EPISODE 27: "HINDI KO KAYANG WALA KA"

38 5 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHUR

Lumabas ng kwarto si DARK, hindi niya na kase matiis na hindi kausapin si GRIO ngunit paglabas niya ay wala doon ang mahal nya...

"GRIO ... Asan ka???" takang tanong niya.. pagkuway hinalughog ang buong bahay ngunit wla syang nakita kahit bakas ng anino nito...
Nakaramdam sya ng pag aalala at pakiramdam n baka umalis na si GRIO at umuwi sa kanila....dahil nga sa sagutang naganap sa kanila kanina...

"GRIO sorry na ...... Kung tinataguan mo lang ako at nagtatampo ka sa kin ... Sorry na mahal... Hindi ko sinasadyang masigawan ka..." Wika niya habang patuloy ang paglinga sa paligid ng bahay....
Halos kalahating oras na siya naghahahanap hanggang sa sumapit ang gabi.. hindi pa rin dumarating o nagpapakita si GRIO sa bahay...

Nakaramdam ng lungkot si DARK kaya naupo sya sa isang tabi...pakiramdam niyay iniwan na naman sya ng taong mahal niya....

Habang sa gitna ng gubat ay tuluyan ng inabot ng dilim si GRIO sa kakahuyan
pero tila mas lumayo pa sya sa bahay sa kalalakad nya mahanap lang ang daan...
"Naku... Mukhang naligaw na ako ng tuluyan... Pano na to... Madilim na... Hindi dapat ako gabihin...
Tawagan ko kaya si DARK... ?? pero mahina signal dun....bahagya na nga akong nakapagfacebook kanina sa may sala ehhh..." Aniya sa sarili pagkuway ipinagpatuloy pa ang paglalakad...
Natatakot na siya dahil unti unti ng kinakain ng dilim ang liwanag... Sa sobrang tataas ng punong kahoy sa gubat...

Humiyaw na lang si GRIO baka sakaling may makarinig sa kanya..
"Tulong!!!!! Tulongan niyo ako!!!"
Pero ni isang tugon ay wla  syang marinig tanging ang tunog lang ng kulisap tuwing gabi ang kanyang naririnig....
Nakaramdam siya ng pagod at naupo sa lilim ng isang malaking puno...
Bumigat ang kanyang kalooban at nakaramdam siya ng matinding pangamba na baka di na siya makauwi...

Sinubukan namang kontakin ni DARK ang number ni GRIO...
biglang nagring ito at sumagot...
"Hello GRIO.. mahal ... Sorry na... Asan ka ba??? Iniwan mo na rin ba ako????" Wika ni DARK ng sagutin ito ni GRIO...

" DARK tulungan mo ako... Nandito ako sa kakahoyan..sa gubat .. Naliligaw ata ako.. hindi ko makita ang daan..."paliwanag ni GRIO na tila natatakot na...

Ngulat at napatayo si DARK .
"Hah??? Anong ginagawa mo dyan??? Pano ka napunta dyan??" Tanong niya...

"Basta mahabang istorya DARK... mamaya ko na lang ikwento...hindi ko na alam kung nasan ako ngayon basta nakaupo ako... ngayon sa lilim ng isang malaking puno... Masyado ng madilim .. ang hirap ng maghanap ng daan..." sagot nito..

Labis na nag aalala si DARK
"Delikado sa gubat GRIO.. kung nasan ka man ngayon .??? Wag ka ng umalis dyan.. pupuntahan kita dyan... Intayin mo ako....mahal hah??"

"Oo sige DARK... mag iingat ka.." tugon naman  ni GRIO...

Nagmadaling tumungo sa gubat si DARK bitbit ang FLASHLIGHT...
habang naglalakad ay humihiyaw sya ng pangalang
"GRIO!!!!!! mahal andito ako!!!!! Nasan ka ba!!!!"  Pero wlang tumutugon sa kanya...siguro dahil nakarating na GRIO sa gitna ng kagubatan... Kaya malayo pa sya dito...

Habang tumitingin sa madilim na paligid si GRIO.. nagbabakasakaling sa bawat may naririnig siyang kayaskas ay si DARK ang masilayan niya pero mga ligaw na hayop lang pala ang mga ito...
"DARK .. ikaw na ba yan..???" tanong ni GRIO pagkuway tumayo mula sa pagkakaupo sa ilalim ng isang malaking puno at tiningnan ang bagay na gumalaw sa damuhan malapit sa kanya...
Inilawan niya ito ng screen ng kanyang cellphone...
Nagulat siya ng makita ang isang kulay abong ahas na gumagalaw sa malagong damuhan..

Malakas ang kabog ng dib dib niya...
"Ahaas!!!!" hiyaw niya at saka mabilisang tumakbo ng di alam ang pupuntahan ... Hindi niya namalayan na may malaking puno ang nakaabang sa kanyang dadaanan kaya naumpog sya dito at tuluyang bumagsak sa lupa....
"DAAAAAAARRRKKKKK!!!! AAASANN ka naaaahhh!!!" Wika niya habang paunti unting nawawala ang kanyang malay... Hanggang tuluyan na syang nawala sa ulirat...

Patuloy naman ang paghiyaw at paghahanap ni DARK kay GRIO... humiyaw na sya ng humiyaw ngunit wlang tumutugon... Direktang niya ring itinatama ang ilaw ng kanyang flash light sa mga lilim ng puno at nagbabakasakaling baka nandun si GRIO..
pero bigo siya....
Triny nyang kontakin ang celphone nito pero nagtataka sya dahil nagriring ito kaya lang wlang sumasagot....
Doon mas lalo syang nakaramdam ng kaba at pag aalala sa taong mahal niya..
Bawat daanan nyang damuhan ay hinahalibas niya sa sobrang pagmamadaling mahanap si GRIO...
" GRIO.. hindi ko kyang may masamang mangyari sayo... Baka hindi ko kayanin... Plis LORD .. ipakita niyo na sa kin ang GRIO ko!!!" Bulong niya sa sarili na para bang maiiyak na saka patuloy sa madaling paglakad at pghahanap...
Ganap na alas otso ng gabi pero hindi pa rin makita ni DARK ang taong hinahanap... Nakaramdam na rin sya ng pagod kaya lang ayaw niyang sumuko...
Bagkus ay nagpatuloy pa siya sa paggalugad sa gubat...
Sa di sinasadyang pagkakataon biglang nahagip ng ilaw ng flash light niya ang isang taong nakahiga sa lupa at tila may konting dugo sa noo...

Nagulat sya at nag alala na baka si GRIO ito...
Nilapitan nya ang tao...
"GRIO ... mahal anong nangyari sayo???" Maiiyak na wika niya pagkuway niyakap ang walng malay na si GRIO...

"GRIO gumising ka... Hindi mo pwedeng gawin to...
Wag mo naman akong iwan plis...."umiiyak ng wika niya habang inaalog ang katawan nito..

Hindi nagpapakita ng pagtugon si GRIO pero ramdam ni DARK na may pulso pa ito...agad niyang binuhat si GRIO para iuwi sa bahay....

Nagmamadaling binagtas ni DARK ang kagubatan habang buhat ang kanyang mahal...
Umiiyak na sya at nag aalala na baka kung anong mangyari dito...
"Kapit lang GRIO.. wag kang bibitaw... Dadalhin kita sa ospital pagkadating natin sa bahay..." Aniya...

Ilang minuto pay nagmulat ang mata ni GRIO..
"DARK!!!" bigkas nito...

Labis ng kasiyahan ni DARK ng makitang gising na ang kanyang mahal...
"Wag ka munang magsalita... Hayaan mo munang buhatin kita at uuwi tayo ng bahay para gamutin yang sugat mo..." Masayang wika niya... Pagkuway mas nagmadali pang umuwi ng bahay....

Itutuloy....

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon