Episode Casts:JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHURSa DARK COFFEE AREA,
Habang may sinisubukang bagong procedure si GRIO sa Kitchen AREA... Balak nya kase muling gumawa ng bagong Special COFFE menu na papangalanan niyang LIGHT and DARK COFFEE...
Kasama niya si JANA na tinutulungan sya sa paghahanda ng mga ingridients nito"Ahhmmm JANA.. anong ginagawa ng SIR DARK mo???" Tanong ni GRIO pagkuway tinikman niya ang kanyang pinaghalo halong obra ng kape...
"Naku Sir GRIO... Busy pa sa loob ng office... Tawagin ko po ba??" Sagot ni JANA...
"Ahhh wag na... Hayaan mo na lng... Wait....sayo ko na lang papatikman ito.. busy pa pala si DARK.." wika ni GRIO..
"AHHHH... Sige SIR.. handa akong tikman kung ano man yan.." tugon ni JANA
"Papatikman ko sayo itong mixture ko ng LIGHT and DARK COFFEE... savihin mo sa kin... Kung yung totoo kung ok ba??? O may mali .... Maliwanag ba yun????" sambit ni GRIO pagkuway kumuha ng kutsara at sumandok ng kape saka ipinatikim kay JANA..
Hindi nila inaasahan na darating si DARK....
Napatigil si DARK sa may pintuan at pinanood lang ang nagaganap...Nanlaki ang mata niya ng makita niyang hawak ni GRIO ang kutsara na nakasupak sa bibig ni JANA...
Pero hindi sya umingli bagkos ay nanatili sya sa labas ng pintuan at pinanood pa kung ano pang magaganap..."Ayyy SIR GRIO... ang sarap .... Perfect!!!!" natutuwang wika ni JANA ng matikman ito pagkuway bigla na lamang hinalikan sa pisngi si GRIO dahil sa dala ng emosyon....
"JANA ?? Bakit mo ginawa iyon???" gulat na tanong ni GRIO...
"Ayyy SIR sorry..... Hindi ko na napigilan sarili ko....
Sir pramis hindi ko kayang pigilan pa yung nararamdaman ko sayo.... Ilang buwan na din tayong magksama dito ... At halos araw araw nahuhulog ako sa iyo...triny ko naman na balewalain tong feelings ko... Pero hindi ko kaya..." bigla na lamang pag amin ni JANA...Nanlaki ang mata ni GRIO sa narinig at tila hindi siya makapagsalita....
"JANA .... Bakit kailangang ako??madami namang iba dyan??? " sambit ni GRIO...Lumapit pa si JANA kay GRIO pagkuway bigla na lamang itong hinalikan sa labi....
Muling nagulat si GRIO at naitulak niya papalayo si JANA...."JANA.. Ano ba??? Wag kang ganyan... Wag kang magpakababa para sa akin.." wika ni GRIO...
Biglang tumagas ang luha ni JANA...
"SIR GRIO.... masama bang mahalin ka??? SIR mahal na kita.... Ayaw mo ba sa akin... Hindi ba ako kagandahan????" umiiyak na wika nito...Nakaramdam ng awa si GRIO kay JANA kya nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat....
"JANA... hindi ka naman mahirap mahalin... Kung ako papipiliin ako?? gugustuhin kong mahulog sa kagaya mo... Kaya lang sa tingin ko hindi ngayon yun ehhh....at hindi rin ako para sayo..." Paliwanag niya sa umiiyak na si JANA...Walang ano anoy bigla na lamang umalis at nagwalk out habang umiiyak ang nasasaktang si JANA kumaripas sya patungo sa pinto at doon nakita niya si DARK na nakatayo at may mga luha sa mata..
Hindi na lang ito pinansin ni JANA bagkus pay umalis ito ng mabilis at lumabas ng SHOP...Napatingin sa may pintuan si GRIO at laking gulat niya ng makita si DARK na nakatayo dito at umaagos ang luha sa mata...
"DARK???" bigkas niya...
Mabilis ring tumalikod si DARK nagtungo pabalik sa office niya....
Hinabol ito ni GRIO papasok sa office pagkuway inilock niya ang pinto para kausapin at paliwanagan si DARK..."DARK kung ano man yung nakita mo... Lahat yun ay dala lang ng emosyon ni JANA..." kinakabahang paliwanag ni GRIO sa nakatalikod na nilalang...
Lumuluha at may sama ng loob na humarap si DARK...
"Dala ng emosyon??? Ehhh hinalikan ka nga nya ehh...." Galit na wika nito..."Nabigla lang yung tao DARK..." sagot ni GRIO...
"Siguro gusto mo rin ano??? kase sabi mo pa nga gugustuhin mo ring mahulog sa kanya..WOW!!!! GRIO!!! ang galing mong magcomfort!!!" nanggagalaiting sambit ni DARK pagkuway napasuntok sa lamesang kaharap...
"Sinabi ko lang yun para gumaan ang loob niya...anong masama dun??? At saka yung halik??? Hindi ko ginusto yun... Kita mo nga nagulat din ako... Bakit ba ganyan ka mag isip????" tila naiinis na ring paliwanag ni GRIO...
"Pwede mo naman sabihin na hindi kayo pwede dahil may mahal ka na!!! Pero di mo ginawa..." gigil ni DARK...
Bumuntong hininga si GRIO...
"Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya yung ganung bagay" aniya...Muling naiyak si DARK
"HAH??????????.... hindi mo kaya???? Hindi mo ba kaya GRIO???? What the fuck???? " Sambit nito..."Oo DARK!!! ... HINDI KO PA KAYANG IPAGSIGAWAN KONG SINO KA SA BUHAY KO!!!! ayokong husgahan nila tayo..." Tumataas na ang tonong wika ni GRIO....
Tila gumuho ang mundo ni DARK sa narinig..
"Bakit ang unfair mo...???? Bakit ako kya kong ipagsigawang mahal kita.. pero pinipigilan mo lang ako.. kung tutuusin matagal ko ng gustong gawin yun... Kaso ikaw ang inaalala ko ... Dahil natatakot ka pa... Nangangamba ka pa..." marahan at may sakit sa pusong sambit ni DARK...." DARK!!!! hindi ko pa kaya... Hindi pa ako handa...." Umiiyak na ring sambit ni GRIO habang nakatingin sa tila nanlulumong si DARK...
"Pano ako??? Pano yung mga pagkakataong gusto kitang ipaglaban ?? kung ikaw mismo yung tumututol sa kalayaan kong ipakita sa lahat na mahal kita....???" Anito... Saka umub-ob sa lamesa at hindi mapigil ang luha...
Sobrang sakit para kay GRIO na makita si DARK na umiiyak pero ang nais lang naman niya ay matutunan ni DARK kung paano kumontrol ng emosyon at intindihin ang kanyang sitwasyon...
"DARK.... Sorry... Kase DUWAG ako.... Siguro.... Hindi yung duwag na gaya ko ang nararapat sayo... Masasaktan ka lang lagi DARK kung ako pa yung mamahalin mo.... Dahil Duwag ako!!!" sobrang sakit sa kaloobang wika ni GRIO dahil mahal na mahal niya si DARK pero mukhang kailangan niyang isuko ito dahil pakiramdam niyay ang UNFAIR na niya sa lalaking mahal niya...Marahan at hindi makapaniwalang tumunghay si DARK pagkuway umiiyak na tiningnan si GRIO...
"What do you mean GRIO... iiwan mo na rin ako...???
GRIO maawa ka naman sa puso ko .... Ilang beses nang nadurog to... Wag mo namang durugin ng husto GRIO ko... Wag ka namang ganyan..." Aniya pag kuway tumayo at niyakap ng mahigpit si GRIO...Hindi nagpakita ng pagtugon ng yakap si GRIO dito...bagkus pay marahan niyang itinulak papalayo si DARK...
" DARK ... saka mo na lang ako mahalin pag..... Kaya ko nang ipagsigawan ka.... Saka mo na lang ako mahalin pag... Hindi na ako unfair sayo.... Kase sa ngayon... Hindi mo deserve ang isang duwag na katulad ko...." masakit na salitang nagpaguho sa puso ni GRIO na sya namang tumabon sa nararmdaman ni DARK..." GRIO... Wag... Wag ngayon plis.... Ayoko na ulit mag isa sa dilim... Ayoko na ulit maranasan yung sakit... Wag ngayon Plis..." Pakiusap ng nagsusumamong si DARK...
Tila hindi na napigilan si GRIO bagkus ay tumalikod ito
"Im sorry DARK... but you dont deserved me..." Sagot nito pagkuway lumakad sa pintuan at lumabas na ng office...Naiwan si DARK na hindi makapaniwala... Gumuho ang mundo nya... At tila mawawalan siya ng pag asa dahil ang nag iisang taong nagsilbing liwanag at ligaya niya ay tila tuluyan nang nilamon sa karimlan...
ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
THIS I PROMISE YOU (Completed)
RomanceJL TORELIZA- is DARK JUSTINE MONTERO or DARK isang taong lumaki sa mundong puno ng kasinungalingan buong buhay pakiramdam nya lahat ng taong mahal nya ay hindi totoo sa kanya.Sya rin ay nagmamay ari ng sikat na DARK COFFEE AREA isang Coffee Shop na...