EPISODE 8: "DI MAIWASANG TINGIN"

62 4 1
                                    

Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
PINKY AMADOR as NAY SELYA

Linggo ng gabi sa kanyang CONDO, pasado alas nwebe.. nakaupong nagpapahinga sa harap ng mesa si DARK kaharap ang laptop niya inaayos niya ang listahan ng mga SALES niya... Pero bukod dun may malalim siyang iniisip..
"Bukas na pala ang unang araw ni GRIO para magtrabaho sa Shop... Alam niya na kaya ang location nito???" Aniya sa sarili .
Naalala nga pala nya na hindi siya nakapag iwan ng contact number o address man lang kay GRIO nung nag usap sila...
Kaya ngbukas sya ng NEW TAB para sa kanyang FACEBOOK account...
"Ahhhmmm baka sa facebook acc. Pede ko syang kausapin... " Naisip niya sa sarili... Pero parang nag aalangan siya pero tinuloy nya pa din hanapin sa search area ang pangalan ni GRIO..

"ALEGRIO CLARIDAD" sambit niya pagkuway itinype niya para isearch... Pero nag aalangan tlga syang pindutin ang search button d kse sya sigurado kung tama ba ang gagawin nya...

" Ok cge na.... Tuloy ko na to.. wla namang masama sa gagawin ko... Cocontakin ko lang naman sya para ipaalam sa knya ang location ng SHOP at tanungin kung anong oras ba sya papasok.." aniya sa sarili sabay buntong hininga...

Pinindot na nya ang search button at tumambad agad sa knya ang profile picture ni GRIO...
buti na lang at wla siyang kapangalan sa social media kaya solong solo syang lumbas ng pindutin ni DARK ang search button...

Napatitig siya sa PROF. PIC ni GRIO...
Pagkuway pumasok na sya sa timeline nito...

Nakita niya ang napakaraming upload cute photos ng binata at halos lahat ng picture ay nkangiti ito...
Nafocus ang atensyon ni DARK sa isa sa mga larawan ni GRIO na nakangiti kaya izinoom nya ito..
Pagkuway tinitigan...
Muli nyang naramdaman n tila hinahatak siya ng mapungay na mata ni GRIO at ang mga ngiti nito sa manipis at mapulang labi... Hindi nya namamalayang ngumingiti na sya...
Ng biglang may tumunog ang celpon nya sa mesa sa tabi ng laptop nya...
Nagulat sya at biglang naalimpungatan...
Dinampot nya ang celpon at tiningnan kung ano ang nagnotify...

Nagtext pla si RAIN..
" BRO... hindi ako makakapunta bukas dyan sa main branch hah. May aasikasuhin kase ako sa branch natin sa batangas.. ikaw na bahala kay GRIO.. ayiehhh!!" wika ni RAIN sa text message na may halong pang aasar pa...

Natatawang umiling si DARK ng mabasa ang text ni RAIN..
" Si RAIN tlga... Kahit kailan.." aniya pagkuway muling bumalik ang tingin sa laptop kung saan nakazoom ang mukha ni GRIO...

bumuntong hininga muli sya..
" Ano ba tong ginagawa ko.. bat ako nagkakaganito ... Ano bang meron kang GRIO ka at nahahatak mo ako??? Hayyysst mali to... Ang gagawin ko lang naman ay maghanap ng contact number sa timeline mo.. pero bat ganito gingawa ko... Hayysst" wika niya sa sarili pagkuway iginalaw niya ang mouse para icheck info sa timeline ni GRIO...
Maswerte si DARK at nkita niya dito ang contact number ni GRIO..

"Ayun nakita ko" aniya sabay dampot muli ng celpon at kinopya ang number..
Pagkatapos ay nag isip sya...
" Magfrefriend request ba ako sa kanya?? " tanong niya sa sarili

Umiling at nag isip sya....
"Hayyysst wag na lang pla... Kaya lng nmn kita sinearch ehhh para maghanap ng contact number mo... Hindi para magfriend request sayo.." aniya habang kinakausap ang profile picture ni GRIO sa laptop... Pagkuway isinarado na niya pataob ang takip ng laptop...

Tumayo siya sa upuan at nag iisip kung tatawagan niya n ba si GRIO..
" CGE na nga tawagan ko na... Sasabihin ko lang naman ung location at anong oras pasok nya tpos...
Wla na... Ganun lang yun..." Aniya

Maya maya pa'y tinawagan niya ito...

Sa kabilang banda habang nakahiga na sa sariling kwarto si GRIO sa kanilang simpleng bahay na yari sa semento at ang bubong ay yero... Sa kabilang silid naman nandun ang kwarto nina ARIES at ng kanilang ina..Tumatabi pa si ARIES sa knyang ina palibhasa babyng baby pa ang turing nila kay ARIES kaya si GRIO lng ang may sariling kwarto sa kanilang dalawang magkapatid...

Biglang nagring ang celpon niya...
" Hah?? Sinong tumatawag.. alas nwebe n nang gabi ahh?? Ani GRIO sabay kuha ng celpon niya sa tabi ng kanyang puting unan..

Tiningnan niya ito at unregistered number ang tumatawag..
"Sino to??" Aniya pagkuway sinagot ang tawag

"Hello !! si GRIO ba to!??" wika ng nsa kabilang linya...

" Ahh opo sir.. sino po to???" Tanong niya...

"Ahhhh GRIO si DARK to"sagot nito...

Nagulat ang reaksyon ni GRIO.. at tumayo mula sa pagkakahiga...
"Ohh DARK ikaw pala... Bakit ka napatawag at saka..... San mo nakuha number ko..." Aniya...

"Ahhh ehhhh.... Ahhhh... Sa facebook hinanap kita.. dun ko nakuha number mo... Nalimutan ko kase iwanan nung isang araw number ko sayo.. kaya sa social media ko na lng kinuha.." paliwanag at tila nahihiyang wika ni DARK..

Napalunok ng laway si GRIO..
" ahhh ganun ba pre... Ahhhh ano nga palang sadya mo..??" Aniya..

"Ahhh kya pala ako tuma .... Tu.... Tumaa...
Ahhhmm sorry .. i mean kya pla ako tumawag para ibigay sau ung info.. at location ng shop para sa pagpasok mo bukas... Para hindi ka n dn maghanap.. baka maligaw ka pa ehhh".. nabubulol at tila nanlalamig ang kamay n wika ni GRIO...

" Ahh oo nga pala nuh.. sige text mo n lng sa kin ung address mamaya.. magcocomute kase ako bukas d nmn pwede ang bisekleta ko sa malayuan... Siguro mga 8 ako marating bukas sa SHOP.." tugon ni GRIO kay DARK...

Napaisip sa kabilang linya si DARK at nagwika...
" Ganito na lang para hindi ka na mag commute...
Susunduin na lang kita sa pwesto nio sa KAKANINAN.." offer ni DARK kay GRIO..

Biglang nahiya si GRIO..
" Naku pre wag na.. magcommute na lng ako. Nakahiya naman sau..." Aniya...

" Wag ka nang tumanggi pre... Unang araw mo sa work kaya dapat susunduin kita pra kahit papano naman ehh maaga kang makarating sa SHOP .. ngayon lang to.. then sa mga susunod na arw ehh magcommute ka na kung gusto mo.."sunod na wika ni DARK...

"Pero.." magsasalita pa sana si GRIO pero..kinontra agad siya ni DARK...

" wala ng pero pero... Basta mga 7:30 am sunduin kita hah.. cge pre gudnyt" paalam na wika ni DARK sabay baba ng celpon .
Wlang nagawa si GRIO kundi sumunod n lng kung ano pinag usapan nila para bukas...

"Bakit ganun sya... Hayyyss ewan ko ba... Pero... Akala ko tlga masma ugali nya ... Hindi naman pala.."
Nakangiti at nagtatakang wika sa sarili ni GRIO...

Habang sa kabilang banda naman ay napabuntong hininga si DARK nang ibaba na nya ang celpon pagkatapos tawagan si GRIO...

Umiiling iling siya sa sarili
"Ano bang nangyayari sayo DARK JUSTINE VERANO..
d ka naman dating ganito... Bakit???
Bakit iba ang nararamdaman ko pag kausap ko ang lalaking iyon bakit parang kinakabahan ako at the same time parang ang galak galak ng kalooban ko"
Aniya sa sarili sabay tapik sa sariling batok...

Itutuloy....

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon