EPISODE 49: "PALITAN"

25 2 0
                                    


Episode Casts:

JL TORELIZA as DARK
AKIRA MORISHITA as GRIO
GJLELO RIVERA as RAIN
MIKKI CLAVER as DAVIS
NATE PORCALLA as ARIES
AC BONIFACIO as PRINCESS
KIRA BALINGER as LIBRA
PINKY AMADOR as NAY SELYA
AGOT ISIDRO as VESTRA
NONIE BUENCAMINO as ARTHUR

Kinabukasan , tanghaling tapat sa sementeryo kung saan nakalibing ang DADDY ni DARK..
dun ang lokasyon kung saan magaganap ang palitan..
Ibabalik ni ARTHUR ng maayos si ARIES sa pamilya nya kapalit naman nito ay sasama si VESTRA sa kanya...

Pinagplanuhan ng grupo nina DARK at GRIO ang gagwin upang wlang masaktan at mahuli na nila si ARTHUR sa akto...nakipag ugnayan na rin sila sa mga pulis at maaga pa lang ay nakabantay na ang mga ito ng palihim sa paligid ng sementeryo upang hulihin si ARTHUR...

Dumating ang takdang oras... Nagdesisyon sina GRIO at DARK na sila na lang ang sumama kay VESTRA para mkipag usap kay ARTHUR.... para sa mgaganap na palitan... Habang sina DAVIS at RAIN naman ay kasma ng mga pulis na palihim na nagtatago sa paligid ng sementeryo at pag naghudyat ng senyas upang hulihin ang demonyong si ARTHUR ay agad na lalabas ang mga ito...

"Magandang araw GRIO at DARK at syempre sayo rin aking mahal na VESTRA.." nakangiting bati ni ARTHUR habang hawak si PRINCESS na nakatali ang dalawang kamay... Sa likuran nya naman ay ang kanyang tatlong makikisig na utasan na ang hawak naman ay si ARIES habang nakatali din ang mga kamay nito....

"Hayop ka ARTHUR .. bakit pati ang anak mong si PRINCESS itinali mo???" Galit na tugon ni VESTRA na nakatago sa likod nina GRIO at DARK...

"Mommy... Ok lang ako wag kang mag alala..." Tugon naman ni PRINCESS..

"Siguro naman susunod ka sa usapan ARTHUR na ibabalik mo sa amin si ARIES kapalit ni Mommy.." gigil na wika ni DARK na nanlilisik ang mata kay ARTHUR....

"ARIES.. ok ka lang ba???" Pasimpleng tanong ni GRIO sa kapatid na tila hindi makagalaw sa higpit ng kapit dito ng mga tauhan ni ARTHUR...

"OO kuya.... Wag mo akong alalahanin.." tugon din ni ARIES....

"Bueno.. palapitin mo na sa akin si VESTRA at papakawlan ko na si ARIES.." Wika ni ARTHUR... pagkuway inutusan ang tatlong tauhan na kalagan ang tali sa kamay ni ARIES...

"Sasama ako sa iyo ARTHUR... pero wag mong sasaktan ang mga bata... Pakiusap .....hayaan mo n din silang makaalis ng maayos..." Pakiusap muna ni VESTRA pagkuway dahan dahang lumapit kay ARTHUR...

Nang makalagan ay agad na tumakbo si ARIES kina GRIO at DARK pagkuway yumakap sa kanyang kuya...
"Kuya.... "Takot at umiiyak na wika ni ARIES....

Niyakap din ito ni GRIO at hinagpos ang likod...
"Ok ka lang ba??? Hindi ka ba nila sinaktan hah????" Tanong ni GRIO sa kapatid....

Sa paglapit naman ni VESTRA kay ARTHUR ay mabilis niyang niyakap ang anak na si PRINCESS...
"Anak ko.... Ayos ka lang ba??? Dyos ko!!!" Sambit niya kay PRINCESS pagkuway mabilis na kinalagan ang tali sa kamay nito....

"Opo MOMMY... ok lang ako...." Tugon ni PRINCESS habang kumakawala sa tali niya sa kamay....

"Boyss!!! Hawakan niyo ang mag ina ko..." Utos ni ARTHUR sa mga tauhan niya pagkuway mabilis na kinapitan ng tatlong malalaking tauhan ang mag ina para hindi makagawa ng anumang uri ng pagtakas...

Mabilis na hinugot ni ARTHUR ang baril at itinutok kina GRIO at DARK...
"Kung inaakala niyong ayos na ang lahat... Pwes!! Nagkakamali kayo....!! Dahil hindi ako papayag na mabubuhay pa kayong tatlo... DARK , GRIO at ARIES..." banta ni ARTHUR....

Nagulat ang lahat sa pagtutok ng baril ni ARTHUR...
"DAD!!!!! tama na ... Akala ko ba may usapan tayo na hindi mo na sila gagalawin????" Pigil ni PRINCESS...sa ama...

"ARTHUR... Hayaan mo na sila.... Nakuha mo na kami di ba??? Wag mo naman sasaktan ang anak kong si DARK at ang mga kaibigan nya..." Pasunod na pigil din ni VESTRA....

"Hayop ka!! Pinatay mo na nga ang DADDY ko.... Balak mo pa kaming ubusin..." Galit na hiyaw ni DARK
Habang hawak sya ni GRIO at ARIES sa magkabilang braso...

"Napakasama mo talaga ARTHUR... wla kang kasing sama!!!!" Malakas naman wika ni GRIO....

GIgil na itinutok ni ARTHUR sa tatlo ang baril pagkuway padaplis na nagpapaputok para takutin ang tatlo....
"Unang bala para sa pananakot yan....
Pero itong pangalawang ipuputok ko... kanino kaya mapupunta??? Ikaw ba ARIES na pakialamero... O si GRIO na mas pakialamero Ohh... Ang aking pinakapaboritong si DARK?????? hahahhahah tama ka... Pinatay ko ang DADDY mo.... at ngayon ikaw na ang isusunod ko!!!!!" demonyong wika ni ARTHUR..

Ilang minuto pay tatlong sunod sunod na putok ng baril ang umingay sa paligid....

Nagulat si ARTHUR nang lingunin niya ang likuran...
Dahil ang tatlo nyang tauhan na kaninay hawak sina PRINCESS at VESTRA ay tila mga lantang gulay na nakahiga sa sahig at pare parehas may tama sa likod...

Napahiyaw naman sina PRINCESS at VESTRA sa takot...
"Boys... Anong nangyari??" Takang tanong ni ARTHUR... na nakatingin sa tatlo nyang tauhan na naghihingalo...

"Boooosss... Mukhang may kasma silang pulis sa paligid..." Sagot ng isang taon pagkuway nawlan ng malay....

Ang mga pulis palang nakamatyag sa paligid ang bumaril sa tatlong tauhan ni ARTHUR kaya mga nakahandusay ito....

"Wla ka nang kawala ARTHUR.. Tapos na ang kasamaan mo??? " Nakangiting wika ni DARK....

"Ngayong harap harapan mong inamin na ikaw ang pumatay sa DADDY ni DARK... sigurado ako... Mabubulok ka na sa bilangguan..." Pasunod naman ni GRIO...

Habang si ARIES naman ay sinenyasan sina VESTRA at PRINCESS na tumakbo na papalayo...

Agad namang nagets ito ni PRINCESS kaya hinila nya ang kanyang MOMMY palayo kay ARTHUR para pasimpleng tumakas at magtago....

Mabilis na napansin ito ni ARTHUR kaya nahablot niya sa buhok si VESTRA...
"ARAYYY!!! bitiwan mo ako ARTHUR... nasasaktan ako..." Hiyaw ni VESTRA ng mahawakan sya ni ARTHUR....

Sinundan naman ni ARIES si PRINCESS na tumatakbo palayo

"Hindi mo ako matatakasan VESTRA... Akin ka lang!!" Gigil na wika ni ARTHUR pagkuway itinutok ang baril sa leeg ni VESTRA na ngayon at hawak nya ng mahigpit at saka lumakad papalayo kina DARK at GRIO...

"ARTHUR... itigil mo yan!!! Wag mong sasaktan ang MOMMY ko..." Nagmamakaawang wika ni DARK na nag aalalang nakatingin sa ina...

Ilang segundo pay lumabas na ang pulis kasama sina DAVIS at RAIN...

"MR. ARTHURO ESCOBAR... sumuko ka na ... Napapaligiran ka namin..." Sigaw ng isang police..

"Hindi nyo ako makukuha... Magkakamatayan muna tayo....!!!" hiyaw ni ARTHUR na hawak sa keeg si VESTRA at tila hinostage niya....

"ARTHUR .nasasaktan na ako.." daing naman ni VESTRA dito...

"Sumuko ka ng matiwasay MR. ESCOBAR..." muling sigaw ng isang pulis...

....itutuloy...

THIS I PROMISE YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon