EPISODE 58: "NANGHIHINAYANG"

25 5 1
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
KIRA BALINGER as LIBRA
AC BONIFACIO as PRINCESS

Walang kaalam alam si GRIO na nung araw na yun ay nakaalis na pala si DARK papuntang US..
Tinungo nya ang DARK COFFEE AREA sakay ng taxi sa pag aakalang matatagpuan nya doon ang mahal nya..

At sa kanyang pagdating.. tanging ang mga staff lamang nila ang naroroon...

" JENNY... andyan ba Sir DARK mo?? " Tanong niya sa cashier ....

"Naku Sir GRIO... ilang araw na pong hindi pumapasok si SIR DARK buhat nung nanggaling kayo sa BAGUIO... tanging si MAAM VESTRA at MAAM PRINCESS lang po ang nag aasikaso dito sa ngayon.." tugon ng cashier nila....

"Ahhh ganun ba?? Sige intayin ko na lang si Tita VESTRA .. baka alam niya kung nasaan si DARK...
hindi nya kse sinasagot ang mga tawag at text ko..." Wika muli ni GRIO...

"Sige po Sir..." Tugon muli ng Cashier...

Pagkuway naupo muna sa bakanteng lamesa si GRIO
may iilan ilan pang costumer ang nasa shop palibhasay maaga pa... Kya kokonti pa lang ang nagmemeryenda...

"DARK!!! mahal... Bakit ayaw mo ba sagutin tawag ko???" nangangambang wika niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang phone at nag aabang na baka magresponse ang mahal nyang si DARK...

Ilang oras ding nag intay si GRIO.. at tila nakakaramdam na sya ng pagkainip ... Inaliw nya na lang ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig ng kanta ng NSYNC na THIS I PROMISE YOU...
Yun kase yung themesong nila ni DARK simulat sapul...

Pasado alas dyes na ng biglang sabay sabay dumating ang apat..
Sina MOMMY VESTRA , PRINCESS,DAVIS at RAIN...

nagulat sila ng makita nila si GRIO sa SHOP...

" BRAD??? anong ginagawa mo dito??? " Bating tanong ni DAVIS sabay lapit kay GRIO...

habang malungkot namang nagkatinginan sina MOMMY VESTRA at RAIN.. dahil alam nilang walang kaalam alam si GRIO na nakaalis na pala si DARK...

Pagkuway tumayo mula sa pagkakaupo si GRIO at lumapit kay VESTRA...

"Bakit po magkakasama kayo?? Asan po si DARK..."tanong niya....

Bahagyang natahimik ang apat at pagkuway pinilit ibahin ni RAIN ang usapan...

" Ahhh GRIO.. alam mo magkape muna tayo... Alam ko namiss mo yung specialty natin dito.... Halos isang linggo ka rin kaseng nawala..." Wika ni RAIN....

"Ang tanong ko ang sagutin nyo??? Bakit magkakasama kayo ??? At saka asan si DARK .. gusto ko syang kausapin.. kailangan namin ayusin ang isat isa.. gusto kong malaman nya mahal na mahal ko sya.." nakangiti at tila clueless pa rin si GRIO...

Muliy nagkatinginan ang apat na nakakaalam ng pag alis ni DARK...

"Kuya GRIO... huli ka na.." malungkot na sambit ni PRINCESS..

Tila naguguluhan si GRIO sa sinabi ni PRINCESS..

" HAH??? anong huli na???
Tita VESTRA... ano po bang nangyayare??" Muling naguguluhang tanong ni GRIO sa kanila....

Bumuntong hininga si MOMMY VESTRA at pagkuway sumagot
" kakaalis lang ni DARK.. papuntang US.."

Tila gumuho ang mundo ni GRIO sa narinig...
Nakaramdam sya ng takot... At pangamba...
Tila nadoble yung sakit na nararamdaman nya ngayon...

" Umalis na si DARK... mas ginusto nyang wag ipaalam sayo kase ayaw nyang pahirapan ang kalooban nya bago sya lumipad..." Paliwanag ni RAIN...

Umiiling na hindi makapaniwala si GRIO..
"ANO????Pero hindi nya ako pwedeng iwan... Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin...handa akong pigilan sya ... Ayoko syang mawala..." Naiiyak na ang reaksyong wika niya sa mga ito....

"Anak GRIO.. hiniling ni DARK na wag ipaalam sayo... Kse hindi sya sigurado kung pipigilan mo ba sya o hahayaang lumayo na lang.. kaya nagdesisyo na lang sya na wag kang kausapin..." Paliwanag naman ni VESTRA...

Hindi na nakinig sa mga paliwanag si GRIO agad agad ay tumakbo sya palabas ng SHOP at mabilis pumara ng taxi papuntang airport magbabaka sakali sya n baka maabutan nya pa si DARK at mapigilan nya pa ito....

Habang ang malungkot naman na sina MOMMY VESTRA ay naiwan sa SHOP at tila nakaramdam ng awa kay GRIO....

Habang nasa byahe papuntang airport ay triny pa ring tawagan ni GRIO si DARK pero wla talagang sumasagot at tila nakaoff ang cp ni...
" DARK... ANO BA... WAG KA NAMANG GANYAN... wag mo akong iwanang ganito.... Pliss!!!" Umiiyak na bulong niya sa sarili....
Pagkuway lumingon sya sa bintana sa labas ng kotse saka tumingin sa malayong kalangitan at ilang segundo sa medyo kalayuan sa himpapawid ay may naaninag syang eroplanong tila malayang lumilipad at humahanap ng patutunguhan...

Lalo syang naiyak at nakaramdam ng matinding panghihinayang...
Maya maya ay tumunog ang celpon nya...
Nagtx pala si DAVIS at sinabing

" BRAD... kung plano mong habulin sa Airport si DARK... Ay wag mo ng ituloy.. kase kanina pa syang nakaalis...at sa tingin ko nsa kalaghatian n sya ng byahe... Pero wag kang mag alala.. nangako sya na babalik sya after 6 MONTHS.. kaya mag intay ka lang at ayusin mo ang sarili mo para sa pagbabalik nya...
Im sorry Brad... Pero Space and Rest lang muna ang kailangan niyo ngayon" txt ni DAVIS....

Naiiyak na binasa ni GRIO ang txt ng kaibigan nya ramdam nya sa sarili nanghihina sya sa sobrang sakit na hindi nya napigilan ang mahal nya...at pagkuway...

"Manong ibaba nyo na po ako dito... Hindi na po ako tutuloy papuntang airport.." pakiusap niya sa DRIVER ng taxi...

Ibinaba ng DRIVER si GRIO sa isang tulay... Na sa ilalim nitoy may malawak na rumasagasa at mabatong ilog...

Lumakad siyang umiiyak at lumong lumo sa sarili at pagkuway tumigil sya sa gilid ng tulay....
Sinulyap niya ang kabuuang tanawin doon... Napakapayapa ng ilog... At luntian ang mga punong nakapaligid doon...

" DARK KO.... patawarin mo ako.... Hindi kita dapat isinuko...napakalaki kong tanga at nagpadala ako sa pangangamba ko.... Ngayon..sobrang nanghihinayang ako na di kita nakita at napigilan....
Pano na ako ngayon??? Wala ng isang DARK sa umaga na bubungad sa akin....
Isang DARK na katabi ko sa pagtulog...
At isang DARK na mahal na mahal na mahal ko..." Umiiyak na sumamo niya... Kasabay nun ay ang mga luha ng panghihinyang na kusang pumapatak at lumulunod sa knyang puso....

"DARK!!!!!!!! IINTAYIN KITA!!!!! ALAM KO BABALIK KA KAAGAD!!! ALAM KO DI MO AKO MATITIIS....
MAHAL KO..... MAHAL NA MAHAL KO!!!! IINTAYIN KITA !!! AAYUSIN KO ANG SARILI KO PARA SAYO...
AT PANGAKO!!! PAGBALIK MO .... HINDING HINDI NA KITA BIBITAWAN!!!!!!!" malakas na hiyaw ni GRIO sa may tulay na tila lumagong sa kabuuan ng paligid...

Pagkuway bumuntong hininga siya at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. ...

HABANG SA EROPLANO naman...

Malungkot na nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano si DARK at tanging makakapal na ulap lang ang kanyang nakikita na dahilan kaya umaalog ang kanilang sasakyan...

May namuong luha sa kanyang mga mata...
Hindi pa man sya... Nakakarating sa US .. pero mis na mis na nya ang kanyang pamilya...
Lalo na ang GRIO nya na bawat segundoy pumapasok sa kanyang isipan....
" GRIO KO!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!!! PANGAKO.. BABALIK AGAD AKO.... " pabulong niyang wika sa sarili....

itutuloy.....

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon