Episode Casts:JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHURARAW ng LUNES,
Sa DARK COFFEE AREA..."Ok.. hindi muna tayo pupunta sa 2nd BRANCH ngayon... Pinaasikaso ko na sa katiwala ko ang pamamahala muna doon... From now on.. magfofocus muna tayo dito sa main BRANCH...
maliwanag ba yun DAVIS??" Wika ni RAIN na nakatingin dito..Unang araw kase ni DAVIS sa trabaho...
Pero dahil wla pa sina DARK at GRIO.. sila munang dalawa ang mag aasikaso sa main branch..
"Oo brad.. clear sa akin yun... Teka ?? Bakit nga ba hindi papasok sina DARK at GRIO ngayon..?? Ehh... D ba ngayon yung trial sa mga bagong irerelease na menu??" Tanong ni DAVIS pagkuway napatingin kay RAIN..Hindi niya inaasahang mahuhuli nya si RAIN na tulalang nakatitig sa kanya...
"Ahhh... Tumawag kagabi sa kin si DARK... tayo na lang daw muna ang mag asikaso sa trial ngayon... And nag iwan na rin daw ng listahan ng procedure si GRIO step by step... Susundin n lng natin yun ..para pagbalik nila mairelease na sa THURSDAY ang new specialty" sagot ni RAIN ng mahuli sya nitong tulala..Ngumiti si DAVIS kasama ang kanyang singkit na mata...
"Ahhh ganun ba??? Alam mo pre nagtataka na ako sa dalawang yun...para may hindi sila sinasabi satin.." nag iisip na wika ni DAVIS..Napaisip din si RAIN..
"So.... Hindi lang pala ako yung nakakahalata sa kanila.... Alam mo pre kung ano man yang nasa isip mo... Hayaan mo na lang muna... Isang araw magsasabi din yung mga yun kung ano man ang meron sa pagitan nila.. "paliwanag ni RAIN na tila ba may alam na sa mga nangyayari kina GRIO at DARK.."Tama ka pre... At kung sakali man na tama ang hinala natin pareho.... Bilang mga kaibigan nila ay susuportahan natin sila kung saan sila masaya... Kase mahal natin sila..."nakangiting tugon ni DAVIS..
pagkuway kumamay kay RAIN...Napatingin muna si RAIN sa mga palad nito bago tuluyang abutin ang pagkamay ni DAVIS...
"Sa ngayon manahimik lang tayo... Kase baka mamaya tamang hinala lng tayo... Di ba???So... Ngayon .. ienjoy mo ang first day dito sa trabaho... Marami tayong gagawin ngayon kase ikaw na yung bagong partner ko.." aniya kay DAVIS...
"OO tama ... Kung si GRIO may DARK...
Ikaw naman... Merong ako..."sagot ni DAVIS..."Hah....??? What do you mean na meron akong.. ikaw??"napaisip at nagugulumihanan si RAIN..
"Meron kang gaya ko na partner mo sa work... Wag mong sabihing gagayanin din natin ang DARIO... hahhahhaha" natatawang paliwanag ni DAVIS..
nanlaki ang mata ni RAIN...
"Hah?? Pano mo nalamang DARIO ang tawag ko sa tambalan nina DARK at GRIO???" aniya..Nagulat din si DAVIS sa narinig..
"Hah.. DARIO din ba tawag mo sa kanila??? Ako kase matagal tagal ko ng nahalata na parang may kakaiba sa dalawa ... Kaya naisip ko na tawagin silang DARIO...
Hindi ko nman alam na shipper ka rin ng mga kaibigan natin hahaha..." Paliwanag ni DAVIS..."AYOS ahhh... May similarities tayo... Kase parehas tayo ng talas sa pakiramdam...
Tpos parehas din tayong tamang hinala ... And then parehas din pala tayong may lihim na pagship sa team DARIO... grabe tau nuh??? Mga loko lokong kaibigan nila... Hahhaaha".. natatawang wika ni RAIN..."hahahah talaga ba.. ohh basta secret lng natin ung mga tamang hinala natin... Baka mamaya mali pala tayo ng inaakala .. tpos magalit un dalawa sa tin BARDAHIN tayo.. tampuhin pa naman si GRIO..."
pakiusap ni DAVIS habang tumatawa...."Syempre naman.... Naku... Lalo na yang bestfriend kong si DARK.. sobrang tampuhin at seloso nyan...kaya ingat ka minsan sa binibitawan mong biro dyan... Kase sa pagkakaalam ko .. si GRIO lang ang may kapangyarihan na pakalmahin ang bestfriend ko...tingin pa lang ni GRIO ehh di na mapakali si DARK... hahahahaha" kwento rin ni RAIN pagkuway may pagtapik pa sa balikat ni DAVIS...
"OO nga ehhh halata ko din yun minsan hahha...
Pero pre.. parang medyo nagiging chismoso na tayo... Kaya turuan mo na ako sa mga gagawin kong trabaho ngayong first day ko..."natatawa pa rin si DAVIS...Ngayon pa lang lubos nagkasama sina RAIN at DAVIS pero parang matagal na silang magkaibigan kung magkwentuhan... Siguro dahil parehas silang madaldal at bully sa kanilang mga kaibigan... San kaya sila dadalhin ng kanilang pagkakapareho sa ibang bagay????
Samantala... Sa isang upahang appartment...
"Mommy.. hanggang kailan tayo dito??"wika ni PRINCESS habang nililinga ang bagong appartment na nilipatan nila..."Hanggat hindi pa natin nakakausap ang kuya DARK mo at nababalaan sya na mag ingat... Gusto ko rin syang kausapin at magpaliwanag sa lahat..." Sagot naman ng MOMMY VESTRA niya...
"Mommy natatakot ako kay DADDY ... Alam nating pansamantala lang ang pagkakakulong niya... Any time pwede syang makalaya at muli tayong guluhin..
Ayoko ng bumalik kay DADDY ... Sigurado ako sasaktan ka na naman nya.. "wika ni PRINCESS na tila natatakot..."Hindi tayo papayag na makalaya agad yang hayop mong ama.. at hindi ko din hahayaang muling saktan niya tayo.... Kaya kailangan nating makausap ang kuya DARK mo..." paliwanag ni VESTRA pagkuway niyakap ang takot na anak...
"Delikado ang buhay ni kuya DARK.. mommy ...dahil ipinangako ni DADDY na pag nakalaya siya... Guguluhin niya ang buhay natin at idadamay nya si KUYA DARK... galit na galit sya dito kase sinsisi niya si KUYA DARK na sya daw dahilan kaya nagkakagulo ang pamilya natin.." tugon ni PRINCESS
"Kilala mo ang DADDY mo... Kaya sya yumaman at nagkapera dahil leader sya ng isang sindikato...Handa syang pumatay para makuha ang gusto niya.... Ang tanga ko nga dati at pinatulan ko yang DADDY mo kahit ang mahal ko naman ay ang asawa kong si JUSTINO..." Naiiyak at may panghihinayang na wika ni VESTRA...
"Kaya dapat po MOMMY sabihin mo na kay kuya DARK ang totoong dahilan kung bakit mo talaga sila nagawang iwan..dahil kailangan nating magtulungan para mapigilan si DADDY na makalabas sa kulungan..." sambit na may halong takot ni PRINCESS pagkuway naiiyak na rin...
"Kaya lang Anak...Princess... Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kuya DARK mo... na kaya ko sila nagawang iwanan noon... Ayyy Dahil Pinilit ako ng DADDY mong si ARTHUR na sumama sa kanya.. pinagbantaan niya ako na ipapapatay niya sa mga tauhan niya ang mag ama kong sina JUSTINO at ang anak kong si DARK...
natakot lang naman ako nun... Dahil kilala ko ang DADDY ARTHUR mo Lider sya ng sindikato at.... kaya niyang pumatay... Kaya wla akong choice kundi sumama sa kanya... At magdusa sa piling nya sa loob ng maraming taon... Ultimo yung pagkamatay ng Asawa kong si JUSTINO ay hindi ko man lang nasilayan... Kase papatayin ako ng DADDY ARTHUR mo sa oras na bumalik ako sa kanila... Sobrang sakit at hirap ang dinanas ko sa DADDY mo..."umiiyak na nagpapaliwanag si VESTRA...Hinimas ni PRINCESS ang likod ng MOMMY nya...
"Alam ko yun mommy.. saksi ako sa mga pinagdaanan mo kay DADDY.. kaya nga ako na mismo ang nagsumbong sa pulis sa lahat ng anumalyang ginawa niya.. para mahuli na sya at makulong.... Pero alam natin MOMMY na pansamantala lang ang pagkakakulong ni DAD..
At sigurado ako pag nakalaya siya... Nanganganib tayo lalo na po si KUYA DARK... mas nasa panganib ang buhay niya... Sa tindi ng galit sa kanya ni DAD..."
Wika ng anak..."Kaya nga dapat makausap na natin ang kuya mo.. at maipaliwanag na ang lahat... Bago pa makalaya ang DADDY mo... Ng maproteksyunan niya ang sarili niya.. Dahil hindi ko hahahayaang saktan ni ARTHUR ang KUYA DARK mo.... Wla syang kasalanan sa lahat..."tugon naman ng ina...
"Gagawa ako ng paraan mommy... Kung kinakailangang lumapit ako sa mga kakilala ni kuya DARK para lang makausap siya.. ay gagawin ko...
Kaya naisip ko na kilalanin yung kaibigan ni kuya na si GRIO.... Yung lalaking kasama niya sa sementeryo...
Baka sya ang makatulong satin para makausap si kuya.. at makinig sa mga paliwanag mo ...."
Sambit ni PRINCESS habang nagplaplano....Sa paglabas ng katotohanan..mula sa sakit ng nakaraan ni DARK..
paano nito babaguhin ang buhay niya...??Handa na ba siya sa pagpapatawad...????
Paano nito maapektuhan ang relasyon sa pagitan nina DARK at GRIO...???ITUTULOY.......
BINABASA MO ANG
THIS I PROMISE YOU (Completed)
RomanceJL TORELIZA- is DARK JUSTINE MONTERO or DARK isang taong lumaki sa mundong puno ng kasinungalingan buong buhay pakiramdam nya lahat ng taong mahal nya ay hindi totoo sa kanya.Sya rin ay nagmamay ari ng sikat na DARK COFFEE AREA isang Coffee Shop na...