EPISODE 48: "SAKRIPISYO"

38 5 4
                                    

Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GJLELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHUR

Nakipag ugnayan si PRINCESS sa kanyang amang si ARTHUR at nagkaroon sila ng usapan na sasama sya dito pero ang kapalit ay hindi na nito guguluhin ang pamilya nya. Sumang ayon naman si ARTHUR sa gusto ng anak niya...kaya  isang gabi habang natutulog ang mga kasama nya sa SAFE HOUSE ay lumabas sya ng bahay para sumama kay ARTHUR na nakaabang lang sa labas ng gate sakay ng isang puting van...

Paglabas ng gate ni PRINCESS agad bumaba ng van si ARTHUR kasama ang tatlo niyang tauhan para lapitan at sunduin ang anak..

"My lovely PRINCESS... Buti naman at sasama ka na sa akin..." Bati ni ARTHUR ng gabing iyon...

Kahit labag sa kalooban ay lumapit si PRINCESS sa ama...
"Basta DAD.. tutupad ka sa usapan na hindi mo na guguluhin pa sina MOMMY at KUYA DARK...at wag mo na ring idamay ang pamilya ni GRIO..." pakiusap niya dito...

Malademonyong ngumiti si ARTHUR...
"OO naman anak... Promise... Basta ngayon ang mahalaga magkakasama na tayo... At mamumuhay tayo sa AMERICA na masaya.."wika ng ama...

Ilang segundo pay lumabas din ng bahay si ARIES... na kanina pa palang binabantayan ang bawat kilos ni PRINCESS dahil nacurious sya sa sinabi nito nung mga nakaraang araw tungkol sa pinaplanong pagsama nito kay ARTHUR para matigil na ang lahat...

"PRINCESS... wag kang sasama sa kanya..."hiyaw ni ARIES sabay kabig kay PRINCESS palapit sa kanya...

"ARIES bat gising ka pa??? Bumalik ka na sa bahay... Hayaan mong gawin ko to para matapos na ang lahat..."sambit naman ni PRINCESS na direktang nakatingin kay ARIES...

Nanlisik ang mata ni ARTHUR...
"Magkapatid nga kayo ni GRIO... parehas pakialamero sa mga plano ko..." Sambit ni ARTHUR...

"DAD.. ako na ang bahala kay ARIES wag nyo syang gagalawin..."pakiusap muli ni PRINCESS sabay tingin sa ama...

"PRINCESS.. nahihibang ka na ba?? Wag kang magpapauto sa tatay mo... Hindi tayo sigurado kung tutupad sya sa usapan..." Pagkumbinse ni ARIES sa dalaga...

Naiinis na bubunot sna ng baril si ARTHUR pero nagpigil ito ng sinulyap sya ni PRINCESS...
"Hayyyysss... Gusto mo palang sumama sa amin hah??? Sige na boys... Damputin din sya...!!! Bwisit !!! Panira ng plano..."sigaw ng demonyo pagkuway inutusan ang tatlong tauhan para dakpin si ARIES at isakay sa van...

"DAD.. wag niyong gawin yan... Bitawan niyo si ARIES..." Hiyaw ni PRINCESS...

Nanlaban si ARIES sa tatlong lalaki kaya.. sinuntok siya ng isa sa mga ito sa sikmura... Bumagsak at nawalan ng malay si ARIES.. pagkuway pinagtulungan ng tatlong tauhan para maisakay sa van..

"Dad!!! Wag niyo syang saktan plis.... Wag niyo syang idamay...."hiyaw ni PRINCESS ng bigla n lamang syang tinakpan ni ARTHUR ng panyong may pampatulog sa ilong pagkuway nawalan na rin sya ng malay at naisakay sa VAN....

"HAYYYYSSSS... bwisit !!!! Pakialamero yang batang yan... Pero ayos lang dahil gagamitin ko syang kapalit ng asawa kong si VESTRA para sumama na rin sa akin... Hahhahaahhahah tingnan ko lang kung may magawa pa yang DARK at GRIO na yan... At pagkatapos... Sabay sabay ko silang papatayin...hahahaahha"demonyong wika ni ARTHUR saka may pagtawa pa ng malakas....

Ilang minuto pay umalis na sa tapat ng SAFE HOUSE ang van na sinasakyan nila dala ang dalawang walang malay na sina ARIES at PRINCESS....

KINABUKASAN...
Mabilis na tinungo nina DARK at GRIO ang Safe HOUSE kasama sina DAVIS at RAIN...
nalaman kase nila kina NAY SELYA at VESTRA na nawawala sina ARIES at PRINCESS...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon