Episode Casts:JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHURSa mga nakagigimbal na pagsiwalat ng katotohanan .. bakas kay DARK ang pagkalito pero galit ang nangingibabaw sa puso niya..
Gusto niyang iganti ang pagkamatay ng kanyang ama at ang pagdurusang sinapit ng kanyang ina at kapatid sa kamay ni ARTHUR... nabuksan din ang isipan nya na wla tlagang kasalanan sa kanya ang kanyang ina...
Dahil lahat ng nangyari ay si ARTHUR ang may kagagawan... Handang gawin ngayon ni DARK ang lahat para maprotektahan sina Mommy VESTRA at ang kapatid na si PRINCESS....Sa ngayon nagdesisyon muna sya na ihanap ng mas ligtas na lugar sina VESTRA upang mapangalagaan ito habang nagplaplano silang tuluyang kasuhan si ARTHUR para di na makalaya pa....
"DARK... ayos ka lang ba??" Tanong ni GRIO matapos nilang maihatid sa ligtas na lugar ang mag ina...
Bakas pa rin sa emosyon ni DARK ang labis na pagkagalit...
"Mabuti nang hawak natin sa ligtas na lugar sina MOMMY at PRINCESS.. para hindi sila magalaw ni ARTHUR... dahil hindi na ako papayag na may saktan muli sya...." Sambit ni DARK na tila malayo ang sagot sa tanong ni GRIO..Bumuntong hininga si GRIO pagkuway hinawakan ang kamay ng mahal niya...
"Alam ko labis ang nararamdaman mong galit.. pero DARK kung ano man yang iniisip mong pagganti kay ARTHUR... mas mabuti pang hayaan na lang natin ang batas ang magpasya..."wika niya dito...Umiling at wlang reaksyon si DARK...
"Pinatay niya ang DADDY ko.... Hindi sapat na batas lang ang uusig sa kanya... Sisiguraduhin ko na kapag nagkita kami... Ay mawawala na rin sya sa mundong ito..."nagngangalit na wika ni DARK pagkuway may bakas na namumuong luha sa mata...Nakita ni GRIO ang tila wlang pagsidlang galit ng kanyang mahal na patuloy bumabakas sa mukha.nito.. Nasasaktan sya para dito.. pero iniisip niya kung paano nya maiibsan ang lahat ng sama ng loob na kanina lang ay tuluyang nabawasan sapagkat nalaman na nito ang totoo kay VESTRA ngunit muli namang sumiklab dahil sa mga pasabog na isiniwalat ng mga ito tungkol kay ARTHUR....
"MAhal ... Anuman ang mangyari... Nandito lang ako... Kakampi mo ako... Sabay tayong lalaban at poprotekta sa pamilya natin..."sambit ni GRIO...Nilingon ni DARK si GRIO... At tila sa mga sandaling iyon ay ramdam niyang nawawala ang lahat ng sama ng loob niya sa tuwing icocomfort siya nito...
Nakangiting hinawakan niya ang mukha ni GRIO...pagkuway bumuntong hininga siya..
"Ang gaan na nang pakiramdam ko mahal... Dahil nandyan... Pakiramdam ko kaya ko ng harapin ang lahat...basta kasama kita GRIO ko..."wika niya.."Kaya natin to DARK ko... Pasasaan pat mabibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ng DADDY mo..." Sambit naman ni GRIO...
Sa mga hamong dumarating sa buhay nila... Paano magbabago ang takbo ng kanilang buhay... Makawala pa kaya sila sa nagbabadyang panganib sa kamay ni ARTHUR????
Habang sa BRANCH 2 tila wlang imikin sina DAVIS at RAIN dahil sa hindi nila pagkakaunawaan nang huli silang nag usap...
Gustong gusto ng kausapin ni DAVIS si RAIN na abalang nakatutok sa laptop nito..."Ahhhhmm RAIN..." pasimpleng paramdam niya...
Pero tila wlang naririnig si RAIN at patuloy pa rin sa gingawa..."Hui... RAIN.... wag ka namang ganyan ... D ako sanay na hindi tayo nag uusap...."paramdam muli ni DAVIS...
"Ano ba kaseng sasabihin mo??? Sabihin mo na at busy ako.." tugon ni RAIN na hindi magawang lingunin ang katabing si DAVIS...
"Ehhh kase naman... Hindi mo ako kinakausap??? " sagot ni DAVIS...
" Kakausapin lang kita ...kapag kaya mo nang sagutin yung tanong ko.. kung ano bang meron sa ating dalawa???" Wika muli ni RAIN na patuloy sa ginagawa..
"Ok... Ok.. sige... Para matahimikin ka na.. sasagutin ko na... Hayyyystttt... Kung hindi ka lang mahalaga sa kin ... Di ko gagawin ito.." wika ni DAVIS na napakamot sa ulo...
Napatigil sa gingawa si RAIN at pagkuway nilingon ito...
"Anong ibig sabihin mong mahalga ako sayo???" Aniya...Bumuntong hininga si DAVIS...
"OO.... mahalaga ka sa kin... Kulang ang araw ko pag hindi tayo nagbibiruan... Hindi ako masaya pag hindi kita nakukulit o nakakasama... Siguro nga baka.... Ganun din yung naramdaman ni GRIO kay DARK kaya sya nahulog dito.... " Pag amin ni DAVIS...Tila nagdulot ito ng matinding kasiyahan sa puso ni RAIN...
" Talaga ba???? DAVIS.... Sabihin mo ano pa???? Plis.... " Wika niya...."Oo na... Nahuhulog ako sayo..
Oo na kailangan kita sa buhay ko....
At oo na mukhang nahawa na rin ako sa team DARIO na magmahal ng walang pinipiling kasarian. Ganun yun..." Bulgar ng malakas ang loob na si DAVIS...sa sobrang saya ni RAIN sa narinig ay agad niyang niyakap si DAVIS...
"DAVIS. ... hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa mga sinabi mo.. gusto rin kita DAVIS... gustong gusto..." Wika ni RAIN...Nakaramdam din ng saya si DAVIS sa narinig...
Kaya niyakap niya rin ito...
"Oo... Gusto na rin kita RAIN.. hindi ko lang alam kung paano ihahandle itong ganitong bagay.. kase hindi pa ako nkakawala sa mga biro ng ating pinagsamahan.. "sagot ni DAVIS....." Panahon na para ang mga birong namamagitan sa atin ay gawin nating totoo DAVIS.... kaya natin to.... Basta magkasama tayo.." tugon ni RAIN
Mula sa biruan.. dalawang puso muli ang nagtagpo para ang mapagbirong pag ibig ay gawing katotohanan...
SA KULUNGAN,
" Rambo... Kamusta yung pinapagawa ko sayong matyagan mo ang mag ina kong sina PRINCESS at VESTRA??" tanong ng nakakulong sa loob ng rehas na si ARTHUR sa kanyang tauhan na nasa labas nito...
"Mukhang nakausap na po nila yung DARK... At sa tingin ko BOSS.. alam na nung DARK yung totoo....hindi ko na lang sila nasundan kanina dahil mabilis agad silang nawala sa paningin ko .. pero sa tingin ko BOSS.. mukhang itinago nila sa ligtas na lugar sina Maam VESTRA at PRINCESS.." sagot ni RAMBO ang utusan ni ARTHUR...
"Tlaga ba??? Hahaha kahit anong gawin nilang pagtakas sa akin ay hindi nila ako matatakasan... Dahil saan man silang lupalop magtago.. ay hahanapin ko sila.. kaya sa paglabas ko dito.. uunahin kong patahimikin yang DARK na yan... Dahil akin lang ang mag ina ko... Mabubuo ulit kami... Pinapangako ko..." Matapang na sambit ni ARTHUR habang nakakapit sa bakal ng rehas...
"Wag kayong mag alala BOSS konting panahon na lang makakalaya na kayo... Malapit nang mabasura ang kaso niyo...tiis lang BOSS.. "sambit ni RAMBO...
Malademonyong ngumiti si ARTHUR at tumugon...
"Hahhaha.... Good JOB RAMBO...hindi talaga nila ako kaya.... Excited na ako... At sa paglabas ko...Liligaligin ko sila....at kung sino mang humadlang patatahimikin ko... Kaya DARK JUSTIN MONTERO.. na anak ng walang kwentang si JUSTINO MONTERO.. malapit na kayong magsama sa impyerno paglalagyan niyo...... hahhaahah..." Anito....Itutuloy......
BINABASA MO ANG
THIS I PROMISE YOU (Completed)
RomansJL TORELIZA- is DARK JUSTINE MONTERO or DARK isang taong lumaki sa mundong puno ng kasinungalingan buong buhay pakiramdam nya lahat ng taong mahal nya ay hindi totoo sa kanya.Sya rin ay nagmamay ari ng sikat na DARK COFFEE AREA isang Coffee Shop na...