EPISODE 52: " IKAW LANG"

23 3 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GJLELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA

Magandang umaga ang bumungad sa nagmamahalang GRIO at DARK...
Napakalamig ng temperatura sa BAGUIO at sariwa rin ang hanging sumisimoy sa bukas na bintana ng kwarto nila.. habang nakahiga' t magkayakap ay unang nagising si DARK... Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang GRIO at tila ba langit sa pakiramdam ang dala nito sa kanya.... Pagkuway isang mainit na halik sa labi ang inilapat niya sa labi ng tulog na nilalang.. dooy tuluyang nagising at naalimpungatan si GRIO...

"Magnanakaw..." Birong bati ni GRIO sa kanyang mahal...

Napangiti si DARK at pagkuway mas hinigpitan pa ang yakap sa mahal niya...
" Uyy... Halik lang at puso mo ang ninanakaw ko hah??? Grabe ka naman sa akin.." aniya....

"Asus!!!! Siguro matagal mo na akong ninanakawan ng kiss kapag magkatabi tayong natutulog nuh??
Umamin ka nga??" singhal ni GRIO na nakasimangot...

Ngumiti at pilyong tumugon si DARK..
"hahahahhaha... Hindi kaya???... Grabe ka namn mahal... Hindi ko sasamantalahin ang kahinaan mo pag tulog ka nuh?"

Sa naging tugon ni DARK  ay isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa labi ni GRIO...
"Kung ganun??? Dinaig kita mahal... Kase kapag tulog ka... Doon kita ninanakawan ng maraming kiss...
Alam ko kaseng wala kang laban ehhh... Hahahahh" malakas ang tawang wika ni GRIO dahil siya pala talaga ang totoong magnanakaw ng halik...

Nagulat si DARK sa narinig at napatingin sya ng diretso kay GRIO pagkuway tila piniga niya ito ng yakap...at inalog alog...
"Hayyysst ikaw pala naman mahal yung may matinding pagnanasa sa ting dalawa ehhh... Wala akong kaalam alam na habang natutulog pala ako ehh bantay salakay ka na sa lips ko...." Aniya...

Natatawa si GRIO...
"EHH alam mo nmn sa ting dalawa ikaw yung mahilig manghingi ng kiss... tapos ako mahiyain ako... Kailan ba ako nanghingi ng kiss sayo??? Kaya para makabawi ako... Nagnanakaw na lang ako ng kiss sa tuwing tulog ka..." Paliwanag ni GRIO....

" Dapat nanghingi ka nalang... Alam mo naman na papayag agad ako dahil gusto ko rin yun...." Sagot ni DARK...

" Ayoko nga ... Mas nakakarami kase ako pag nakaw lang...hahahhhaa" biro ni GRIO...

" AHHH ganun??? Sige ka.. mamayang gabi humanda ka.. kase gaganti ako... " pabirong banta naman ni DARK na nakangiti at tila sobrang galak ng kalooban...

" Nakakatakot naman yan... Pero sige ... Tingnan na lang natin mamaya kung sino ang unang makakatulog hahhaahaah.." nakangiting panghahamon ni GRIO dito.....

Kulitan at asaran agad ang naging bungad sa umaga ng dalawa.. na tila ba mga batang nag aasaran pero walang nagaganap na kahit konting pikunan..

Habang sa DARK COFFEE AREA...
" DAVIS..." unang bungad na tawag ni RAIN sa mahal niya...

Nagulat at tila nasurprise si DAVIS sa pagbisita sa kanya ni RAIN... Ilang araw na kase silang di nagkikita dahil sa busy schedule nila sa magkaibang branch ng shop nila...

"RAIN..." gulat na wika ni DAVIS pagkuway mabilis na lumapit kay RAIN at yumakap "akala ko ba sa isang araw ka pa pupunta dito???" Sunod na tanong niya pagkakalas sa yakap...

"Hindi ko na kase kayang hindi ka pa makita ng ilang araw pa... Hindi kase sapat yung sa tawag lang tayo nagkakausap .. gusto ko makita ka.." nakangiting tugon ni RAIN pagkuway pinisil ang pisngi ng kanyang mahal na si DAVIS...

Hinila ni DAVIS palapit sa dalawang bangko si RAIN at sabay silang umupo...
"Naks naman... Miss mo na agad ako?? Ang sweet naman ng bhie ko..." Kinikilig na tugon ni DAVIS...

"OO bhie... Miss na miss na kita.... Hindi ako sanay na hindi kita kasma sa Batangas ehhh... Ramdam ko yung pangungulila ng puso ko.." pagpapakilig na wika ni RAIN...

"Ikaw talaga.??.. Ako din naman miss na miss na kita... Pero tiis lang tayo... Kase naghahappy happy pa ang team DARIO sa BAGUIO... pagkatapos nila .. tayo naman di ba???" Nakangiting tugon ni DAVIS sabay hawak sa kanang kamay ni RAIN...

"Kaya nga ehhh... Nga pala kamusta naman dito sa SHOP?? wala ka bang naeencounter na problema dito??" tugon ni RAIN pagkuway saka nagtanong...

"Wala naman .... Pero speaking of problema...
Sumugod dito kahapon si LIBRA at gusto daw makausap si DARK.. kaya sinabi ko wala sila dito...
Naghohoneymoon sila sa BAGUIO... naku kung alam mo lang yung reaksyon niya nung sinabi ko yun... Halatang asar na asar.." tugon ni DAVIS saka naikwento ang ginawang pagsugod kahapon ni LIBRA sa shop...

Nagulat si RAIN sa narinig.." Ano ka ba?? Dapat hindi mo sinabi kay LIBRA na nasa BAGUIO yung dalawa.. baka kase sumunod bigla yung desperadang babaeng yun at guluhin sila..." Sambit ni RAIN...

Napaisip si DAVIS sa sinabi ng mahal niya..
"Patay!!! Oo nga nuh??? Sorry mahal hindi ko naisip na pwedeng mangyari yun.... Gusto ko lang naman kaseng asarin sya...ehhh... "

"Hayaan mo na... Siguro naman hindi magtatangka si LIBRA na gawin yun... Maliban na lang kung sobra na ang pagkadesperada nya..." Sambit muli ni RAIN...

Pagkatapos nilang mapagkwentuhan ang nangyare kahapon ay nag aya si RAIN na kumain muna sila sa labas ni DAVIS.. para naman daw magkaroon din sila ng sweet at relax na moment....

Sa kabilang banda naman..
Marahang bumaba ng kotseng itim si LIBRA sa tapat ng hotel na tinitigilan ngayon nina DARK at GRIO at pagkuway tinanggal niya ang kanyang shade at maattitude na tiningnan ang kabuuan ng hotel na tinutuluyan ngayon ng dalawa...
"Well.. im here na sa BAGUIO... and ready na akong kunin ka muli DARK ko..... And... Sisiguraduhin ko na iiyak si GRIO sa mga gagawin ko... Hayyysssttt... Im so excited tlga... Alam kong dito kayo tumutuloy ngayon... Kaya dito rin ako mag stay... . And let the battle begin... Hahhahhahahhahhahaha" masamang planong wika ni LIBRA.....

Ano kaya ang mga kaganapan nakahandang mangyare lalo na ngayong nasa iisang lugar sina DARK, GRIO at LIBRA...
Ano ang mga pinaplano ni LIBRA...??? Paano ito makakaapekto sa dalawang taong nagmamahalan,...
Ano ang pasabog ni LIBRA sa BAGUIO.???

ITUTULOY....

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon