CHAPTER 03

6.1K 185 14
                                    

“What are you doing here, Queenie? Pumunta ka din ba dito para magtapat? Excuse me pero ako ang nauna sa’yo kaya mamaya ka na.” Maarteng sabi nung babaeng kalalabas lang mula sa banyo. Pamilyar sa’kin ang mukha nya. Palagay ko ay kaklase ko sya.

At the age of 22 palipat-lipat ako ng School for my missions. Lagi naman akong irregular kaya kung saan-saang block ako napupunta. Hindi ako matalino katulad ng iba. Good thing at nandyan si Sakura to guide me.

“Hello! Queen? Still there?” And speaking of Sakura. Tumawag ulit sya. Hindi ko na muna sya sinagot at hinarap ang babae.

“You can have him all you want. Now, if you’ll excuse me.” Walang emosyong sagot ko saka naglakad na papuntang banyo. Pumasok ako para kausapin si Sakura.

“Sino yung kausap mo?”

“Wala. Just do something para makalabas na ako dito.” Sabi ko.

“Don’t worry papunta na sa kalapit na building ang ibang comrade para mag-cause ng commotion. It’s your chance to escape kapag umalis na ang mga police dyan.”

“Good. How long will it takes to wait in here?”

“Just wait until 5 minutes, on the way na sila at malapit na din.”

“Alright.” Sagot ko. Hindi na sya nagsalita pa.

Naghintay ako ng 5 minutes bago lumabas ng banyo.

Paglabas ko ay nakita ko si Raven na nakabihis na at ang babae naman ay umiiyak. Palagay ko ay hindi nya ito pinagbigyan ngayon katulad ng rumors na naririnig ko tungkol sa kanya.

Kinuha ko kaagad yung palda at uniform blouse ko saka sinuot yun sa harapan nila.

“Congrats! Kabago-bago mo palang at girlfriend ka na kaagad nya!” Sarkastikong sabi ng babae kahit pa umiiyak.

Wala akong pake kung anong binabalak nyang gawin at sinabi nyang girlfriend nya ako. Total kailangan ko ding mapalapit sa kanya para mas lalo kong matutukan ang pagbabantay sa kanya ay sasakyan ko ang trip nya.

“Kung sasama sya ay ibibigay ko sya sayo.” Walang emosyong sabi ko.

“Queen? All clear! Lumabas na ang lahat ng mga police dyan! Pumunta na sila sa commotion na ginawa ko. May nagsiwalat kasi na nandun yung sniper. It’s your chance to escape.” Balita sa’kin ni Sakura.

“Anyway, I need to go. I told you, right? You can have him.”

“Where do you think you’re going, Queenie? We can’t go outside until tomorrow.” Saway sa’kin ni Raven.

“I need to go. I don’t care about the police, it’s as if may ginawa akong masama sa kanila.” Sagot ko. Napailing naman si Raven. Nagsalubong ang kilay nya saka hinarap yung babae.

“Go out, Shirley! Stay here, Aphrodite!” Sigaw nya. Sinusumpong na naman ang pagiging iritable nya.

Takot na takot naman yung Shirley na lumabas bitbit ang bag nya.

Humarap sa’kin si Raven na nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay.

“What do you think you’re doing? Kapag nakita nya ang bitbit mong mahabang bag ay aakalain nyang ikaw ang hinahanap ng mga police. Which I knew it’s obviously you that they’ve been looking for.”

“Di ko alam ang sinasabi mo.” Pagtatakip ko sa sarili. Tama nga sya dun sa part na kapag nakita ni Shirley ang bag ko ay baka sya pa ang magsuplong sa’kin sa mga police kapag nalaman nyang may hinahanap ang mga ito sa loob ng condominium tower.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon