Kanina pa ako nagtataka sa ikinikilos ni Raven. Pagkatapos ng game nila ay dumiretso naman kami sa soccer field. Kagaya parin ng kanina ay hindi nya ako pinapansin. Sa tuwing magtatangka akong kausapin sya parang umiiwas sya sa’kin.
At mas lalo namang sumasakit ang dibdib ko. Mukhang kailangan ko na yatang magpatingin ngayon sa infirmary.
“Darah..” Tawag ko sa kanya. Nagulat naman sya.
“Bakit?” Takang tanong nya. Marahil ay hindi pa sya sanay na ako yung nauunang magsalita.
“I’ll go to the Infirmary.” Paalam ko.
“Anong gagawin mo dun? I’ll go with you.” Sabi nya.
“No. Stay here. Baka hanapin ako ni Raven, walang magsasabi sa kanya kung nasaan ako.”
Nagulat naman sya sa tinuran ko. Agad naman syang nakabawi sa gulat saka nakakalokong ngumisi.
“Ano nga palang gagawin mo dun?” Tanong nya.
“Check-up.”
“May masakit ba sayo?”
“Yung puso ko.”
“Pfft---. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. You’re just joking, right?” Hagalpak nya ng tawa. Di ko maintindihan kung bakit sya tumawa gayong masakit ang puso ko.
“Hindi ako nagbibiro.” Seryosong sabi ko. Napatigil naman sya.
“Hindi ka ba nahihirapang huminga?” Tanong nya. Umiling naman ako.
Hindi ako nahihirapang huminga. Sadyang sumasakit lang sya.
“Oh sya sige na! Pumunta ka na dun. Ako na bahala dito kapag hanapin ka.” Sabi nya. Tumango naman ako at nag-umpisa ng maglakad papunta sa clinic.
Nakita ko namang walang ibang tao dun kundi yung School Doctor lang.
Lumapit ako sa kanya ng hindi nya ako napapansin.
“Doc.”
“Susmaryusep! Nakakagulat ka naman, Iha!” Gulat na sabi nya.
Nabasa ko sa manga na kapag ang lalake seryosong nakatingin sa phone tapos walang ibang tao kundi sya lang, then nagulat nung bigla mong tinawag, isa lang ang ibig sabihin nun.
“Nanonood kayo ng porn?” Walang emosyong tanong ko. Napatayo sya sa gulat at mabilis na in-exit kung ano man ang pinapanood nya.
Nakita ko naman ang pag-iwas nya ng tingin at ang embarassment sa mukha.
Kumpirmado.
“A-anong kailangan mo, Iha?” Utal na tanong nya.
“Check-up.” Sagot ko.
“Ano bang masakit sayo?” Tanong nya.
“Here.” Turo ko sa chest ko.
“Maupo ka, Iha. May medical record ka ba regarding heart failures?”
“Wala.”
“Nahihirapan ka bang huminga?” Tanong nya ulit. Ngunit umiling lang ako. “Asthma?” Umiling ulit ako.
“May boyfriend?” Tanong nya.
“Meron.”
“First boyfriend?” Tanong nya. Tumango ako. “Ngayon mo lang ba naranasan yan?” Dagdag na tanong nya.
BINABASA MO ANG
THE LENIENT ASSASSIN
Action@PIONEERING IN SAFETY PROTECTION AGENCY (PSPA) "I want your elite assassin to protect my son. I'll pay you triple, just lend me your ace." "No worries, Sir. We'll process her transfer at your school as soon as possible." - Manager of PSPA ...