EPISODE 34:"HANDA NA AKO"

42 4 1
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHUR

Kinahapunan, sa sementeryo...
Mag isang umiiyak si DARK sa harap ng puntod ng kanyang ama..
" Dad... Eto na naman ako... Tila nag iisa...  Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.... Yung taong mahal na mahal ko mukhang mawawala na sa akin...
Dad hindi ko kya ehhhh.... Sobrang mahal ko n sya...
Pero hindi sya patas.... Hindi nya ako kayang ipaglaban.... Hindi pa sya handang ipagsigawan ang pangalan ko..." Nagsusumamong umiiyak si DARK pagkuway lumuhod sa tabi ng puntod at tila isang taong wala ng silbi ang buhay...

"Dad.. sana nandito ka.... Sana kasama kita sa sakit na nararamdaman ko.... Kung nandito ka... Ano kayang maipapayo mo sa akin...??? Susuportahan mo ba ako???? O sasabihin mo... Itigil ko na lang ito dahil nasasaktan lang ako??? Dad.. kailangan kita ngayon...
Kailangan ko ng Ama na magbubuhat sa kin...
Durog na ako DAD... durog na durog na ako...." Nakakaawa at may habag sa sarili na wika niya...

Pinahid ni DARK ang mga luhang walang humpay na tumutulo mula sa kanyang mata...bahagya siyang bumuntong hininga at muling tumayo.....
"Dad... Sana magparamdam ka sa akin ng suporta kahit ngayon lang....
Dapat ba ipaglaban ko si GRIO...??? dapat ba hindi ko hayaang mawala sya sa akin...?? Dad... Kailangan ko ng sagot mo.... Dad!!!!" Aniya habang humihiyaw ng malakas sa hangin...pagkatapos ay isang malakas na hagulhol ang nagawa nya na naging sanhi ng pagluhod muli niya sa harap ng puntod...
Umihip ang mahinang hangin sa buong paligid ng sementeryo at pagkuway tila isang malamig na yakap ang naramdaman ni DARK na dumampi sa balat niya...

"Dad...??? Alam ko ikaw yan... Nararamdaman kita ...
Ibig sabihin ba nun hindi ako dapat sumuko.... ???
Na dapat hindi ko hayaang mawala ang GRIO ko....??

Yun ba yun DAD?? " Unti unting ngumiti at gumaan ang loob ni DARK habang dahan dahang  tumayo
.. nararamdaman nya ang suporta ng kanyang DADDY kahit wla na ito....

"hindi ako papayag na mawla ka sa kin GRIO ko...
Walang pwedeng humadlang sa tin dalawa... Ipaglalaban kita... Dahil yun ang ibig savihin ng mga hanging yumakap sa akin ngayon... At alam kong si DADDY iyon... Ayaw niya akong makitang nasasaktan... Kaya kailangan kong maging matapang sa nararamdaman ko...Pasensyahan na tayo GRIO pero akin ka..." lumakas ang loob at may tapang na wika ni DARK..
Handa na syang mas maging matapang para sa kanyang nararamdaman...

Pasado alas syete ng gabi nakakulong sa kanyang kwarto si GRIO at malungkot na nag iisip... Hindi nya rin mapigilang mapaluha kapag naaalala niya ang nangyari sa knila ni DARK kanina...

" DARK... Napakasama ko na hindi kita magawang ipaglaban... Napakahina ko ... Alam kong mahal kita pero ang laki ng takot ko.... DARK hindi mo deserve ang isang duwag na gaya ko...Sorry kung nasaktan kita ng sobra sobra ngayon.... Mahal na mahal pa rin kita DARK ko.." umiiyak na wika niya habang nakasubsub sa unan...
Biglang kumatok si NAY SELYA...

"NAK... may problema ka ba ?? Papasok ako hah?" Bati ng ina sa labas ng pinto..

"Cge nay pasok kayo... Bukas po yan..." Tugon ni GRIO...

Ilang segundo pay pumasok na si NAY SELYA...
"GRIO anak... May problema ka ba?? Kanina ka pang nakakulong dyan... Simula nung pagkarating mo mula sa trabaho... Ano bang problema anak...??" wika nito pagkuway umupo sa tabi ng kama ni GRIO at hinagpos ang likod ng ANAK...

"Wala po Nay... may pinagtalulanan lang po kami ni DARK kanina..." Tugon ni GRIO..

"Tungkol saan naman... ??? sa trabaho ba? O tungkol sa inyong dalawa....???" Sambit ni NAY SELYA...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon