CHAPTER 30

3.5K 103 1
                                    

QUEENIE POV

“Ate Queenie! May mabilis na lalake pong paparating sa direksyon nyo. Nagmula sya sa third floor. Wala naman po yun kanina. Biglaan lang nagkaroon.”

“May armas?”

“Wala syang armas na dala pero malakas ang murderous intent nya.”

Napalingon ako sa kanilang lahat. Palabas na sana kami ng pangatlong classroom nung marinig ko si Rye na nagsalita.

“Everyone! Manatili kayo dito! Masama ang kutob ko sa paparating!” Sabi ko. Sumunod naman sila at nagsipasok sa loob. Nakita ko si Raven na nasa labas parin.

“Pumasok ka din.”

“Hindi kita iiwan ditong mag-isa habang nakikipagbuno ka.”

“Wag kang lalayo sa’kin.” Pagsuko ko.

“3 seconds...” Sabi ni Rye.

Two..

One..

Nakita ko naman ang mabilis na pagtalon ng lalake pababa mula sa third floor.

“Surprise!” Bungad nya.

“Jasper.” Tawag ko sa pangalan nya.

“Mukhang hindi ka nagulat! Inaasahan mo ba ang pagdating ko?” Nakangising tanong nya.

“Anong kailangan mo?”

“Susundin ko lang ang binigay na mission sa’kin.”

“May kasalanan ka pa sa’kin.”

“Mukhang may nalalaman ka na! May naaalala ka na ba? O baka naman, sinabihan ka ni Sakura?” Tanong nya. Dun naman nag-init ang buong katawan ko.

“Ate Queenie... wag kang magpapadala sa sinasabi nya. Duda ako kung bakit sumugod sya ng walang armas na dala gayong alam nyang ikaw ang makakaharap nya.” Paalala ni Rye sa intercom.

“Naalala ko lang. Pero medyo vague pa. Anong kailangan mo dito? Anong mission ang tinutukoy mo?” Tanong ko.

Hindi sya sumagot. Ngumisi lang sya. Nasabayan ko ang bilis ng pagkilos nya pero hindi ko parin sya naabutan. Nagulat ako nung makitang hawak na ni Raven si Jasper.

“Hoy! Hoy! Mukhang mas magaling pa kesa sayo ang boyfriend mo, Queenie.” Mapang-asar na sabi nito. Napakunot ang noo nya nung mapagmasdang mabuti ang mukha ni Raven. “Oh! Naalala ko na! Ikaw yung ex ni Sierra! HAHAHA Akalain mo ba namang pareho kayong pinaglaruan nya! Hahaha.” Pang-uurat nya.

Mabilis naman akong sumugod para bigyan sya ng malakas na sipa ngunit agad nya itong nasangga. Hindi nya naman nasangga ang suntok ni Raven sa tiyan nya.

Napaubo sya at napaatras.

“Isa din akong Elite. Pero hindi ko kayang talunin kapag dalawang elite na ang kalaban ko.” Sabi nya at tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan si Darah.

Kung ganun ay hindi lang pala ako ang elite sa Agency.

Pero bakit hindi ko man lang sya nakita noon?

“Shit!” Mura ko saka tumakbo ng mabilis. Nakasabay naman sa’kin si Raven.

Paglabas ni Jasper ay nakita kong buhat nya na ang walang malay na si Darah.

Fuck!

Mabilis nyang binasag ang salamin na nasa gilid ng hallway. Dun na sya tumalon palabas ng building kasama si Darah. Ganun din ang ginawa ko. Sumunod naman si Raven.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon