng papalapit sa boses. Tumakbo ako ng mas mabilis.

Nung matanaw ang anim na malalaking lalake ay nakita ko namang wala ng saplot pang-itaas si Cassie maliban lang sa bra nya.

Hawak ng isang lalake ang dalawang kamay nya. Yung isa naman ay pinapaso ang likod ni Cassie ng sigarilyo.

Yung apat naman ay nagtatawanan lang at tuwang-tuwa sa nakikita. Napatingin ako kay Raven.

“Where’s your bag?” Tanong ko.

“I left it to Kenji. Pero dinala ko ang mga ‘to.” Sabi nya sabay pakita sa’kin sa kutsilyong kinuha ko kanina sa kusina. Hinayaan ko naman syang gamitin ang dalang baseball bat.

Pumulot ako ng bato. Inasinta ko ang lalakeng pinapaso ang likod ni Cassie.

“ARAY! TANGINA! SINONG NAMBATO?” Galit na asik nya sabay tingin sa apat. Sya siguro ang leader lalo’t takot sa kanya ang mga kasamahan. 

“Hindi kami!”

Tumawa naman si Cassie.

“HAHAHAHA! Palagay ko ay nandyan na ang sundo nyo.”

“Manahimik ka!” Sigaw nung lalakeng binato ko saka nya sinampal si Cassie.

Kumuha ulit ako ng dalawang bato. Sabay na pinatamaan ang ulo ng dalawang lalakeng nakahawak at sumampal kay Cassie.

POTANGINA! LUMABAS KAYONG HINAYUPAK KAYO! KUNG GUSTO NYONG LUMABAN NG PATAS! WAG KAYONG DUWAG!”

Lumabas naman akong pumapalakpak dahil sa sinabi nya. Hindi ko na muna pinalabas si Raven. Tinago ko din ang kutsilyo sa likod ko.

“Aba! Mas maganda ang lumabas! Mas masarap!” Sabi nung leader nila.

“Lumaban ng patas? Yun ba ang narinig ko? Sa nakikita ko kasi, isang babae pinagtutulungan nyo, di ko mahanap dyan ang patas na sinasabi mo.”

“Mukhang matapang! Gusto ko ‘to! Kaibigan ba kayo?” Tanong nung leader.

“Wala ako dito ngayon kung magkaaway kami.” Sarkastikong tugon ko without an emotion.

“Masyado kang pilosopo. Baka nakakalimutan mong mas marami parin kami sayo.” Pagyayabang na sabi nito.

“Hindi ako ganun kabobo para akalaing mas marami ang isa kesa sa anim. Pero napakabobo mo para isiping porket babae ako at mag-isa ay hindi ko na kayo kayang talunin.”

“HAHAHAHAHAHA! Pagbibigyan kita. Isa-isa lang ang susugod sayo. Para naman hindi yun unfair sayo!” Sabi nya.

Good!

Monmon, ikaw muna mauna.” Sabi nung leader nila.

Napangisi naman yung monmon tsaka sinugod ako. Susuntukin nya na sana ako sa tiyan nung mabilis kong ginamit ang whirlwind kick ko. Pataas akong nagpaikot-ikot sa ere tsaka sinipa sya sa leeg nya bago pa dumapo sa’kin ang kamao nya.

Dahil buong pwersa ang gamit ko kaya mabilis syang nakatulog. Nakadapa ito ngayon dahil tumilapon sya sa lakas ng sipa ko.

Kinuha ko ang kutsilyo sa likod. Minarkahan ko ng ‘Q’ ang mukha ng lalake.

“Ang simbolong yan!” Gulat at takot na turan nung isa. “P-pasensya na boss pero h-hindi ko sya kayang talunin!” Sabi naman nung isang lalake na sinenyasan ng leader na sya na ang sunod na susugod.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon