EPISODE 25: "ANG SAKIT NG NAKARAAN"

44 5 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS (DARK's STEPSISTER)
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as MOMMY VESTRA

Linggo, Araw ng pahinga sa trabaho ng mga empleyado.. kya naman pati ang DARK COFFEE AREA
ay sarado din ng mga araw na iyon...
Maagang sinundo ni DARK si GRIO sa bahay nito...

Pagkuway dinala sa isang lugar na hindi pamilyar kay GRIO..

"Bakit andito tayo sa sementeryo DARK??? may lihim ka bang palasyo dito...???" Takang tanong ni GRIO habang naglalakad sila papasok sa isang sementeryo

Hinawakan ni DARK ang kamay nito at pagkuway holding hands sila habang naglalakad... Ang daming puntod ang kanilang nadaanan at halatang laging nalilinisan ang mga ito dahil maaliwalas iyon kung titingnan.

"Basta sumama ka lang sa akin GRIO ko... May ipapakilala lang ako sayo.." pamysteryong tugon ni DARK...

"Hah?? Pero bakit dito mo pa sa sementeryo piniling makipagmeet sa kanya...??" Hindi talaga maiwasang magtaka ni GRIO..

MAYA MAYA ay tumigil sila  sa tapat ng isang puntod... Pagkuway dinukot ni DARK ang isang mamahaling kandila n nakalagay sa bulsa ng dala nitong itim na bag...

"Andito na tayo mahal..." wika ni DARK...

Napatingin si GRIO sa lapida sa kanilang paanan at pagkuway binasa niya ang pangalan ng namayapang nakalibing doon..

"JUSTINO GONZALES MONTERO???" sambit na wika ni GRIO ng mabasa ito.. pagkuway lumingon sa katabing si DARK.. "siya ba ang DADDY mo??" Pasunod na tanong niya...

Maya maya ay biglang nagbago ang emosyon ni DARK tila nagdulot ng lungkot sa kanyang puso ang pagbisita sa puntod ng DADDY nya... Sinindihan niya ang kandila at inilapag sa lapida ng puntod..

"Dad!! Kumusta ka na dyan....??? Hindi na ako nagdala ng bulaklak kase alam kong ayaw mo ng bulaklak simulat sapul palang... Alam ko kseng allergic ka dun.... Kya nga siguro iniwan ka ni MOMMY dahil hindi mo man lng sya nabigyan ng bulaklak simula  sapul nung niligawan mo sya hanggang sa maging mag asawa na kau... Pero DAD... sana ok ka na dyan!!!" Naiiyak na wika ni DARK sa puntod ng ama...

Nahabag at nakaramdam ng awa si GRIO dito ng makitang ummiiyak na si DARK... hinawakan niya ang kanang kamay nito para iparamdam na nandun lang siya sa tabi ni DARK kahit gaano pa ito kalungkot ngayon...

"Alam mo ba DAD... napatawad na kita sa paglilihim mo sa kin sa totoong estado ng naging relasyon niyo dati ni MOMMY... Kase alam ko.. biktima ka lang din ng panloloko niya...  Alam mo ba DAD??? mis na mis na mis na kita...  Sobrang sakit nga lang at wla ka na....." Umiiyak na wika ni DARK habang nakatingin s puntod ng kanyang ama...

Umihip ang malamig na hangin at tila ba may dumamping aruga sa mga balat nina DARK at GRIO ng mga panahong iyon...

"DARK ... kaya mo yan... Andito lang ako sa tabi mo..." Pagsupporta naman ni GRIO sa tabi nito.. pagkuway hinimas ang likod nito tanda ng pagcomfort niya sa kawawang si DARK...

"Nga pala DAD.. may ipapakilala ako sayo...
Isang tao na nagpakilala sa kin kung sino at ano ako ngayon..... Sya rin yun taong nagpapasaya sa kin ngayon.. mahal ko siya DAD... At alam kong mamahalin mo rin siya dahil mabuti siyang tao...

Ang aking GRIO nga pala Dad!!!" Wika nito pagkuway ipinakilala sa harap ng puntod si GRIO...

Ngumiti si GRIO at kinausap ang namamayapang nilalang sa ilalim ng puntod...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon